Sunday, January 7, 2018

14 NA 600-POUNDER NA BOMBA HINAHANAP PA SA MARAWI

BAWAL pa ring pumasok ang mga taga-Marawi City sa “ground zero”.
Ito’y dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nahahanap ang mga bombang hinulog ng F-50 fighter jets na hindi sumabog noong kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ISIS-Maute terror group.
Sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario na kahit gumagamit sila ng K-9 o mga police dog ay tatlo pa lang sa 17 na 600-pounder na bomba ang narekober sa patuloy na clearing operations sa 250 ektaryang main battle area.
Kaya aniya lubhang mapanganib kung magpupumilit pumasok ang mga residente sa dating war zone.
Sa kabilang dako, naniniwala naman sila na mahigit sa 1,000 exploded ammunitions ang na-retrieve ng mga sundalo.
Subalit, ang habol nilang makuha ay ang 17 rounds ng 600 pounders.
“And during our briefing last December 21, pinakita sa atin ng mga EOD experts kung papano iyong process nila. There was a 250 pounder pumasok sa ground, it penetrated slantly for about 5 meters and direct vertical distance about 4 meters. It will take them 2 days just to get that one round of 250 pounder,” ang pahayag ni Del Rosario.
Kaya nga, kinalampag nila ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Armed Forces of the Philippines upang mapabilis ang clearing ng unexploded devices.
BATID naman nila ang sentimyento ng mga residente na makabalik na sa kani-kanilang bahay sa Marawi.
Hindi rin lingid sa kanilang kaalaman ang ‘request’ ng mga residenteng ito na payagan silang makapunta sa kanilang bahay kahit isa hanggang 2 linggo matapos ang clearing operations.
Samatala, ipinanukala nito sa mga barangay at city officials na bumalangkas ng waiver para sa mga nais pamasok at kunin ang mga natirang gamit para malinaw na walang dapat panagutan ang gobyerno sakaling may masamang mangyari sa kanila.
 “I promised them that we will do that provided they will sign a waiver that if something will explode in the process of retrieving their personal belongings, it will not  be the responsibility of the government, of the AFP and the local government unit. I required them that to start preparing that waiver through the Barangay Captains and the city government,” ani Del Rosario.
Hanggang ngayon, humigit kumulang 3,500 pamilya na lumikas noong Mayo 2017 ang nananatili pa sa mga evacuation center.

No comments:

Post a Comment