Nakita ko ang bata na naglalaro ng eroplanong papel.
Paghanga na may halong awa ang naramdaman ko para sa kanya.
Minsan ay sumusulyap siya sa ibang bata na naglalaro ng gun toys.
Wala akong makitang inggit sa kanyang mga sulyap.
Tinanong ko siya kung masaya na siya sa laruang papel.
Madamdaming opo ang kanyang tugon.
Huminto siya sa paglalaro at tila pinakikinggan ang tugtog sa radyo. Christmas song.
Lumamlam ang kanyang mga mata.
Naalala raw niya ang kanyang nanay at wish niya umuwi ito sa pasko.
Kasambahay sa Maynila ang kanyang ina habang trike driver ang kanyang ama.
Kulang ang kinikita as pamamasada kaya upang makatulong ay nagpasiya ang ina na mamasukan kahit mawalay sa kanyang mga anak.
Siya ang gumawa ng eroplanong papel na itinuro ng kanyang Kuya.
Bike daw ang gusto niyang bilhin sa kanya sa pasko ngunit kahit wala raw dala ang kanyang nanay ay hindi siya magtatampo dahil ang pinaka-wish niya ay makapiling nila ang kanilang ina at sama-sama silang pamilya sa pasko.
Nariyan naman daw si Santa Claus na kahit anong regalo ibigay sa kanya ay masaya na siya.
No comments:
Post a Comment