Sunday, January 7, 2018

LABOR-ONLY CONTRACTING TINATRABAHO NG DOLE

Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakakapuntos na ang  pamahalaan sa kampanya upang matigil ang iligal na labor-only contracting at iba pang uri ng ipinagbabawal na pangongontrata.
Sa year-end report ni Labor Secretary Silvestre Bello III, iniulat nito na may 125,352 na manggagawa na ang nasa regular employment status, kabilang rito ang mga mareregular hanggang matapos ang taon.
“Matatapos natin ang taong ito na mas maraming manggagawa ang magkakaroon ng seguridad sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng mas pinalakas na labor inspection at voluntary regularization ng mga nakikiisang establisimyento,” wika ni Bello.
Ayon sa kalihim, 40,903 manggagawa ang naregular sa pamamagitan ng mga labor assessments, at 27,144 pa ang inaasahang mareregular kasunod ng mga inilabas na Compliance Orders habang 8,697 na manggagawa ang nasiguro na ang kanilang regular employment status sa pamamagitan ng voluntary regularization at  48,286 iba pa ang inaasahang madaragdag sa bilang na ito sa pagtatapos ng taon.
Samantala, 81,445 business establishment sa bansa na may 3.2 milyong manggagawa ang nainspeksyon na ng mga Labor Laws Compliance Officers (LLCOs) upang matiyak ang kanilang pagsunod sa labor laws at standards.

No comments:

Post a Comment