Friday, November 29, 2019
MERYENDANG PINOY
Tangkilikin ang tunay na lasang Pinoy. Iba na ang moda ngayon. Naghahanap na ng ibang puwedeng ihain para sa kakaibang panlasa. Hindi masisisi ang tao dahil gawa ang pagbabago ng nagbabagong panahon at pananaw. Ika nga, may inobasyong alinsunod sa panahon.
Iniaakma ang panlasa sa aspeto ng negosyo na sumusulpot at nasasalin sa kamalayan ng mga parukyano. Natatabunan ang mga simpleng pagkaing Pinoy dahil sa komersyalismo ng mga batang banyaga na umaakma sa lokal na panlasa.
Gayunman, hindi mawawala ang pagtalima sa patritismo na nananatiling nakatayo para Isalba ang kinagisnang pagkaing meryenda.
Wednesday, November 6, 2019
BENEPISYO NG LUYA
Maraming gamit ang luya. Pampasarap sa pagkain, pampalasa at pampabango sa niluluto.
Ngunit, higit sa lahat, may malaking kontribusyon ito sa kalusugan at kagalingan ng katawan.
Alam nyo ba na hindi lang ang bunga o ugat ng luya ang maaaring gawing halamang gamot? Ang dahon ay ipinantatapal sa ilang kondisyon para maibsan ang pakiramdam. Dikdikin o durugin ang mga dahon bago gamitin.
Kung may PASA sa katawan ay tapalan ng dinikdik na dahon ng luya ang apektadong bahagi ng katawan.
ANG SALABAT
Ang tsaa mula sa pinakuluang bungang-ugat ay tinatawag na SALABAT. Nakagawian na gawing pampainit sa umaga noon pa man. Nilalagyan ng asukal at harinang bigas na binilog para sa Olog-olog na masarap na meryenda at babalingan tuwing simbang gabi kapag pasko.
Mabisa palang gamot ang salabat sa mga sakit at kondisyon. Mabisa ito sa ubo at pananakit ng sikmura, pananakit ng lalamunan...at pampainit.
Sa mga malat, paos o wala nang boses dahil siguro napasma, ang salabat ay remedyo sa kondisyong ito.
Mabenta ang luya at may mga gumagawa ng luya powder kaya may instant salabat na tulad ng kapeng 3-in-1.
Makakatulong kasi ang pag-inom ng salabat para mawala ang BAD BREATH. Sa pag-aaral, ang luya ay may gingerol. Ito ang kemikal na nagbibigay ng maanghang na lasa ng luya. Pinasisigla nito ang ensima na sumisira sa mga elementong sanhi ng pagbaho ng hininga.
Sa mga may rayuma o sa nakakaramdam ng sintomas ng sinasabing sakit ng matanda, kahit medyo bata pa ay inaatake na rin ngayon, ay maiging gamitin ang bunga ng luya. DIKDIKIN ang bungang-ugat at pahiran ng langis. Itapal ito sa apektadong bahagi.
Masakit ng ulo? Itapal ang dinurog na luya sa noo at sentido.
Tuesday, October 22, 2019
BATA, BATA BA'T KA GINAWA?
BATA BATA BA'T KA GINAWA?
Kaligayahan, saya, inspirasyon at pagbubuklod ang ilan sa nahuhubog sa bata.
Ngunit, marami ang larawan at eksena na magkakaiba ang pagganap.
Mapalad ang ibang bata na busog sa aruga, sapat sa pangangailangan at hindi humahapdi ang sikmura ngunit paano ang mga batang hindi maibigay ang mahalagang sangkap ng buhay.
Hindi mabilang ang mga bata na umaamot ng kalinga na hindi maibigay nang buo ng mga magulang dahil sa kahirapan, o sa kawalan ng sapat na panahon upang ipadama.
May mga bata na salat sa pagmamahal, kapos sa aral at pag-unawa. Hindi ito binabalewala. Minsan lang ang guhit ng takbo ng pagkabata.
May mga dapat gawin.
May mga dapat unahin.
Kung ang puso ng bawat isa ay marunong tumingin sa mga dapat kalingain at bigyan ng gabay para maging matwid and kanilang kinabukasan..
Kung may mga maunawain na naaantig ang puso at damdamin.
Ito na ang pagkakataon.
Buksan natin ang ating mga puso.
Magmahal at tumulong.
Kailangan pa bang itugma sa okasyon ang damdaming ipagkakaloob sa kanila? Hihintahin pa ba ang Pasko upang ipakita ang anumang ekstensyon ng emosyon sa mga bata?
Minsan din lang ang Pasko, ngunit ang diwa nito ay walang pinipiling petsa sa kalendaryo.

