Monday, October 30, 2017

UNDAS NG KAMUSMUSAN

Bumabalik ang kamusmusan pag sumapit ang Undas.
Laro at excitement ang hatid ng paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay. Bumabalik nito ang lumipas. Lilinisin, pipinturahan ang puntod bago ang araw ng komemorasyon.
Lagi nang may pananabik sa dibdib. Mag-aalay ng bulaklak. magtitirik ng kandila habang nag-abang kami ng Tinaw na kandila upang gawing bola.
Masaya dahil nagkikita-kita ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Gilagalugad ang sementeryo at inuusisa ang mga lapida kung sino ang pinakamatandang namatay upang mabatid na patay na pala si ganito, aba dito pala nakalibing si ganito at marami pang sagot sa mga tanong.
Sa bahay may nakahatag na mga pagkain habang may nskatulos na kandila sa pintuan upang hindi maligaw ang mga kaluluwa ng kamag-anak na bibisita sa mga Naiwan
Sabi noon ng matatanda, huwag munang kumain ng handa dahil kailangang mauna ang mga kaluluwa.
Natatandaan ko na sabi ng nanay na ang tila tusok daw sa pagkain lalo sa paboritong inihahanda na suman ay tanda na kumain na ang kaluluwa.
Takot nga akong kumain ng tira ng kaluluwa.
Sarap sariwain ang lumipas na ngayon ay ganun pa rin ang tradisyon at paniniwala.
Magdamag ang pagbabantay sa puntod. Pinapalitan ang upos nang kandila ng bago.
Selebrasyon ng kaluluwa na kasalo ang mga buhay na nagbibigay ng hininga sa mga yumao para magkaroon ng dugtong.
Respeto, pagmamahal,  paggunita at iba pang ekspresyon ang narandaman ko noong bata pa ako at siya ring nararamdaman ko hanggang ngayon.

No comments:

Post a Comment