Tuesday, October 31, 2017

REAKSYON SA BAWAT AKSYON

Hindi ka pa nga umaalis ay tinatanong na kung kaylan babalik. Nangumgutang pa lang ay tatanungin na kung kelan magbabayad.
Iyan ang natural na proseso ng bawat aksyon na ginagawa na kailangan agad ng depinidong tugon.
Meaning, dapat may konkretong paliwanag o assurance ng bawat nais gawin o hilingin
Natural na senaryo lalo sa mundo ng katiyakan.
Nais agad malaman kung ano ang dapat na gawin sa bawat gustong gawin. Inuunahan kaagad para magkaroon ng katiyakan, na talagang tanda ng nangyayari sa buhay.
Iniisip natin ang mangyayari na atas ng kasiguruhan  at walang masama rito dahil advance ang ating pananaw.
Gayunman, may negatibong itong repleksyon lalo sa pagpapautang dahil iisipin ng tinatanong ang usaping pagtitiwala.
Nangangahulugan din ito ng inseguridad sa aalis kaya tinitiyak ang pagbabalik.
Wala naman mali dito. Natural sa tao ang mabahala at nagbigay ng kondisyon dahil mahirao umasa at kumapit sa pangako na laging napapako.
Assurance ang kailangan ay hindi ito hinihingi kung walang pag-alinlangan ang nangyayari.
Tiwala ang nakataya kaya dapat na hindi kwestyonable ang pagkatao para lubusang makamtan ang reaspeto

Monday, October 30, 2017

UNDAS NG KAMUSMUSAN

Bumabalik ang kamusmusan pag sumapit ang Undas.
Laro at excitement ang hatid ng paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay. Bumabalik nito ang lumipas. Lilinisin, pipinturahan ang puntod bago ang araw ng komemorasyon.
Lagi nang may pananabik sa dibdib. Mag-aalay ng bulaklak. magtitirik ng kandila habang nag-abang kami ng Tinaw na kandila upang gawing bola.
Masaya dahil nagkikita-kita ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Gilagalugad ang sementeryo at inuusisa ang mga lapida kung sino ang pinakamatandang namatay upang mabatid na patay na pala si ganito, aba dito pala nakalibing si ganito at marami pang sagot sa mga tanong.
Sa bahay may nakahatag na mga pagkain habang may nskatulos na kandila sa pintuan upang hindi maligaw ang mga kaluluwa ng kamag-anak na bibisita sa mga Naiwan
Sabi noon ng matatanda, huwag munang kumain ng handa dahil kailangang mauna ang mga kaluluwa.
Natatandaan ko na sabi ng nanay na ang tila tusok daw sa pagkain lalo sa paboritong inihahanda na suman ay tanda na kumain na ang kaluluwa.
Takot nga akong kumain ng tira ng kaluluwa.
Sarap sariwain ang lumipas na ngayon ay ganun pa rin ang tradisyon at paniniwala.
Magdamag ang pagbabantay sa puntod. Pinapalitan ang upos nang kandila ng bago.
Selebrasyon ng kaluluwa na kasalo ang mga buhay na nagbibigay ng hininga sa mga yumao para magkaroon ng dugtong.
Respeto, pagmamahal,  paggunita at iba pang ekspresyon ang narandaman ko noong bata pa ako at siya ring nararamdaman ko hanggang ngayon.

