Saturday, February 23, 2019

ANG PINAGMULAN NG APELYIDO NG MGA PINOY


Sa lalawigan ng Albay,  may mga bayan na karamihan sa mga apelyido ng mga naninirahan ay nagsisimula sa isang letra.
Kaya sa apelyido lang ay alam kung tagasaan sila.
Sa Oas,  karamihan ay nagsisimula sa letrang R,  sa Guinobatan ay O,  sa Camalig ay N,  sa Tabaco ay B at sa Polangui ay S.
May rason at paliwanag dito.
Bago dumating ang mga Espanyol ay walang apelyido ang mga tribu.  Kinuha nila ang pangalan ng bata sa hitsura nito o sa nangyaring kaganapan
Nang umpisahan ng mga Friar ang pagbinyag sa mga Indio ay pangalan ng mga santo ang ginamit,  base sa araw ng pista ng Santo.
Binago ito ng atas ng Isang gobernador heneral
Halos lahat ng mga FIlipino ay may Espanyol o tunog na Espanyol na apelyido na ibinigay para sa layunin ng pagbubuwis, ngunit ang ilan ay mayroon nang katutubong apelyido
Noong Nobyembre 21, 1849 ay nagpalabas si Governor General Narciso Claveria ng   atas na gumamit ang mga FIlipino ng apelyido upang mas madali ang  sensus.
Napanatili ng iba ang kanilang dating pangalan,  partikular ang mga nalibre  sa atas tulad ng mga inapo ng mga pinuno ng Maharlika o marangal na klase.
Pinayagan sila na hindi baguhin ang pangalan para makuha ang libreng buwis.
Ang kategorya ng  apelyido ay nagbigay ng karaniwang apelyido  sa Pilipinas. Ngunit sa paglipas ng panahon,  ang ibang apelyido ay nabago, at nawala mula sa orihinal dahil hindi marunong magbasa at magsulat ang mahihirap at mga magsasaka na nagtataglay ng apelyido.
Ito ay nagbunga ng pagkalito sa talaang sibil.
Kaya sa bisa ng atas ni Claveria,  ang mga opisyal ng bayan ay nagtalaga ng mga apelyido na kinuha sa katalogo ng mga apelyido ni Claveria sa bawat bayan na kanilang sakop.
Ang ibav pang pagkuha ng apelyido ay ang paggamit ng unang pangalan ng mga magulang, at ang hindi pagpalit o paglipat ng pangalang Intsik sa Espanyol. Maraming FIlipino na nagmula sa Intsik na ang apelyido ay naging Espanyol bilang kondisyon ng paglipat sa Kristiyanismo.

No comments:

Post a Comment