Tuesday, July 31, 2018
Saturday, July 28, 2018
Friday, July 27, 2018
Thursday, July 26, 2018
NAGNAKAW NG SAPATOS NI GERALD ANDERSON BUGBOG-SARADO
BUGBOG ang inabot ng isang construction waorker matapos siyang mahuling nanloob sa bahay ng actor na si Gerald Anderson sa Quezon City.
Naharang ng mga tambay ang papatakas sanang si Mark Joseph Capalla, 22-anyos at hindi ito nilubayan ng bugbog hanggang dumating ang mga awtoridad.
Kwento ng personal assistant ng actor na si Jalil Laidan, alas-9 ng gabi nang pasukin ng suspek ang bahay ni Anderson sa Katipunan Extension, Vista Real Classica 1, Batasan Hills, QC.
Napansin umano ni Laidan si Capalla na nagkukubli sa tabi ng sasakyan ni Anderson kaya sinita nila ito ng kanyang kasama. Nagtatakbo si Capalla kaya hinabol nila hanggang makita sila ng ilang nakatambay sa lugar na humarang sa suspek kaya hindi na ito nakatakas.
Nabawi raw sa suspek ang mamahaling sapatos ni Anderson at ilang T-shirt ng mga staff nito.
Wala nang planong magdemanda pa si Anderson lalo pa't nabawi naman ang kanyang sapatos pero ang kanyang PA na si Laidan ay tuloy ang pagsasampa ng kasong Theft sa suspek.
Diumano, ang suspek ay anak ng dating katiwala ng aktor.
Monday, June 11, 2018
Sunday, May 13, 2018
MAG-INGAT SA ALOK NA TRABAHO SA CANADA
NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa alok na trabaho bilang mushroom pickers sa Canada.
Ayon sa DOLE, walang katotohanan na nangangailangan ang Canada ng 700 mushroom pickers, na may kapalit na kita na P150,000 kada buwan.
Sa kanyang ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Labor Attaché I-designate Celeste Marie Ramos ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Toronto na walang 700 job orders para maging mushroom pickers sa Canada.
Masyado rin aniyang malaki ang P150,000-P180,000 na monthly pay para sa isang typical mushroom picker, dahil ang ganitong uri ng trabaho ay karaniwang may minimum wage sa Ontario at iba pang lalawigan.
Sinabi rin ni Ramos na karaniwan ring prayoridad ng Canadian government na mabigyan ng trabaho ang kanilang mga mamamayan, kaysa mga dayuhang manggagawa.
Pinaalalahanan din ng DOLE ang mga job seekers na maging maingat at kumpirmahin muna sa pamahalaan kung legal ang iniaalok sa kanilang trabaho bago ito tuluyang sunggaban upang hindi mabiktima ng illegal recruiters.
Sunday, April 22, 2018
MAHALAGA KUNG PAANO NAGMAHAL
Makakaya mo ang mawalay sa minamahal kahit pa sa matagal na panahon kung marami kang masasayang alaalang babaunin sa iyong pupuntahan. Sabi nga sa kanta,
'It's not how long we held each others hand
What matters is how well we loved each other'
Kaya naman habang kasama mo pa ang iyong mga mahal sa buhay ay samantalahin mo na at mag-ipon kayo ng maraming masasayang oras ng pagsasama.
'It's not how long we held each others hand
What matters is how well we loved each other'
Kaya naman habang kasama mo pa ang iyong mga mahal sa buhay ay samantalahin mo na at mag-ipon kayo ng maraming masasayang oras ng pagsasama.
Subscribe to:
Posts (Atom)