WILLIE-KRIS TANDEM PAPATOK KAYA

MUKHANG matutuloy na rin ang matagal nang plano ni Willie Revillame na makasama sa show si Kris Aquino.
Ang sabi, almost two weeks ago ay nakipag-meeting na si Kris kay Willie sa Will Tower, malapit sa ABS-CBN.
Napag-usapan na raw dito ng dalawang dating star ng Dos ang kanilang pagsasama sa show. Ang sabi, gusto rin daw ni Kris na mag-host sa show ni Willie. Actually matagal nang usap-usapan ang pagtulong ni Willie para makabalik sa telebisyon si Kris. Mag-iisang taon na ring walang TV show si Kris kaya di nakapagtataka kung nami-miss nya ang paglabas sa telebisyon.
Pero kung papasok nga si Kris sa Wowowin pano na ang mga co-host ni Willie. Pano na sina Donita, Ariella at iba pang mga regular na nakakasama ni Kuya Will.
Totoo kaya ang tsika na tsutsugihin na sila ni Willie para ma-accomodate si Kris?
Ang sad naman nun lalo ngayon magpa-Pasko pa naman.
Well abangan na lang natin. Kapag nagtuloy-tuloy na walang kasama si Willie kundi ang mga Wowowin dancers nya, alam na.

PEKENG TRABAHO ABROAD NAGKALAT

Pinayuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga manggagawang Filipino na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa na mas maging maingat sa pagtanggap ng alok na trabaho mula sa ibang bansa o 'third country.'
Ito’y matapos na makatanggap ng report ang POEA na may mga Filipino household service workers (HSWs) sa Hong Kong, Singapore at Cyprus ang inaalok na lumipat sa ibang bansa tulad ng Dubai, Mongolia, Turkey at Russia ngunit kinalaunan ay kanilang malalaman na hindi pala maganda ang kondisyon ng kanilang trabaho, o ang malala ay hindi pala totoo ang alok na trabaho.
Ang mga nagre-recruit ay mula sa mga third world country na may mga kasabwat na Filipino sa kanilang iligal na gawain.
May mga natanggap na report na may mga manggagawang nabiktima at nagbayad ng malaking halaga at nagbiyahe sa mga third world country gamit ang tourist visa at walang katiyakan na may employer na naghihintay sa kanila.
May natanggap din na report na may mga nakahanap na trabaho subalit sila ay nakararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang employer at ang kawawang manggagawa, dahil sa kakulangan ng tamang dokumento ay inaaresto  at pinade-deport ng immigration authorities.
Ang pagre-recruit sa pamamagitan ng third country ay itinuturing na illegal recruitment kung ang recruiter o ang employer ay walang awtorisasyon mula sa pamahalaan ng Pilipinas.
Para sa kanilang pansariling proteksiyon, ang aplikante para sa trabaho sa ibang bansa ay nararapat na may wastong work permit o visa o employment contract na inaprubahan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at prinoseso ng POEA bago sila umalis ng bansa.

Wednesday, October 25, 2017

SPIRIT OF THE GLASS

Totoo ba na pumapasok ang kaluluwa ng yumao sa loob ng baso na ginagamit sa spirit of the glass?
O ang pulso ng pulso ng mga braso na nakadiin sa puwet ng pinataob na baso ang nagpapakilos sa naturang baso?
Isa ang spirit of the glass sa gawain ng grupong nais tuklasin ang misteryo at eerie world ng mga kaluluwa tuwing sasapit ang Undas.
Tinatawag ng grupo ang kaluluwa at tinatanong ang pangalan. Ang tugon ay nabubuo sa pamamagitan ng pagbaybay ng baso sa mga letra na nakapaikot at nabubuo ang kataga.
Marami nang pelikula ang tumalakay sa spirit of the glass..
Marami na rin ang nangahas na laruin ito.
Out of fun ang pakay ng iba, ang ilan ay nais makita at maramdaman ang epekto nito.
Kung nais nating gunitain ang Undas, ito ay dapat gawing sagrado at may paggalang.

