Wednesday, November 21, 2018

BUHAY, MATAMIS. MINSAN MAASIM

TAMIS-ASIM NG BUHAY

Sabi nila ang buhay ay parang isang mangga.
Minsan maasim, minsan matamis.
Ang buhay na puno ng pagsubok, kasawian, ay maituturing na maasim habang ang buhay na puno ng saya at tagumpay ay matamis kaya nga merong expression na tamis ng tagumpay.
Masarap ang manggang hinog lalo na kung hindi hinog sa pilit. Ang linamnam at tamis ay talaga namang mapang-akit.
Ang manibalang naman ay naroon ang nag-aagaw na lasa ng asim at tamis.
Pero ang manggang maasim ay maaari ring sumarap kung ito ay isasawsaw sa bagoong. Minsan, toyo na may sili. Sa iba naman, asin lang perfect na ang manggang hilaw.
Tulad ng mangga, ang buhay na puno ng pagsubok at kabiguan ay maaari ring sumarap kung mayroon kang sawsawan na tatama sa iyong panlasa.
Hindi laging masaya at exciting ang buhay dahil kasama sa sangkap nito ang mga problema at bagabag na hatid sa pang-araw-araw na daloy nito.
Anoman ang sitwasyon sa kasalukuyan ito ay lilipas din. Kaya kung masaya, i-enjoy, sabi nga, cherish every moment. Para sakali at agad dumating ang panahon ng kalungkutan, may mga alaala kang paghuhugutan ng pag-asa.

No comments:

Post a Comment