HOTDOG. PASIMUNO NG MANILA SOUND
Nagdedeliryo na noon ang musikang Pinoy dahil dinodomina ng banyagang musika ang lokal na music industry.
Ang mga local artist ay bumaling sa imitasyon sa tono ng mga banyaga upang hindi mawala sa industriya.
Dito sumulpot ang bandang Hotdog at pinangunahan ang Manila Sound.
Isinilang ang Original Pilipino Music (OPM) na kinalugdan ng mga Pinoy buhat sa lahat ng antas sa sosyedad.
Ang rebolusyong ginawa ng Hotdog ay presko at tunay na pumukaw sa damdamin at kamalayan ng mga Pinoy na tangkilikin ang sariling mga kanta.
Istilo ng Hotdog ang Taglish na lyrics at may salamangka itong gumayuma sa madla.
Taong 1972 nang mabuo ang Hotdog
Naging patok ang banda na binuo noon ng magkapatid na Dennis at Rene Garcia, Ella del Rosario, Ramon Torralba, Lorrie Ilustre, Jess Garcia at Roy Diaz de Rivera.
Ang ilan sa mga sumunod na miyembro ng pamosong Hotdog ay sina Zsa Zsa Padilla, Odette Quesada at Gina Montes.
Pumailanlang nang husto ang banda na nagbigay ng presko, nakahahalinang liriko at tumugon sa sentyimento ng mga Pinoy.
Ano ang mga awiting pinasikat ng Hotdog at kinagiliwan ng mga FIlipino?
No comments:
Post a Comment