Wednesday, August 23, 2017

AlDub pa rin

Di ka pinangarap,
Hindi ka hiniling
Ikaw ay kusang dumating.
Alab ng damdami'y pinasigla.
Kahit mahirap, mataginting ang tawa.
AlDuBEST ka talaga.



Si Lolo, iniwan ang himas-himas na panabong at baka mawalan ng silya di makaporma sa sala.
Ayun antay pala ang AlDub at baka mawala sa eksena.
Si Lola, itinabi ang tinatahi. Aba, mas mabilis ang sulsi ng mata sa bawat suyod sa kabanata.
Si Tatay, kahit hirap sa hanapbuhay, lubos na nagagalak sa pakuwela.

Si nanay itinabi ang labada at hinarap ang TV para makita ang AlDub.
Ayun pumuti ang nilalabhan 'di dahil sa kuskos kundi sa kloroks na naibuhos.
Di bale, lagi siyang nakaantabay sa AlDub, yun ang mahalaga..

Si Ate, kahit inlab, kapag AlDub tutok na.
Tama si Lola Nidora sa mga payo sa pag-aasawa at sinisinta.
Kultura natanto ni Ate kaya happy siya nakita niya ang koneksyon ng ngayon sa noon.
Di pala nag-iiba ang panahon.
Iniiba lang ng iba na ayaw tumugon sa tamang bersyon.
Kaya ang kolokoy na sinta di na makaporma. Di na makasilip ng tsansa sa malisyosong sistema.
Si Bunso, tuwang-tuwa, di na siya mautusan.
Pero kwidaw ka, ayun sumugod sa internet cafe.
Kala mo magdoDOTA, yun pala search din ng AlDub mania.



Ang mga driver, aba mga kuya, iparada muna ang dinadala at baka mabangga mahirap na.
Huwag sisihin ang AlDub ha.
Sa palengke, mabenta na ang paninda happy pa sila.
Mga saya ng mukha at ngiti na pinasigla at dinoble pa ng benta.
Kahit saan,
Mula sa itaas hanggang sa baba ng bansa.
AlDub pa rin!

No comments:

Post a Comment