Tuesday, May 28, 2019
Saturday, May 18, 2019
Sunday, May 12, 2019
Tuesday, March 12, 2019
BAHALA NA
Wala ba tayong magagawa?
Isa sa mga atityud ng mga Filipino ay ang umasa sa bahala na, isang ekspresyon na nananalig na ang mangyayari ay siguradong magaganap.
Sa harap ng mga hamon at pagsubok ay madalas na susulpot ang dalawang kataga na ito ngunit may positibong anyo ito dahil ang resulta ng pagpupunyagi ay hindi konkretong mangyayari ayon sa inaasahan kaya inihahanda na lang ang sarili sa mangyayari.
Ang Isang mukha ng interpretasyon ay negatibo ang dating kung ang pagsandig sa bahala na ay pag-amin ng kakapusan ng kakayahan tupdin ang responsibilidad at gawain upang makamit ang magandang resulta.
Sa mundo ng kawalan ng pag-asa ay dinadaan na lang ng iba sa hinaing at malalim na buntunghininga ang desperasyon dahil takot gumawa ng hakbang.
Ang mga balangkas ay hanggang nakaguhit pero hindi pinapantay para maitayo nang matatag.
Tapos sa bahala na isasandal.
May kapasidad ang tao na gawin ang gustong gawin upang makamit ang matamis na bunga ng pinaghirapan ngunit likas sa iba na ilaylay ang mga balikat at tanggapin ang anumang resulta ng walang katiyakan na inaabatan.
Tipikal na tanawin at mauulinigan ang paggamit sa Diyos bilang sandigan.
Diyos na ang bahala sa akin. Ipapasa Diyos ko na lang ang lahat.
Por Diyos, por santo.
Kung gumawa ang tao ng magandang hakbang ay walang masama na iasa ang produkto sa Diyos dahil may plano ang Maykapal para sa tao at may nakalaang tugmang panahon dito.
Subalit, kung sa Diyos ipauubaya ang lahat ngunit hindi naman gumagalaw at laging nakatunganga ay wala ngang biyaya na sasayad sa palad.
Nasa Diyos ang awa, ngunit nasa tao ang gawa, ayon sa palasak nang kasabihan.
Huwag lahing isipin na kayo ay pinagpala.
Ang pamantayan at moral ng tao ay nababanaag sa bahala na na ekspresyon. Dalawa ang bersyon.
Ang pagbaling sa mga katagang ito ay tanda ng pagsuko. Isinusuko ang kapalaran sa kung ano ang nakatakda.
May Kanya-kanya tayong interpretasyon at impresyon.
Iba ang trato ng ilan sa kaisipang ito, salungat sa ibang dikta ng paniniwala.
Kung kayo ay naiipit sa sitwasyon na kailangan nyong mamili matapos ang masusi at pinag-isipan nang husto na mga proposisyon ay may sapat na rason upang ikabit sa bahala na ang solusyon.
Ang mentalidad ng ibang mga Filipino ay hindi pa nakakahulagpos sa impluwensya ng negatibong parte ng bahala na.
Kahit hindi daglian ay kaya natin na baguhin ang nakasanayan.
Sa positibo tayo.
Nakababahala kung laging aangkla sa negatibong saloobin.
Monday, March 11, 2019
Saturday, March 2, 2019
BENEPISYONG PANGKALUSUGAN NG MALUNGGAY POWDER
PAGGAWA NG MALUNGGAY POWDER
1. Kumuha ng malunggay leaves, kasama ang tangkay.
2. .Isabit at patuyuin ang mga dahon sa mababang temperatura o air dry kung tawagin. Huwag ibilad nang direkta sa init ng araw dahil mawawala ang mga sustansya at kemikal nito.
3. Basain Isang beses sa isang araw upang matanggal ang dumi.
4. Hintaying malaglag ang mga dahon at kapag maaaari nang dikdikin ay kokektahin ang mga dahon.
5. I-blend o dikdikin sa tradisyonal na paraan ng paggamit ng maliit na lusong.
6. Salain ang pulbos upang matanggal ang dumi.
7. Ilagay sa sisidlan.
Health Benefits ng Malunggay Powder
Maraming benepisyo sa kalusugan ang makukuha sa malunggay.
Masarap at masustansyang lutuin at panlunas sa ibang karamdaman at kondisyon ng katawan.
Dahil sa Nakamamangha nitong katangian sa pagbibigay lunas, ito ay tinaguriang miracle plant.
Sanhi ito upang maghanap ng iba pang paraan upang higit na mapakinabangan ang halaman.
Dito nabuo at sumulpot ang malunggay powder.
Ang tuyong dahon na pinulbos ay higit ang nutrients kumpara sa sariwang dahon.
