Vctto
Tinawag itong pinakamaliwanag na bahagi ng panahon ng martial law kung saan nangibabaw ang takot ng mga tao.
Dekada 70 nang sumulpot ang bagong uri ng musika na tinawag na Manila Sound.
Hindi kumukupas ang mga kantang ito at hanggang ngayon ay kinagigiliwan ng music lover na hindi pa isinisilang nang umusbong ang mga kantang nanguna sa mga orihinal9 na Pinoy music.
Kabilang dito ang mga kantang folk, rock n roll, kundiman, jazz, disco at funk.
Kabilang sa mga singer na naging parte at may malaking ambag sa Manila sound at ang bandang Hotdog, VST & Co.., Apo Hiking Society, Cinderella, Juan Dela Cruz band, The Boyfriends, Rico Puno, Rey Valera, atbp.
Ngunit ang Hotdog ang nagpasimuno at ngpasikat ng mga kantang Manila Sound.
Hindi natin makalilimutan ang "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay ko" na malaking hit noong 1970s.
Baguhan pa lang ang Hotdog nang panahong iyon ngunit kinanta nila ang Ikaw ang Miss Universe ng Buhay ko sa 1974 Miss Universe na ginanap sa bansa kung saan nagwagi ang Espanyol na si Amparo Munoz.
No comments:
Post a Comment