Naaalarma ang mga mamamayan sa magiging epekto o bunga ng reporma sa buwis
Dahil sa pagtaas ng buwis sa produkto ng petrolyo at kerosene ay tiyak na tataas ang mga bilihin ng mga basic good at serbisyo.
Mangangahulugan ito ng pagtitipid kaya bawas-bili ang mangyayari na magreresulta sa bawas benta ng mga negosyante.
Mababawasan ang demand ng mga produkto sa Mercado kaya apektado ang mga manufacturer na posibleng humantong sa bawas-trabahador.
SASAGASAAN ng TRAIN law ang mahihirap na walang tinatanggap na take-home pay tuwing kinsenas at katapusan.
Paano ang nagtitinda ng gulay at ulam sa bangketa? Ano ang mangyayari sa kita mg magtataho, padyak driver at iba pa na umaasa sa kikitain sa bawat araw na pagkayod?
Ngayon pa lang ay ramdam na ang dagdag pasanin ng mahihirap.
Kung madaragdagan man ang iuuwing suweldo ng manggagawa tuwing payday dahil wala na ang withholding tax ay hindi garantiya na sapat ang kanilang kikitain sa tumaas na gastos ng pamilya.
Ang kapiranggot na tax sa suweldo na naisalba ay kulang pa sa nadagdagan na gastos.
Ang hirap talaga kung ang hikahos ay lalong mababaon sa hirap at dusa.
No comments:
Post a Comment