Akala ng ilang kabataan, ang pag-ibig ay laging bed of roses so hindi nila napaghahandaan what worse has to come.
Sabagay, may abilidad silang makabangon sa desperasyon. Ang iba, inisip ang move on pero may hindi makawala kaya hindi magawa ang humakbang at makaalis sa trap ng kalungkutan.
Sa matatapang na nakatingin sa positibong realidad ng pag-ibig ay sasabihin nilang "O, ba't ko siya minahal e hindi naman pala dapat."
Ang mahalaga ay ang ngayon, pero hindi kailangang ikulong ang puso sa kasalukuyan. Kung nasaktan man, ang puso ay nariyan lang at handang tumibok uli para sa bagong pinto ng isa pang mamataang kabataan na 'pag humantong muli sa siphayo ay panatilihin na lang na bahagi ng game of love o kundi man burahin sa pahina nang 'di na mabuklat.
Bakit ka ba nagmamahal?
No comments:
Post a Comment