Sunday, April 22, 2018

MAHALAGA KUNG PAANO NAGMAHAL

Makakaya mo ang mawalay sa minamahal kahit pa sa matagal na panahon kung marami kang masasayang alaalang babaunin sa iyong pupuntahan. Sabi nga sa kanta,
'It's not how long we held each others hand
What matters is how well we loved each other'
Kaya naman habang kasama mo pa ang iyong mga mahal sa buhay ay samantalahin mo na at mag-ipon kayo ng maraming masasayang oras ng pagsasama.

PHIL. AMBASSADOR SA KUWAIT NAPIPINTONG MAPATALSIK

DELIKADONG mapatalsik sa Kuwait ang Philippine ambassador sa naturang bansa matapos mabuking ang ginagawa niyang pagtulong sa mga Pinay na makatakas mula sa malulupit na amo.
Ito ay matapos mag-viral ang video ni Philippine ambassador Renato Pedro Villa na nakikipagtulungan sa inaabusong Pinay.
Dahil sa kumalat na video, agad pinatawag ng Kuwait Foreign Ministry si Villa upang ibigay ang dalawang  diplomatic protest notes.
Diumano, may ilang miyembro ng parliament ng Kuwait ang humihiling ngayon na mapatalsik si Villa.
Inaasahan naman na lalo itong magpapalaki sa lamat sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait na kamakailan ay nagkainitan matapos pairalin ang total ban ng pagpapadala ng mga Pinoy na manggagawa sa nasabing bansa dahil na rin sa maraming kaso ng pang-aabuso roon partikular sa mga Pinay.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kaso ni Joanna Demafelis, ang Pinay maid na pinatay at iniwan sa freezer ng kanyang mga amo.

80K TRABAHO PARA SA MGA FILIPINO

HALOS 80,000 local at overseas job openings ang iaalok sa mga jobseekers sa isasagawang nationwide job at business fair,  na idaraos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Labor Day sa Mayo 1.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, posibleng madagdagan pa ang naturang bilang ng employment opportunities sa 53 sites na pagdarausan ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job at business fairs, na inorganisa ng kanilang tanggapan, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ng kalihim na ito ang pamamaraan ng gobyerno upang mabigyan ng pagkilala at parangal ang mga manggagawang Pinoy sa pagdiriwang ng Labor Day.
Nabatid na kabuuang 829 employers, na binubuo ng 666 local at 163 overseas employers, ang lalahok sa naturang job fair at magkakaloob ng may 78,675 local, overseas, at government jobs.  
Kabilang umano sa mga top local jobs na may pinakamaraming vacancy ay mga sundalo (AFP/PNP) –4,002; customer service representative – 1,470; production worker/factory worker – 1,443; mason (finishing/rough) – 1,385; call center agent – 1,306; production machine operator – 1,288; construction worker – 900; BJMP (government) – 889; service crew – 880; at karpintero (finishing/rough) – 708.
Para naman sa overseas employment, karamihan sa mga bakanteng trabaho ay nurses – 3,988; technician – 1,546; food and beverage staff – 689; engineers (mechanical, electrical, civil) – 344; production worker/ factory worker – 300; sales associate professional – 200; construction worker – 200; assistant head manager – 174; cook – 157; driver (general) – 150; at housekeeping attendant – 123.
Sa National Capital Region (NCR),  mayroong 18 job at business fair sites na matatagpuan sa Valenzuela Astrodome, Valenzuela City; SM Tunasan, Muntinlupa City; Taguig City; SM Bicutan; SM Sucat, Paranaque City; SM BF, Paranaque City; Robinsons, Las Pinas City; SM Center, Las Pinas City; SM Southmall, Las Pinas City; Pasig City (April 27); SM Marikina City (date to be determined); San Juan City (April 21); SM Megamall, Mandaluyong City; SM Manila, Manila City; SM San Lazaro, Manila City;  Cuneta Astrodome (May 10); Quezon City Hall grounds; at Fisher Mall, Quezon City (date to be determined).
Sa Luzon, ang mga TNK sites ay matatagpuan sa Baguio City National High School – Main Campus sa Cordillera Administrative Region; SM City Rosales, Pangasinan; Robinsons Ilocos Norte; Pangasinan PESO Compound, Lingayen in Region 1; Robinsons Mall, Santiago City, Isabela; SM City, Cauayan, Isabela; at SM Downtown Tuguegarao, Cagayan sa Region 2; Baler, Aurora; Balanga City, Bataan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Cabanatuan, Nueva Ecija; SM City Downtown, San Fernando, Pampanga; SM City Clark, Angeles City, Pampanga; SM City Pampanga; SM City Tarlac; at Harbor Point Mall, Subic, Zambales sa Region 3.
Mayroon ding job at business fair sites sa Calamba, Laguna (Region 4A); Bansud, Oriental Mindoro at SM Puerto Princesa City, Palawan (Region 4B); SM City Naga at Pacific Mall, Legazpi City (Region 5).
Ang mga jobseekers sa Visayas region ay maaari namang bumisita sa TNK sites sa Marymart, Iloilo City (Region 6); IC3 Pavillion, Cebu City (Region 7); at Tacloban Convention Center, at Ormoc City Hall, Tacloban City (Region 8) habang sa Mindanao, ang mga job fair sites ay nasa Zamboanga Economic Zone, Talisayan, Zamboanga City; KCC Mall, Zamboanga City; City Hall Lobby, Isabela City; Plaza Luz, Pagadian City; at Ipil Municipal Covered Court, Zamboanga Sibugay (Region 9); Limketkai Center, Cagayan de Oro City (Region 10); Gaisano Mall of Davao at SM City Davao (Region 11); SM City General Santos (Region 12); at Hotel OAZIS, Butuan City, Agusan del Norte (CARAGA).
Ang 2018 Araw ng Paggawa ay gugunitain sa ilalim ng temang ‘Pagpupugay sa Manggagawang Pilipino: Dangal ng lahi, kabalikat sa progresibong pagbabago.’

