Wednesday, November 6, 2019

BENEPISYO NG LUYA


Maraming gamit ang luya. Pampasarap sa pagkain, pampalasa at pampabango sa niluluto.
Ngunit, higit sa lahat,  may malaking kontribusyon ito sa kalusugan at kagalingan ng katawan.
Alam nyo ba na hindi lang ang bunga o ugat ng luya ang maaaring gawing halamang gamot? Ang dahon ay ipinantatapal sa ilang kondisyon para maibsan ang pakiramdam. Dikdikin o durugin ang mga dahon bago gamitin.
Kung may PASA sa katawan ay tapalan ng dinikdik na dahon ng luya ang apektadong bahagi ng katawan.

ANG SALABAT

Ang tsaa mula sa pinakuluang bungang-ugat ay tinatawag na SALABAT. Nakagawian na gawing pampainit sa umaga noon pa man. Nilalagyan ng asukal at harinang bigas na binilog para sa  Olog-olog na masarap na meryenda at babalingan tuwing simbang gabi kapag pasko.
Mabisa palang gamot ang salabat sa mga sakit at kondisyon. Mabisa ito sa ubo at  pananakit ng sikmura, pananakit ng lalamunan...at pampainit.
Sa mga malat, paos o wala nang boses dahil siguro napasma, ang salabat ay remedyo sa kondisyong ito.
Mabenta ang luya at may mga gumagawa ng luya powder kaya may instant salabat na tulad ng kapeng 3-in-1.
Makakatulong kasi ang pag-inom ng salabat para mawala ang BAD BREATH. Sa pag-aaral, ang luya ay may gingerol. Ito ang kemikal na nagbibigay ng maanghang na lasa ng luya. Pinasisigla nito ang ensima na sumisira sa mga elementong sanhi ng pagbaho ng hininga.
Sa mga may rayuma o sa nakakaramdam ng sintomas ng sinasabing sakit ng matanda, kahit medyo bata pa ay inaatake na rin ngayon, ay maiging gamitin ang bunga ng luya. DIKDIKIN ang bungang-ugat at pahiran ng langis. Itapal ito sa apektadong bahagi.
Masakit ng ulo? Itapal ang dinurog na luya sa noo at sentido.

No comments:

Post a Comment