Kakaibang tanawin sa Pilipinas
Ang Islas de Gigantes ay mga isla na bahagi ng malaking arkipelago ng Western Visayas. Ito ay parte ng bayan ng Carles ng lalawigan ng Iloilo at binubuo ng halos sampung isla. Ang dalawang pinakamalaki ay ang Gigantes Norte (North Gigantes) at Gigantes Sur (South Gigantes).
Sa Gigantes Norte ay matatagpuan ang parola.
Tinawag ang grupo ng Gigantes noon bilang Sabuluag, o Salauag, na pangalan ng Isang uri ng katutubong punongkahoy sa mga isla.
Noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ay ginawang Gigantes .
Ayon sa alamat, natagpuan ang mga kabaong sa loob ng Bakwitan Cave na mayroong mga higanteng buto ng tao..
Sa ganitong dahilan, ang mga residente ay naniniwala na tinitirhan din ito ng mga engkanto para protektahan ang lugar .
Ang parola ay itinayo sa Gigantes Norte bago ang taong 1895.
Noong 2008 ay sinira ng bagyo ang orihinal na parola sa Gigantes Norte, isa sa 27 orihinal na parola na Itinayo ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Pinalitan ang parola ng gawa sa bakal at solar ang nagbibigay ng kuryente.
Ang tinitirhan ng nangangalaga ay hindi nabago ang disenyo at porma.
Isa pang bagyo ang nanalasa noong 2013 at winasak ang karamihan sa mga bahay sa nasabing lugar.
Itinuturing na ngayon bilang paraiso ang Islas de Gigantes dahil sa malinis na mga beach, malinaw na tubig at malalaki at kakaibang pormasyon ng mga bato na kinagigiliwan akyatin ng mga adbenturusong turista.
Pinaniniwalaan naman na may nakatagong kayamanan sa Pawikan Cave na ipinangalan sa hugis pagong na mga bato sa gitna ng kuweba.
Matarik ang tatahakin patungo sa kuweba, na ang loob ay nasisinagan ng mga lagusan na ilang daang talampakan ang taas.
Ang isa pang atraksyon ng Islas de Gigantes ay ang Tanke Lagoon, isang tubig alat na pool. Nakatago ito mula sa labas ng mataas na pormasyon ng mga bato at mataas na batong apog na mga talampas.
Biyahe tips. Nice
ReplyDelete