Monday, April 16, 2018

SUICIDE NA NAMAN SA SM MALL

BINULABOG na naman ang isang sangay ng SM malls matapos tumalon sa kanyang kamatayan mula sa ikaapat na palapag ang hindi pa nakikilalang babae kahapon ng tanghali sa North Edsa, Quezon City.
Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo L. Eleazar, pasado alas-12:00 ng tanghali nang gulantangin ang mga tao sa paglagapak ng katawan ng babae sa SM North Annex building sa Barangay Sto. Cristo BB ng nasabing lungsod.
Ayon kay SPO1 Lorenzo Macaraeg ng QCPD Station 2, nakatanggap sila ng tawag mula kay Elyss Rodolfo Pa-nganiban, SM Supervisor Security Office at ini-report ang naturang insidente.
Isinugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival dahil na rin sa labis na pinsala sa ulo at katawan.
Ayon kay Panganiban, abala umano siya sa pagroronda nang makarinig nang tilian ng mga mallgoer at nang kanyang usisain kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito ay tumambad sa kanya ang duguang babae.
Nabatid sa ilang saksi, napansin nila na tila wala sa sarili ang babae at umiiyak habang palakad-lakad sa mall. Bigla na lamang umano itong tumalon na ikinabigla ng lahat.
Diumano, bago nagpatiwakal ay bumili pa ng plastic na upuan ang biktima na tinatayang 30-anyos pataas, na kanyang ginamit na tuntungan bago tumalon.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima upang maabisuhan ang pamilya nito.
Matatandaan na ilang linggo pa lamang ang nakararaan ay isang kostumer din sa nasabing sangay ng SM ang pinatay ng nakaalitang technician.
Si Geroldo Ramon Querijero, 56, ay pinagsasaksak ng suspek na si Leo Laab, head technician ng PC Home Service Center na nasa 5th Floor ng SM City Annex Bldg., North Avenue, EDSA.
Nagtalo umano ang dalawa nang ipagpilitan ng biktima na kunin ang ipinagawang lap-top sa kabila na hindi nito dala ang kanyang resibo. Nang bumalik sa shop si Querijiro makalipas ang ilang oras at dala na ang kanyang resibo ay muli silang nagtalo ni Laab at doon na siya nito pinagsasaksak.
Ang patalim ay binili umano ni Laab sa kitchenware section sa loob ng SM bilang paghahanda matapos siyang bantaan na babalikan ng kostumer. Patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad si Laab.
Buwan naman ng Oktubre noong isang taon nang mag-suicide din ang isang babae sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
Dakong alas-3:15 ng hapon nang tumalon mula sa ikalimang palapag ng Building­ B ng Megamall ang babae at bumulusok sa basement.
Bago ito, may nakapansin din umano sa biktima na tila balisa habang naglalakad-lakad sa mall.
Noong Pebrero 14, 2016 ay isa ring malagim na trahedya ang nangyari sa SM Mega-mall nang tumalon mula sa Building B ang isa ring babae.
Nag-viral sa social media ang pagsu-suicide ng babae na nangyari sa mismong Valentine’s Day.

