Saturday, March 2, 2019

BENEPISYONG PANGKALUSUGAN NG MALUNGGAY POWDER




PAGGAWA NG MALUNGGAY POWDER

1. Kumuha ng malunggay leaves,  kasama ang tangkay. 
2. .Isabit at patuyuin ang mga dahon sa mababang temperatura o air dry kung tawagin. Huwag ibilad nang direkta sa init ng araw dahil mawawala ang mga sustansya at kemikal nito. 
3. Basain Isang beses sa isang araw upang matanggal ang dumi.
4. Hintaying malaglag ang mga dahon at kapag maaaari nang dikdikin ay kokektahin ang mga dahon. 
5. I-blend o dikdikin sa tradisyonal na paraan ng paggamit ng maliit na lusong.
6. Salain ang pulbos upang matanggal ang dumi.
7. Ilagay sa sisidlan.  


Health Benefits ng Malunggay Powder

Maraming benepisyo sa kalusugan ang makukuha sa malunggay. 
Masarap at masustansyang lutuin at panlunas sa ibang karamdaman at kondisyon ng katawan.
Dahil sa Nakamamangha nitong katangian sa pagbibigay lunas,  ito ay tinaguriang miracle plant. 
Sanhi ito upang maghanap ng iba pang paraan upang higit na mapakinabangan ang halaman. 
Dito nabuo at sumulpot ang malunggay powder. 
Ang tuyong dahon na pinulbos ay higit ang nutrients kumpara sa sariwang dahon. 
Ang pulbos ay madaling matunaw sa tubig at magagamit na sangkap sa Iba't ibang lutuin. 
Ang pulbos ay mananatiling sariwa sa loob ng ilang buwan at mapapanatili ang mga bitamina,  minerals,  amino-acids at ibang nutrients.

BILANG GAMOT

1.Madaragdagan ang inyong lakas, enerhiya  at resistensya. 
2. Ang pag-inom ng mula sa pulbos ng malunggay ay nagpapanatili ng normal na asukal sa katawan kaya maaring maging lunas ito sa diabetes. 
3..Nilalabanan nito ang pagtubo ng cancer cells. 
Pinabababa ang kolesterol at hindi normal na pamumuo ng dugo. 
4. Kinokontrol ang presyon ng dugo at nakatutulong sa mga hindi makatulog 
5. Nililinis ang tubig at tinatanggal ang mga lason sa katawan.
6. Sa pag-aaral,  ang malunggay powder ay mabisang panlunas sa depresyon at pag-aalala.
7. Tugon ang malunggay powder sa kulang sa nutrisyon. 
8. Mainam ang pulbos ng malunggay sa mga buntis at nagpapasusong ina. 

PAMPAKINIS NG BALAT

Mahalaga ang pulbos ng malunggay sa pangangalaga sa balat.
Pinababagal nito ang pagtanda dahil siksik ito sa bitamina A,  C at  E.  Binabawasan nito ang pagsulpot ng mga kulubot.
Ang pulbos ay maaaring ipahid nang direkta sa mukha para mawala ang gaspang at maging makinis ang mukha. 

PINAHIHILOM ANG SUGAT

Ang pulbos ng malunggay ay ipinapahid sa sugat at galos upang mapadali ang paghilom at maiwasang magkapeklat.

PINATUTUBO AT PINAGAGANDA ANG BUHOK

Pinasisigla nito ang pagtubo ng buhok dahil taglay nito ang zinc na nagpapalusog at nagpapaganda sa mga hibla ng buhok. 

SUSTANSYA NG MATA,  UTAK,  ATAY AT BATO

Nagbibigay sustansya ito sa mata at utak. Nakatutulong upang maging normal ang atay at bato 

NILALABANAN ANG IMPEKSYON 

.Pinagagaling nito ang mga impeksyon,  pinabababa ang asukal sa katawan at pagbagsak ng timbang. 

1 comment: