DELIKADONG mapatalsik sa Kuwait ang Philippine ambassador sa naturang bansa matapos mabuking ang ginagawa niyang pagtulong sa mga Pinay na makatakas mula sa malulupit na amo.
Ito ay matapos mag-viral ang video ni Philippine ambassador Renato Pedro Villa na nakikipagtulungan sa inaabusong Pinay.
Dahil sa kumalat na video, agad pinatawag ng Kuwait Foreign Ministry si Villa upang ibigay ang dalawang diplomatic protest notes.
Diumano, may ilang miyembro ng parliament ng Kuwait ang humihiling ngayon na mapatalsik si Villa.
Inaasahan naman na lalo itong magpapalaki sa lamat sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait na kamakailan ay nagkainitan matapos pairalin ang total ban ng pagpapadala ng mga Pinoy na manggagawa sa nasabing bansa dahil na rin sa maraming kaso ng pang-aabuso roon partikular sa mga Pinay.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kaso ni Joanna Demafelis, ang Pinay maid na pinatay at iniwan sa freezer ng kanyang mga amo.
No comments:
Post a Comment