Tuesday, October 24, 2017

OLD SONGS

Masarap balikan ang nakaraan sa tulong ng mga awiting naging bahagi ng lumipas.
Ang himig ng kundiman ay nagpupugay sa tatak ng ating sariling pagkakakilanlan.
Gayunman, nag-iiba ang timpla at tono.
Dumating ang panahon ng tinaguriang the golden voice na si Nora Aunor. Kahit tinaguriang idolo  ng bakya crowd, hindi maikakailala na naging golden era ang panahon ni Ate Guy.
Marami ang susunod.
Nauso ang Manila Sound. Ang sarap pakinggan ng mga kanta ni Yolly Sanson,  na ang naging paborito ko ay ang Paano Pa Kita Malilimutan.
Ang mga kwelang kanya ni Rico J, mga awitin nina Basil,  Nonoy, H.  Alejandro, Rey Valera,  at iba pang male singers na kinaligdan.
Ang mga kanta ni Didith ay nagsasalamin ng buhay. Ilan pang babaeng mang-aawit na naging paborito sa jukebox.
Aaay.
Hindi naman nawawala ang mga kahapon natin na katulad ng mga awitin ay bumabalik sa ating alaala.

LIFE AFTER DEATH

May buhay matapos bawiin ang hiniram.
Marami ang naniniwala na may life after death ngunit may konklusyon din ang iba na kapag natapos na ang buhay sa mundo ay tapos na rin ang existence nito.
Sa mga naniniwala, matibay na indikasyon at ebidensiya ng kanilang paniniwala ang paggunita sa mga yumaong tuwing Undas.
Meaning, may karugtong ang buhay at ito ay sa ibang sphere na tintawag na langit.
Ipindarasal ang kaluluwa para sa kaluwalhatiam sa mundo ng buhay na walang hanggang.
Bahagi na ng kultura at paniniwala ang undas. Isa nang tradisyon na kahit lumilipas ang mga taon ay hindi nagbabago ang paraan ng paggunita.
Is there life after death?
You can feel the mystery as like the way you feel the air even not seen.

Saturday, October 21, 2017

ANOTHER DAY COMES

We tend to feel uncertainty as we navigate every day lives. Uncertainty of what tomorrow brings adds up to insecurity.
We can combat this negative inner infection in our heart and mind and the reasons are varied but one thing is: we are in complete demand on the trail we should take.
Always bear in mind that monotony complicates uncertainty because there's no complete change or renovation of what we used to do and lived for.
Changing the pattern is a must do situation as this gives new dimension.
When you ended your day out of frustration just remember that good promise greets your coming day.

Friday, October 13, 2017

EKSENA SA UNDAS

Ilang araw na lang ang hihintayin bago gunitain ang Undas.
Maliban sa ispiritwal na pasilidad ng paggunita ay naipipinta ang mga ika nga ay sidelight kung paano naghahanda ang mga Pinoy para sa puwede nang sabihin na okasyon.
Tiyak na ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga terminal ng sasakyan para makauwi at madalaw ang himlayan ng mga yumaong mahal sa buhay.
Eksena rin ito ng reunion at pagkikita ng pamilya, kaibigan na siyempre time to reminisce ng mga nagdaan.
Asahan ang mga senaryo ng nagsisiksikang pasahero habang ang mga hindi pa nakakasakay ay nakatuon sa mga bus na parating at nangangamba kung makakasakay pa.
At siguradong may dagdag pasahe na normal nang nangyayari kapag peak season.
Kinakagat yan basta makauwi lang. Daming bitbit na pasalubong na ang hindi puwedeng mawala ay ang mga kandila.
(May karugtong)

QUOTES OF THE DAY

Don't fret when you can't reach the clouds..
God makes way to lift us to the sky...


Uncertainty glooms even in sunny day.
Never be afraid of what tomorrow brings as hope drives away the fears and leads us to a bright path in our everyday trek

Thursday, October 12, 2017

LOVE NOTES

Love is full of surprises
.. And filled with tricks
Take love in serene stride
Not in a hurry drive.

Don't take dreams into deep slumber
You'll wake up in another scene
Love never goes out of fashion
It's always a trending fashion

Tuesday, October 10, 2017

MAYABANG NA NGA BA SI XANDER FORD?

