Sunday, February 24, 2019
PINAKAUNANG SINEHAN SA PINAS
Nagsimula ang sinehan sa Pilipinas noong Enero 7, 1897 nang ipalabas ang unang apat na banyagang pelikula sa Salon de Pertierra sa Escolta, Maynila.
Ang mga pelikula ay Un Homme Au Chapeau (Lalakeng may Sumblero), Une scene de danse Japonaise (Tagpo sa Sayaw ng Hapones), Les Boxers (Ang Boksingero), at La Place de L' Opera (Ang Lugar ng Opera).
Isang Espanyol ang may-ari at gamit ang 60 mm Gaumont Chrono-photograph projector.
Ang bayad sa unang sinehan ay 30 sentimos sa karaniwang upuan at 50 sentimos sa malambot na bangko.
Ang tawag sa sinehan noon ay cinematografo.
Taong 1901 nang itayo sa Maynila ang ilan pang sinehan na pag-aari ng mga banyagaa tulad ng Gran Cinematografo Parisien at Cine Walgrah
Ang kauna-unahang sinehan sa Pilipinas na pag-aari ng isang Pilipino na itinayo sa Maynila ay ang Cinematograpo Rizal sa Azcarraga St., sa tapat ng Tutuban Railway Station noong 1903.
Ang sinehan na Itinayo ng piintor na si Jose Jimenez ay hango sa pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Sa parehong taon, pormal nang Itinayo ang merkado ng pelikula sa bansa kasabay ng pagdating ng mga silent movie at kolonyalismo ng mga Amerikano.
Ang silent movie ay laging sinasamahan ng gramophone, piano, o quartet.
Nakahiligan ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula kaya dumami ang nagpatayo ng mga sinehan. Sumulpot ang Cine Paz, Cine Anda, at Cine Ideal.
Ginawa na ring sinehan ang mga teatro na pinaglalabasan ng mga zarzuela at vaudeville. Noong 1912, dalawang Amerikano ang gumawa ng pelikula hinggil sa execution ni Jose Rizal, na daan upang gawin ang unang Filipino film, ang La vida de Jose Rizal.
Ang Dalagang Bukid, ang pelikula na ibinase sa bantog na musical play nina Hermogenes Ilagan at León Ignacio. ay ang kauna-unahang pelikula na ginawa at ipinalabas ng Isang FIlipino na si Jose Nepomuceno noong Setyembre 12, 1919.
Kinikilalang "Father of Philippine Cinema", ang kanyang gawa ay nagmarka ng simula ng cinema bilang anyo ng sining sa Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ngayon ang mga sinehan ay nasa loob na ng mall. Wala na Cinerama, Peron at iba pa. Ang ibang natitira ay nagpapalabas ng double program na lang
ReplyDelete