Ang pulbos ay madaling matunaw sa tubig at magagamit na sangkap sa Iba't ibang lutuin.
Ang pulbos ay mananatiling sariwa sa loob ng ilang buwan at mapapanatili ang mga bitamina, minerals, amino-acids at ibang nutrients.
BILANG GAMOT
1.Madaragdagan ang inyong lakas, enerhiya at resistensya.
2. Ang pag-inom ng mula sa pulbos ng malunggay ay nagpapanatili ng normal na asukal sa katawan kaya maaring maging lunas ito sa diabetes.
3..Nilalabanan nito ang pagtubo ng cancer cells.
Pinabababa ang kolesterol at hindi normal na pamumuo ng dugo.
4. Kinokontrol ang presyon ng dugo at nakatutulong sa mga hindi makatulog
5. Nililinis ang tubig at tinatanggal ang mga lason sa katawan.
6. Sa pag-aaral, ang malunggay powder ay mabisang panlunas sa depresyon at pag-aalala.
7. Tugon ang malunggay powder sa kulang sa nutrisyon.
8. Mainam ang pulbos ng malunggay sa mga buntis at nagpapasusong ina.
PAMPAKINIS NG BALAT
Mahalaga ang pulbos ng malunggay sa pangangalaga sa balat.
Pinababagal nito ang pagtanda dahil siksik ito sa bitamina A, C at E. Binabawasan nito ang pagsulpot ng mga kulubot.
Ang pulbos ay maaaring ipahid nang direkta sa mukha para mawala ang gaspang at maging makinis ang mukha.
PINAHIHILOM ANG SUGAT
Ang pulbos ng malunggay ay ipinapahid sa sugat at galos upang mapadali ang paghilom at maiwasang magkapeklat.
PINATUTUBO AT PINAGAGANDA ANG BUHOK
Pinasisigla nito ang pagtubo ng buhok dahil taglay nito ang zinc na nagpapalusog at nagpapaganda sa mga hibla ng buhok.
SUSTANSYA NG MATA, UTAK, ATAY AT BATO
Nagbibigay sustansya ito sa mata at utak. Nakatutulong upang maging normal ang atay at bato
NILALABANAN ANG IMPEKSYON
.Pinagagaling nito ang mga impeksyon, pinabababa ang asukal sa katawan at pagbagsak ng timbang.
Sunday, February 24, 2019
PINAKAUNANG SINEHAN SA PINAS
Nagsimula ang sinehan sa Pilipinas noong Enero 7, 1897 nang ipalabas ang unang apat na banyagang pelikula sa Salon de Pertierra sa Escolta, Maynila.
Ang mga pelikula ay Un Homme Au Chapeau (Lalakeng may Sumblero), Une scene de danse Japonaise (Tagpo sa Sayaw ng Hapones), Les Boxers (Ang Boksingero), at La Place de L' Opera (Ang Lugar ng Opera).
Isang Espanyol ang may-ari at gamit ang 60 mm Gaumont Chrono-photograph projector.
Ang bayad sa unang sinehan ay 30 sentimos sa karaniwang upuan at 50 sentimos sa malambot na bangko.
Ang tawag sa sinehan noon ay cinematografo.
Taong 1901 nang itayo sa Maynila ang ilan pang sinehan na pag-aari ng mga banyagaa tulad ng Gran Cinematografo Parisien at Cine Walgrah
Ang kauna-unahang sinehan sa Pilipinas na pag-aari ng isang Pilipino na itinayo sa Maynila ay ang Cinematograpo Rizal sa Azcarraga St., sa tapat ng Tutuban Railway Station noong 1903.
Ang sinehan na Itinayo ng piintor na si Jose Jimenez ay hango sa pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Sa parehong taon, pormal nang Itinayo ang merkado ng pelikula sa bansa kasabay ng pagdating ng mga silent movie at kolonyalismo ng mga Amerikano.
Ang silent movie ay laging sinasamahan ng gramophone, piano, o quartet.
Nakahiligan ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula kaya dumami ang nagpatayo ng mga sinehan. Sumulpot ang Cine Paz, Cine Anda, at Cine Ideal.
Ginawa na ring sinehan ang mga teatro na pinaglalabasan ng mga zarzuela at vaudeville. Noong 1912, dalawang Amerikano ang gumawa ng pelikula hinggil sa execution ni Jose Rizal, na daan upang gawin ang unang Filipino film, ang La vida de Jose Rizal.
Ang Dalagang Bukid, ang pelikula na ibinase sa bantog na musical play nina Hermogenes Ilagan at León Ignacio. ay ang kauna-unahang pelikula na ginawa at ipinalabas ng Isang FIlipino na si Jose Nepomuceno noong Setyembre 12, 1919.
