NAKAGUGULAT.
Natagpuang patay ang alamat ng Hollywood na si Robin Williams sa kanyang tahanan sa California noong 2014. Hinihinalang nagpakamatay ang sikat na aktor.
Namatay siya bunga ng asphyxiation o kawalan ng hangin.
Nakagugulat, Hindi kapani-paniwala dahil sikat at iniidolo ay nagwakas ang buhay sa trahedya.
Isa lang si Williams sa mga celebrities na kinitil and sariling buhay.
Marami ang nakisimpatiya, nalungkot at iba't iba pang emosyon na hinabi ng nakapangingilabot na katagang SUICIDE.
Sa edad na 27 anyos ay niyanig ang mundo ng musika nang barilin ni Kurt Cobain ang kanyang sarili.
Lead singer ng pamoso at kinahihibangang music group, ang pagpanaw ni Cobain ay nagpainit pa ng kanyang kasikatan ngunit may panghihinayang na sumapuso sa music lovers.
Sa sports, ang linebacker ng Kansas City Chiefs na si Jovan Belcher ay binaril at napatay ang kanyang kasintahan. Dala ang sasakyan ay nagtungo siya sa headquarter ng koponan at mismong sa harap ng kanyang coach at general manager ay binaril nito ang sarili.
Kahindik-hindik ang pangyayari.
Sa lokal, ang produkto ng talent search ng isang TV network ay bumaling din sa suicide para kitlin ang sariling buhay.
Ang 26 anyos na sa Tyrone Perez ay namatay sa loob ng kanyang sasakyan matapos magpatiwakal.
Ano ang mga dahilan?
Kung ang mga ordinaryong tao ay lumalaban para mabuhay ay bakit ang mga sikat, hinahangaan at sagana sa pera at karangyaan ay sumuko at pinutol ang kinaiinggitan ng marami na magarbo at maningning na mundo?
Sa pagsasaliksik at pagkuha ng reaksyon, ang ilan sa mga naghihikayat ng pagpapatiwakal ay ang pagkabalisa, takot, droga at alcohol.
May kaugnayan o malaking kontribusyon din ang mental illness at ang tinatawag na major depressive disorder (MDD).
Ang depresyon ay maaring bunga ng sobrang paghahangad na hindi maabot.
Ang katanyagan ay nagkakait sa celebrities ng sariling mundo na wala ang kinang.
Kailangan nilang ipakita sa mga tagahanga na sila ay bagay na hindi pangkaraniwan.
Marupok sila sa pagsubok dahil hindi nila dapat ipakita ang kahinaan bilang pag-aari ng publiko.
Kapag nahirati sa kasikatan, ito ay nagsisilbing takot na sa kalaunan ay babagsak at nawawalan sila ng kinang.
Dahil sa sobrang paghahangad at hindi makuntento sa narating, ang kabiguang matamo ang higit na inaasam ay nagdudulot ng stress na hahantong sa depresyon.
Maraming dahilan. Iba't iba ang kaso ng pagpapatiwakal at higit na mas marami ang reaksyon at emosyon na mababakas sa mga tagahanga.
Nakapanghihinayang. Nakalulungkot.
Hindi kapani-paniwala at mahirap tanggapin.
Ngunit ang entablado ng celebrities ay puno ng saya, ningning at drama,
At ang wakas ng bawat palabas ay sorpresa at nakagugulat.
No comments:
Post a Comment