HOW true na tumaas na ang ere nitong si Marlou Arizala matapos niyang gulatin ang entertainment world sa kanyang new looks at bilang si Xander Ford?
Isa ang comedian at showbiz reporter na si Ogie Diaz sa mga nagdadabog ngayon ang bangs dahil sa pagiging maangas na raw nitong si Xander Ford.
Sa Facebook post nga ni Ogie, tsinika niyang na-off raw ang isang kaibigan niyang singer dahil sa kayabangan ni Xander na nasaksihan ng iba pang nasa lobby ng ABS-CBN.
Naging guest raw sa taping ng Home Sweetie Home noon si Xander Ford.
Siyempe pa, sa hallway palang, ang dami nang nagpapakuha ng picture kasama siya.
Sabi raw ng kaibigang female singer ni Ogie na umalis na raw sila dahil nayayabangan daw siya kay Xander. 
Tinanong daw niya kung bakit at sinabi naman nitong nakasabay raw niya the other day sa lobby ng ABS CBN at lumapit daw ito sa gwar-
diya at nagsabing papasukin daw siya dahil siya si Xander Ford!
This supposed kaangasan of Xander Ford was purportedly confirmed by Ogie's friend Allan Nazareno who's also working for ABS. 
According to Allan, sinigawan daw ni Xander 'yung marshall sa taping ng GGV. Mataray din daw na sinabi nito na hindi siya papasok kung hindi papapasukin ang kanyang manager.
May iba pang tsika na kesyo nagtatakip na ng mukha si Xander kapag nasa hallway ng ABS CBN.
Marami na raw talagang pinagbago hindi lang mukha ni Xander kundi maging ang kanyang ugali.
Agad namang nagpaliwanag si Xander matapos siyang batikusin sa kanyang kayabangan.
Say nya, walang katotohanan na nagbago siya. Kung mayabang ang tingin sa kanya ng iba iyon ay dahil style na niya iyon bago pa man siya maging si Xander Ford. Paliwanag nya, noong Marlou Arizala pa lang siya ay kailangan niyang maging maangas dahil feeling guwapo siya. Kumbaga iyon ay style lang nya.
May hirit din siya patungkol kay Ogie Diaz. Sabi niya pangit lang daw siya at retokado pero hindi siya masamang tao. Simpleng tao lang daw siya at 'di kasing yaman at kasing sikat ni Ogie.

SEAMAN NAGOYO SA MALL

PAALALA sa mga galing abroad ang sinapit ng isang seaman na matapos umanong paamuyin ng gamot na pampahilo ay napapayag na bumili ng mga produktong nagkakahalaga ng mahigit P60,000 sa isang mall sa Caloocan City.
Dumulog sa himpilan ng pulisya si Lorrie Bacuta, 36, ng Block 33, Lot 23, Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City upang personal na magsampa ng reklamo.
Ayon kay Bacuta, namamasyal siya sa Victory Mall sa Monumento dakong alas-8 ng gabi nang harangin siya ng isang babaeng kawani ng Michikiwa Enterprise at pilit na pinapasok sa isang stall para alukin ng kanilang mga produktong herbal at pang-masahe.
Habang ipinakikilala ang kanilang produkto, minamasahe umano siya ng isang kawani hanggang may ipinaamoy sa kanya ang babae na naging dahilan upang makaramdam siya ng matinding pagkahilo.
Hindi maipaliwanag ni Bacuta kung paano nakuha sa kanya ang ATM card at nagawang ma-withdraw ang halagang P62,900 na kabayaran sa mga binili raw niyang produkto.
Bumalik lamang sa tamang katinuan si Bacuta nang makalabas na siya ng stall at maalala ang salaping nakuha sa kanya kaya kaagad niyang binalikan ang tindahan, subalit, hindi na pumayag na isoli ang produkto at sa halip ay itinawag pa siya ng taksi na maghahatid sa kanya pauwi at dito na rin isinakay ang binili raw niyang mga produkto.
Pinayuhan pa raw siya na bumalik na lamang kinabukasan, subalit, nang bumalik nga siya upang isoli ang mga produkto ay hindi na pumayag ang may-ari dahilan upang maghain na siya ng reklamo sa pulisya.
Maliwanag na modus operandi ng nasabing tindahan ang mambola at kapag nalito na ang parukyano ay doon lalansihin para mapapayag na bumili ng produkto.

Saturday, October 7, 2017

LOVE IS...

Love is not a work of art,  it's the masterpiece of one's heart.
Hmmm. Seems true.
At times,  it's hard to fall in love to someone because you are forced to feel the beat. Love grows naturally if not an instant feeling.
The heart itself dictates and designs the love to bloom. One can't paint it,  construct it nor draws the emotion. Artistry in love naturally flows as a true hands negotiating a masterpiece.
That's love.
No one knows when it strikes. Unpredictable and full of surprises which make it so loving and inspiring to indulge with. 
If only one can make a design of true love,  then no love is unrequitted and goes pfftt...
It's the ability how to nurture love that makes a near-perfect love and relationship.
But it takes two to perfect love.

Friday, October 6, 2017

HOW TO PLEASE A WOMAN

Mahirap daw espilengin ang babae. Madali raw magbago ng desisyon. Kasabihan lang ito kaya pag nagmahal ka ay pag-aralan mo ang ugali, moda, habit at iba pa. What it takes nga to be a woman.
Ang iba nakadepende sa karelasyon. Yun bang bago siya umalis kapag may lakad ay need mo pang purihin ang kanyang damit, pabango at ibang aksesori.
Dapat pang paalalahan kung dala niya ang panyo, payong ang iba pang nesisidad.
Obligadong alamin ang kanyang kinaroroonan, alamin ang lagay sa trabaho na senyal ng iyong concern at proteksyon.
Hindi maaaring hindi siya sunduin.
Hindi ito kapritso ng babae at yugto lang ito ng relasyon na magpapatatag ng pundasyon ng samahan.
Kapag malagpasan na ang bahaging ito ay panibagong pag-aaral uli ang dapat gawin ng lalaki na madali ring natukoy kung ano dahil sa instinct na aspeto.
Masarap magmahal at hindi mahirap mahalin ang babae kung alam natin ang istratehiya.

Thursday, October 5, 2017

LIFE IS FLEETING

Kaswal nang naririnig sa kuwentuhan o umpukan ang buhay. Ang medyo nakababata ay may alibi na bata pa kaya papitik-pitik lang ang buhay at tila sukatan nila ang numero ng edad.
Ang medyo nakatatanda na ay naghahabol na raw ng nalalabing panahon sa mundo na tila tinatanggap na hindi na magtatagal ang buhay kaya they make most out of it.
Ito ang magkabilang pisngi ng persepsyon sa lawig ng buhay.
Sa isang banda, hindi dapat ginagawang yardstick ang numero ng edad. Minsan maigsi lang ang ibinigay sa atin para mabuhay.
Ang bawat sandali ay mahalaga. Hindi basehan kung gaano kalawig ang buhay dahil ang mas mahalaga ay kung paano ginugol ang kahit na maigsing tsansang ipinagkaloob.
Life is fleeting and we don't know kung hanggang kailan ang ibinigay sa atin.
Parang kontrata din yan na napapaso ngunit may binibigay din na tinatawag na second lease.

NAKONSENSIYANG PULIS, NAG-SUICIDE

Binagabag ng konsensiya o napahiya?
Ito ang tinitingnang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang pulis na kinasuhan dahil sa pagpatay sa inaresto nilang 64-anyos na lola sa Ormoc City.

Ayon kay Police Supt. Carlito Gallardo, acting chief ng Ormoc City police station 1, iniimbestigahan pa ang umano'y pagpapatiwakal ni PO3 Eleazar Tero, intelligence officer ng kanilang tanggapan na nasibak kamakailan sa pwesto dahil sa nabanggit na kaso.

Base sa report, nagpatiwakal si Tero sa bahay nito sa Baranggay Curva kung saan natagpuan itong nakabitin gamit ang lubid.

Sinabi pa ni Gallardo, patuloy pa nilang inaalam kung ano ang dahilan ng suicide ni PO3 Eleazar bagaman mismong ang pamilya nito ang nakaaalam umano sa tunay na dahilan.

