Hinimok ng isang Catholic bishop sa kanyang mga kapwa pari na sumailalim sa lifestyle check, kasabay ng paalala na maging tapat sila sa kanilang misyon bilang “alter Christus,” o panibagong Kristo, sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng Episcopal Commission on Seminaries ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), layunin ng hakbang na malaman kung nananatiling tapat ang mga pari sa kanilang misyon.
Paliwanag ng obispo, dapat hayaan ng mga pari na suriin ang kanilang day-to-day activities at kung ilang oras ginagampanan ang responsilibidad, gayundin ang kanilang mga finances at pag-aaring gadgets o kagamitan.
Dapat din aniyang alamin kung paano nakikisalamuha ang mga pari bilang parte ng pagiging saksi ng buhay at gawa ng Diyos.
Kamakailan, may 120 mga pari ang nagtipon sa Maryhill School of Theology sa Quezon City, sa idinaos na National Discernment of Priests on their Prophetic Role na inorganisa ng National Clergy Discernment Group.
No comments:
Post a Comment