Simbolo si Santa Claus na Christmas.
Isa nang kultura ng Kristiyanismo ang tinatawag ding St Nicholas o Kris Kringle.
Pinaniniwalaan ng mga bata na sila ay bibigyan ng regalo tuwing Pasko kung sila ay magiging magiging mabait.
Magsasabit sila ng medyas at naniniwalang paggising ay may laman ng itong regalo mula kay Santa.
Ito ang kinagisnan nilang paniniwala ayon na rin sa ikinukuwento sa kanila ng mga nakatatanda.
Magkasalungat ang pananaw ng mga tao kung dapat na panatilihin sa kamalayan ng mga bata na totoo si Santa.
May pabor na iwagsi sa paniniwala ng bata na totoo si Santa.
Si Santa at simbolo lang ng pagmamahal ng magulang at iba sa isang bata at ang isang paraan ng pagmamahal at ang pagbibigay ng regalo tuwing pasko.
Habang musmos pa ay dapat umano na maunawaan na ng bata kung ano SINASALA Santa tuwing Christmas.
Sa isang banda, naniniwala amg iba na huwag alisin sa mundo ng kamusmusan ang paniniwala dahil ibang magic ang hatid ng Christmas.
Hayaan na ang bata sa mundo ng pantasya dahil ito ang yugto ng pagkabata.
Malalagpasan din nila ang yugto nang walang pagsisisi kung bakit sa kanilang kamusmusan ay maniwala silang may Santa.
Ang dahilan, paniniwala at desisyon tungkol sa usaping Santa ay dapat respetuhin.
Hangad lang natin na ipagdiwang ang pasko ayon sa nais nating direksyon at interpretasyon na sukatan ng lipos na ligaya.
No comments:
Post a Comment