Si Tero ay isa sa walong pulis mula sa Ormoc City police station 1 na sinibak sa pwesto matapos masampahan ng kasong murder at arbitrary detention dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa biktima.

Una nang na-relieve ang station commander na si Chief Insp. Omar Cartalla, kasama sina PO2 Ernie Clemencio, PO1 Ritchie Sy at PO1 Ryan Refuerzo.

Ang naturang reklamo ay nag-ugat sa pagkakapatay sa umano’y bigtime swindler na si Lorna Soza na nakita ang bangkay na binalot ng packing tape.

Si Chief Insp. Shevert Alvin Machete, hepe ng Kanangga police ang mismong nagsampa ng kaso sa mga sangkot na pulis.
Ayon sa ulat, bago natagpuan sa damuhan ng Barangay Naghalin sa Kananga, Leyte ang bangkay ng matandang si Soza ay nakita ito ng ilang saksi na dinampot ng mga pulis at isinakay sa isang patrol car.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

OFWs SA GUAM PINAG-IINGAT

Pinaalalahanan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Guam na manatiling kalmado at mag-ingat.
Ito'y sa gitna na rin ng pagbabanta ng People’s Democratic Republic of Korea na pasasabugin ang mga teritoryo ng Amerika.
“Matapos ang konsultasyon kasama ang Department of Foreign Affairs, walang inilabas na travel restriction sa mga manggagawang Filipino ngunit sila ay pinayuhan na mag-ingat sa kanilang pananatili sa Guam,” nakasaad sa Resolution No. 04, na inisyu ng POEA Governing Board.
Nauna rito, isinailalim na ng DFA ang Guam sa ilalim ng Crisis Level 1, Precautionary Phase, dahil sa pagbabanta ng People’s Democratic Republic of Korea na magpapasabog sila ng nuclear missile laban sa Guam.
Pinayuhan rin nito ang mga OFWs na i-monitor ang balita mula sa mga mapagkakatiwalaang mamamahayag at sa mga opisyal na pahayag mula sa pamahalaan ng Guam, at isa iba pang awtoridad ng US, gayundin mula sa Philippine Consulate General.
Kaugnay nito, inatasan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na siya ring chairman ng POEA Governing Board, ang International Labor Affairs Bureau na bantayan ang sitwasyon at ipaalam sa kanya ang lagay ng mga OFW sa Guam.
Nakahanda na rin ang contingency plans, pati na ang pagpapauwi sa mga OFW kung kinakailangan, sakaling hindi na magiging ligtas ang mga Filipino sa Guam at South Korea.
“Handa kami sa anumang pangangailangan dahil isinasaalang-alang namin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.  Ngunit sa ngayon, nananatiling normal pa ang sitwasyon doon (sa Guam at South Korea) at wala pa kaming natatanggap na hiling na repatriation,” ani Bello.
Nabatid na bukod sa pagpapauwi, may nakahanda ring tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFW na uuwi mula sa Guam at South Korea.

Wednesday, October 4, 2017

MASARAP MABUHAY

Gaano man kahirap ang buhay ay hindi ito dahilan upang mawalan ng pag-asa at talikuran ito.
Ang buhay, sa aspeto ng tunay na sukat at trato ay nasa diskresyon ng bawat tao. Ang kaligayahan ay may antay ngunit ang rurok ng sukatan nito ay magkahalintulad.
Hindi dapat ismolin ang isang magsasaka, mangingisda na proud sa kanilang buhay at estado.
Ang magkaroon ng magandang ani ng produkto na kanilang inalagaan at pinagyaman ay wala nang kapantay na kaligayahan.
Ang mangingisda ay sobra na ang kasiyahan kapag maraming huli. Masaya na rin siya na may naibibigay sa iba.
Igalang natin ang kaligayahan ng iba. Hindi nasusukat ang kaligayahan sa estado ng buhay kundi kung ano ang pwede na silang makuntento.