Sunday, April 8, 2018

LIBONG OFWs MAY AIDS

UMAABOT na sa 5,537 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawahan na ng HIV. Ito ang dahilan kung bakit naaalarma si ACTS-OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III dahil ang 5,537 ay kumakatawan sa 11% ng kabuuang 52,280 na kaso ng may HIV-AIDS sa listahan ng Department of Health’s National HIV/AIDS Registry na naitala nitong Pebrero 28 lamang. "This is very unfortunate, because if we look at the median age of these OFWs – at 32 to 34 years old – they are actually at the top of their lives in terms of potential workforce productivity," ani Bertiz. Nito lang aniyang nagdaang Enero hanggang Pebrero ng taong ito ay naitala ang 140 OFW na nagpositibo sa HIV kung saan 129 dito ay lalaki at 11 ay babae. Batay sa ulat ng DOH, ang pagkahawa ng nasabing bilang ng OFW ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Dahil dito, kinalampag ng kongresista ang Department of Labor and Employment na magpakalat ng mga impormasyon ukol sa HIV/AIDS awareness at kung paano ito maiiwasan. Giniit ng mambabatas na makababawas sa paglaganap ng sakit ang mga impormasyon ukol dito dahil ito ang magsisilbing gabay upang makaiwas sa impeksyon ang mga OFW na bantad sa iba't ibang kultura lalo na ang pakikipagtalik sa higit iisang partner. Lalo na aniya ang mga Filipino sailor na sa bawat pagdaong sa iba't ibang pier sa buong mundo ay malaki ang posibilidad na makahanap ng mga babaeng partner na may HIV. Sa kabuuang 5,537 OFWs sa HIV/AIDS registry ng gobyerno lumalabas na 86% rito o 4,763 ay mga lalaki. Ang nakalulungkot aniya ay hindi na ngayon matukoy kung ilan sa mga ito ang dying o maaaring bed ridden na dahil walang track mortality ang DOH dito. Bukod aniya sa nakatalang 52,280 na kabuuang bilang ng may HIV-AIDS ay nasa 2,511 ang namatay at noong nakaraang taon ay may 41 Pinoy ang namamatay buwan-buwan dahil sa nabanggit na sakit.

Monday, April 2, 2018

LARONG KALYE, DI NAWAWALA

TUMBANG PRESO. Nilalaro pa rin ng mga bata ang tumbang preso. Ito ay indikasyon na hindi nawawala ang lalong kinagisnan ng mga nakatatanda at ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Tinatawag ding tumba lata, ang tumbang preso ay tradisyonal na laro ng mga bata na ginagawa sa lansangan o sa maluwag na bakuran Karaniwan nang nakikita ang mga bata na pinatutumba ang nakatayang lata gamit ang tsinelas.

TUMBANG PRESO

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=153606441961813&id=117215618934229
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=154265565229234&id=117215618934229

