NAPAKINGGAN ko ang isang awitin na tumutukoy sa babaeng nagbebenta ng aliw.
Minsan ko lang napakinggan ang awitin ngunit natukoy ko ang mensaheng nais ipabatid nito.
Sistema!
Sistema nga ba na magbenta ng aliw ang isang babae dahil mahirap ang kanilang pamilya o pinababayaan siya ng kanyang mga magulang?

Sistema nga ba na walang nagagawa o nagpapabaya ang pamahalaan upang malulong ang mga babae na walang alam na paraan kundi magbenta ng laman?
Malaking isyung talakayin ang ganitong uri ng senaryo na sangkap na ng ating lipunan.
Oo nga, ang prostitusyon ay pinakalumang propesyon. Propesyon nga ba?
Ngunit hindi dapat gawing dahilan ang sistema upang magkaroon ng malinaw na paliwanag o dahilan kaya ginagawa ng mga batambatang babae ang magbenta ng laman upang mabuhay.
Nasa sistema iyan ng pag-iisip at pagtukoy sa problemang hinaharap.
Mahina.
Madaling mawalan ng pag-asa. Madaling sumuko at walang tiyaga.

KAWALAN ng pag-asa ang isa sa mga dahilan kaya nabubuyo ang ilang babae na pumasok sa prostitusyon o magpakita ng katawan para kumita ng salapi.
Madaling kumita sa ganitong paraan. Kailangang kumita agad para sa araw-araw na pangangailangan.

Iyan ang tugon ng iba.
Nagmamadali.
Pero ang iba ay luho ang dahilan. Ang iba ay inggit ang nag-uudyok.

Bakit? Kailangang maging "in" sa mga gamit. Dapat maging trendsetter at hindi masapawan. Diyan madaling kumita kaya sa ganyang paraan din nila masusunod ang luho ng katawan.
Ano nga bang silbi ng kanilang ganda kung hindi mapapaganda pang lalo. Paano 'yung pambili ng mamahaling pabango, damit, kolorete at pagpunta sa mga happenings at gimik?
Inggit! Ba't mayroon ang iba na wala ako? Sila lang ba ang may karapatang maging masaya at guminhawa at masunod ang gustong gawin at bilhin? Ang mga patagong tanong ay inihahanap nila ng mabilis na tugon - at ang pagbebenta at paghuhubad ang napagbabalingan.

Iyan ang tugon, para sa kanila.
Ngunit, may mga dramatiko at madamdaming dahilan. Makabagbag-damdaming kuwento ng mga babaeng nasadlak sa lusak para maihango sa kahirapan ang kanilang pamilya.
Iyan ang tunay na bersyon ng dala-sa-pilit at kapit sa patalim na paglusong ng ibang babae sa putikan ng kamunduhan.
Ngunit hindi pa rin iyan ang wagas na dahilan.
Maling desisyon.
Ang iba ay rebelde. Hindi makaramdam ng pagmamahal sa mga magulang kaya naghanap ng ibang kalinga. Pagpapabaya ng mga magulang ang dahilan. Hangal na katwiran.
May bersyon din ng naanakan ng boyfriend ngunit tinakasan, at upang mabuhay ang anak ay sa kasa o nightclub napunta.
Kailangan bang intindihin at bigyan ng justification ang mga dahilan o dapat lang na tanggapin dahil sila ay parte ng entablado ng aliwan?
Hindi nga mawawala ang ganyang klaseng trabaho pero hindi dapat maging pangunahing atraksyon iyan sa mga babaeng binigyan lang ng konting ganda ng mukha at katawan ay magdedesisyon nang pumasok dahil may "K" sila.
Maling pananaw. Wala sa katwiran.
Sistema nga ba ang dahilan kaya ang ibang babae ay nasa lansangan at nagpapahagip sa mga ganid sa laman?
Sistema na ba na ang isang batambatang babae na maganda ay bibihisan ng magulang upang papasukin sa club?
Habang umiikot ang mundo at habang sumisikat at lumulubog ang araw ay maraming kuwestyon ang kasama ng sirkulong ito kaya dapat na lang bang tanggapin ang katotohanang andiyan na yan?
Sistema!
Ano sa inyo?