Friday, November 29, 2019

MERYENDANG PINOY


Tangkilikin ang tunay na lasang Pinoy. Iba na ang moda ngayon.  Naghahanap na ng ibang puwedeng ihain para sa kakaibang panlasa. Hindi masisisi ang tao dahil gawa ang pagbabago ng nagbabagong panahon at pananaw. Ika nga, may inobasyong alinsunod sa panahon.
Iniaakma ang panlasa sa aspeto ng negosyo na sumusulpot at nasasalin sa kamalayan ng mga parukyano. Natatabunan ang mga simpleng pagkaing Pinoy dahil sa komersyalismo ng mga batang banyaga na umaakma sa lokal na panlasa.
Gayunman, hindi mawawala ang pagtalima sa patritismo na nananatiling nakatayo para Isalba ang kinagisnang pagkaing meryenda.

No comments:

Post a Comment