TAIWAN WITH LOVE

TAIWAN WITH LOVE Sabi nila, There is only one happiness in this life, to love and be loved.. At wala raw mali sa taong umiibig. Pero paano kung ang pag-ibig ay hinahadlangan dahil may dugong sa inyo'y nag-uugnay? Ganito ang kwento ng isa nating Kabayan na minsan ay umibig nang tapat... sa kanyang pinsan. May angking ganda kaya maraming manliligaw si Trixie. Pero sa dami ng lalaking nag-alok sa kanya ng pag-ibig, ang pinsan niyang si Tonton ang nagpatibok ng kanyang puso. Kapwa 20-anyos ang magpinsan kaya sigurado sila na pag-ibig nga ang kanilang nararamdaman sa isa't isa at hindi pagmamahal ng isang magkadugo lang. Masidhi ang kanilang pag-iibigan ngunit hindi nila mailantad dahil tiyak na uusigin sila ng kanilang pamilya. Tumagal ng mahigit isang taon ang kanilang relasyon bago sila nabisto nang mahuli sila ng isa nilang pinsan na lumabas sa motel. Matinding takot ang naramdaman ni Trixie sa pagkakabulgar ng kanilang lihim pero nagpakatatag sila at hinarap ang galit ng kani-kanilang magulang. At tulad ng inaasahan, pilit silang pinaghiwalay ni Tonton. Ikinulong si Trixie ng mga magulang at hindi pinapayagang lumabas nang walang kasama. Si Tonton naman ay isinama ng isang tiyuhin sa probinsya. Noong una ay parang hindi kakayanin ni Trixie ang mga pangyayari. Nanamlay ito at nawalan ng gana sa maraming bagay. Katunayan, bumagsak ang kanyang katawan. Anomang pilit ng mga kapatid na libangin ito ay nawawalan ng saysay dahil mas pinipili ng dalaga ang magkulong sa kwarto. Mahiga. Magtulog-tulugan. Lumuha. Lumipas ang isang taon nang walang anomang komunikasyon sina Tonton at Trixie. Ni hindi rin naman binabanggit sa kanilang bahay ang pangalan ni Tonton. Masakit pero as time goes by, nababawasan ang kirot. At dumating din ang puntong naisip ni Trixie na hanggang doon lang talaga ang kanilang relasyon ni Tonton. Hindi lang ang kanilang pamilya at mga kamag-anak ang hahadlang kundi maging ang lipunan. Sa ating tradisyon, hindi pwedeng maging mag-asawa ang magpinsan. Habang unti-unting tinatanggap ni Trixie ang kanilang kapalaran ni Tonton, dumating ang isang oportunidad. Niyaya siya ng kanyang ate na mag-apply bilang factory worker sa Taiwan. Makalipas ang may anim na buwang pag-aasikaso ng requirements, nakarating sa Taiwan si Trixie. Dalawang taon ang kanyang kontrata. Sa loob ng mga panahong iyon, umaasa siyang ganap nang maghihilom ang sugat na nilikha ng kanilang kapusukan ng pinsang si Tonton.

TO SIR WITH LOVE

TO SIR WITH LOVE A friend of mine related to me her high school life. She was 15 when she fell in love with her teacher who happened to be the boyfriend of her older sister. She really showed her affection for her teacher who told her it was not love. Her sister did not flare up. Her older sister would console her, saying it was infatuation, a teen's crush. My friend never gave up. One day the fiance of her teacher announced his resignation from the school. My friend was shocked. She knew the reason. Her sister and her teacher broke up. She did not exert effort to know the truth. Deep in her heart was a celebration. But she never succeeded. Her teacher left for another place. After two years, she met her former teacher who was teaching in the college she was enrolled in. The feeling was still in her heart. But she confined it to herself. She just waited for a chance. But she, again, was never been given the chance to prove her love. She wanted to give up hope until one day the man invited her to a talk. She was very excited and anticipated for a rosy and happy moment. "I have known you to be a nice fine girl and now a sweet lady, but I want you to finish your course. I know what it is your heart would change. You're still at the emotional stage. You will love a boy of your age. I am again committed to your sister and we're planning to tie the knot in less than a year," her former teacher told her while holding her arms. My friend realized that the man was correct. And my friend finally set the love in her heart, for the sake of her sister's happiness. Love is sacrifice. Love is giving for the welfare of one beloved.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=154433395212451&id=117215618934229

KUWENTO MO, IKUWENTO KO

Maraming kuwento. Iba't ibang kapalarang ngunit iisa ang hangarin: mabigyan ng magandang buhay ang mahal sa buhay.
Ang mga kuwento ng mga OFW ay kuwento ng lahat. Salamin sila ng buhay na nangangarap, nagsusumikap at nagbabakasakali.
Ang bawat salaysay ay guhit ng kapalaran, ano man ang naging tuldok
Nais namin bigyan ng makakayanan naming komplimentaryo ang hinabi nyong buhay
Gusto namin, sa aming munting paraan ay mailarawan ang pagpupunyagi nyo.
Para sa inyo ang espasyong ito.
Maari nyong ipadala o ipost ang mga kuwento nyo sa pahinang ito.
Hindi pa lamang sa mga OFW ang paanyayang ito.
Welcome po lahat ng Pinoy na Ibahagi ang kanilang kuwento,  masaya man o malungkot
Maraming salamat .