Sunday, February 24, 2019
PINAKAUNANG SINEHAN SA PINAS
Nagsimula ang sinehan sa Pilipinas noong Enero 7, 1897 nang ipalabas ang unang apat na banyagang pelikula sa Salon de Pertierra sa Escolta, Maynila.
Ang mga pelikula ay Un Homme Au Chapeau (Lalakeng may Sumblero), Une scene de danse Japonaise (Tagpo sa Sayaw ng Hapones), Les Boxers (Ang Boksingero), at La Place de L' Opera (Ang Lugar ng Opera).
Isang Espanyol ang may-ari at gamit ang 60 mm Gaumont Chrono-photograph projector.
Ang bayad sa unang sinehan ay 30 sentimos sa karaniwang upuan at 50 sentimos sa malambot na bangko.
Ang tawag sa sinehan noon ay cinematografo.
Taong 1901 nang itayo sa Maynila ang ilan pang sinehan na pag-aari ng mga banyagaa tulad ng Gran Cinematografo Parisien at Cine Walgrah
Ang kauna-unahang sinehan sa Pilipinas na pag-aari ng isang Pilipino na itinayo sa Maynila ay ang Cinematograpo Rizal sa Azcarraga St., sa tapat ng Tutuban Railway Station noong 1903.
Ang sinehan na Itinayo ng piintor na si Jose Jimenez ay hango sa pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Sa parehong taon, pormal nang Itinayo ang merkado ng pelikula sa bansa kasabay ng pagdating ng mga silent movie at kolonyalismo ng mga Amerikano.
Ang silent movie ay laging sinasamahan ng gramophone, piano, o quartet.
Nakahiligan ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula kaya dumami ang nagpatayo ng mga sinehan. Sumulpot ang Cine Paz, Cine Anda, at Cine Ideal.
Ginawa na ring sinehan ang mga teatro na pinaglalabasan ng mga zarzuela at vaudeville. Noong 1912, dalawang Amerikano ang gumawa ng pelikula hinggil sa execution ni Jose Rizal, na daan upang gawin ang unang Filipino film, ang La vida de Jose Rizal.
Ang Dalagang Bukid, ang pelikula na ibinase sa bantog na musical play nina Hermogenes Ilagan at León Ignacio. ay ang kauna-unahang pelikula na ginawa at ipinalabas ng Isang FIlipino na si Jose Nepomuceno noong Setyembre 12, 1919.
Kinikilalang "Father of Philippine Cinema", ang kanyang gawa ay nagmarka ng simula ng cinema bilang anyo ng sining sa Pilipinas.
Saturday, February 23, 2019
ANG PINAGMULAN NG APELYIDO NG MGA PINOY
Sa lalawigan ng Albay, may mga bayan na karamihan sa mga apelyido ng mga naninirahan ay nagsisimula sa isang letra.
Kaya sa apelyido lang ay alam kung tagasaan sila.
Sa Oas, karamihan ay nagsisimula sa letrang R, sa Guinobatan ay O, sa Camalig ay N, sa Tabaco ay B at sa Polangui ay S.
May rason at paliwanag dito.
Bago dumating ang mga Espanyol ay walang apelyido ang mga tribu. Kinuha nila ang pangalan ng bata sa hitsura nito o sa nangyaring kaganapan
Nang umpisahan ng mga Friar ang pagbinyag sa mga Indio ay pangalan ng mga santo ang ginamit, base sa araw ng pista ng Santo.
Binago ito ng atas ng Isang gobernador heneral
Halos lahat ng mga FIlipino ay may Espanyol o tunog na Espanyol na apelyido na ibinigay para sa layunin ng pagbubuwis, ngunit ang ilan ay mayroon nang katutubong apelyido
Noong Nobyembre 21, 1849 ay nagpalabas si Governor General Narciso Claveria ng atas na gumamit ang mga FIlipino ng apelyido upang mas madali ang sensus.
Napanatili ng iba ang kanilang dating pangalan, partikular ang mga nalibre sa atas tulad ng mga inapo ng mga pinuno ng Maharlika o marangal na klase.
Pinayagan sila na hindi baguhin ang pangalan para makuha ang libreng buwis.
Ang kategorya ng apelyido ay nagbigay ng karaniwang apelyido sa Pilipinas. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang ibang apelyido ay nabago, at nawala mula sa orihinal dahil hindi marunong magbasa at magsulat ang mahihirap at mga magsasaka na nagtataglay ng apelyido.
Ito ay nagbunga ng pagkalito sa talaang sibil.
Kaya sa bisa ng atas ni Claveria, ang mga opisyal ng bayan ay nagtalaga ng mga apelyido na kinuha sa katalogo ng mga apelyido ni Claveria sa bawat bayan na kanilang sakop.
Ang ibav pang pagkuha ng apelyido ay ang paggamit ng unang pangalan ng mga magulang, at ang hindi pagpalit o paglipat ng pangalang Intsik sa Espanyol. Maraming FIlipino na nagmula sa Intsik na ang apelyido ay naging Espanyol bilang kondisyon ng paglipat sa Kristiyanismo.
Wednesday, February 20, 2019
ISLA NG MGA HIGANTE
Kakaibang tanawin sa Pilipinas
Ang Islas de Gigantes ay mga isla na bahagi ng malaking arkipelago ng Western Visayas. Ito ay parte ng bayan ng Carles ng lalawigan ng Iloilo at binubuo ng halos sampung isla. Ang dalawang pinakamalaki ay ang Gigantes Norte (North Gigantes) at Gigantes Sur (South Gigantes).
Sa Gigantes Norte ay matatagpuan ang parola.
Tinawag ang grupo ng Gigantes noon bilang Sabuluag, o Salauag, na pangalan ng Isang uri ng katutubong punongkahoy sa mga isla.
Noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ay ginawang Gigantes .
Ayon sa alamat, natagpuan ang mga kabaong sa loob ng Bakwitan Cave na mayroong mga higanteng buto ng tao..
Sa ganitong dahilan, ang mga residente ay naniniwala na tinitirhan din ito ng mga engkanto para protektahan ang lugar .
Ang parola ay itinayo sa Gigantes Norte bago ang taong 1895.
Noong 2008 ay sinira ng bagyo ang orihinal na parola sa Gigantes Norte, isa sa 27 orihinal na parola na Itinayo ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Pinalitan ang parola ng gawa sa bakal at solar ang nagbibigay ng kuryente.
Ang tinitirhan ng nangangalaga ay hindi nabago ang disenyo at porma.
Isa pang bagyo ang nanalasa noong 2013 at winasak ang karamihan sa mga bahay sa nasabing lugar.
Itinuturing na ngayon bilang paraiso ang Islas de Gigantes dahil sa malinis na mga beach, malinaw na tubig at malalaki at kakaibang pormasyon ng mga bato na kinagigiliwan akyatin ng mga adbenturusong turista.
Pinaniniwalaan naman na may nakatagong kayamanan sa Pawikan Cave na ipinangalan sa hugis pagong na mga bato sa gitna ng kuweba.
Matarik ang tatahakin patungo sa kuweba, na ang loob ay nasisinagan ng mga lagusan na ilang daang talampakan ang taas.
Ang isa pang atraksyon ng Islas de Gigantes ay ang Tanke Lagoon, isang tubig alat na pool. Nakatago ito mula sa labas ng mataas na pormasyon ng mga bato at mataas na batong apog na mga talampas.

Subscribe to:
Posts (Atom)