Kinikilalang "Father of Philippine Cinema", ang kanyang gawa ay nagmarka ng simula ng cinema bilang anyo ng sining sa Pilipinas.
Saturday, February 23, 2019
ANG PINAGMULAN NG APELYIDO NG MGA PINOY
Sa lalawigan ng Albay, may mga bayan na karamihan sa mga apelyido ng mga naninirahan ay nagsisimula sa isang letra.
Kaya sa apelyido lang ay alam kung tagasaan sila.
Sa Oas, karamihan ay nagsisimula sa letrang R, sa Guinobatan ay O, sa Camalig ay N, sa Tabaco ay B at sa Polangui ay S.
May rason at paliwanag dito.
Bago dumating ang mga Espanyol ay walang apelyido ang mga tribu. Kinuha nila ang pangalan ng bata sa hitsura nito o sa nangyaring kaganapan
Nang umpisahan ng mga Friar ang pagbinyag sa mga Indio ay pangalan ng mga santo ang ginamit, base sa araw ng pista ng Santo.
Binago ito ng atas ng Isang gobernador heneral
Halos lahat ng mga FIlipino ay may Espanyol o tunog na Espanyol na apelyido na ibinigay para sa layunin ng pagbubuwis, ngunit ang ilan ay mayroon nang katutubong apelyido
Noong Nobyembre 21, 1849 ay nagpalabas si Governor General Narciso Claveria ng atas na gumamit ang mga FIlipino ng apelyido upang mas madali ang sensus.
Napanatili ng iba ang kanilang dating pangalan, partikular ang mga nalibre sa atas tulad ng mga inapo ng mga pinuno ng Maharlika o marangal na klase.
Pinayagan sila na hindi baguhin ang pangalan para makuha ang libreng buwis.
Ang kategorya ng apelyido ay nagbigay ng karaniwang apelyido sa Pilipinas. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang ibang apelyido ay nabago, at nawala mula sa orihinal dahil hindi marunong magbasa at magsulat ang mahihirap at mga magsasaka na nagtataglay ng apelyido.
Ito ay nagbunga ng pagkalito sa talaang sibil.
Kaya sa bisa ng atas ni Claveria, ang mga opisyal ng bayan ay nagtalaga ng mga apelyido na kinuha sa katalogo ng mga apelyido ni Claveria sa bawat bayan na kanilang sakop.
Ang ibav pang pagkuha ng apelyido ay ang paggamit ng unang pangalan ng mga magulang, at ang hindi pagpalit o paglipat ng pangalang Intsik sa Espanyol. Maraming FIlipino na nagmula sa Intsik na ang apelyido ay naging Espanyol bilang kondisyon ng paglipat sa Kristiyanismo.
Wednesday, February 20, 2019
ISLA NG MGA HIGANTE
Kakaibang tanawin sa Pilipinas
Ang Islas de Gigantes ay mga isla na bahagi ng malaking arkipelago ng Western Visayas. Ito ay parte ng bayan ng Carles ng lalawigan ng Iloilo at binubuo ng halos sampung isla. Ang dalawang pinakamalaki ay ang Gigantes Norte (North Gigantes) at Gigantes Sur (South Gigantes).
Sa Gigantes Norte ay matatagpuan ang parola.
Tinawag ang grupo ng Gigantes noon bilang Sabuluag, o Salauag, na pangalan ng Isang uri ng katutubong punongkahoy sa mga isla.
Noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ay ginawang Gigantes .
Ayon sa alamat, natagpuan ang mga kabaong sa loob ng Bakwitan Cave na mayroong mga higanteng buto ng tao..
Sa ganitong dahilan, ang mga residente ay naniniwala na tinitirhan din ito ng mga engkanto para protektahan ang lugar .
Ang parola ay itinayo sa Gigantes Norte bago ang taong 1895.
Noong 2008 ay sinira ng bagyo ang orihinal na parola sa Gigantes Norte, isa sa 27 orihinal na parola na Itinayo ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Pinalitan ang parola ng gawa sa bakal at solar ang nagbibigay ng kuryente.
Ang tinitirhan ng nangangalaga ay hindi nabago ang disenyo at porma.
Isa pang bagyo ang nanalasa noong 2013 at winasak ang karamihan sa mga bahay sa nasabing lugar.
Itinuturing na ngayon bilang paraiso ang Islas de Gigantes dahil sa malinis na mga beach, malinaw na tubig at malalaki at kakaibang pormasyon ng mga bato na kinagigiliwan akyatin ng mga adbenturusong turista.
Pinaniniwalaan naman na may nakatagong kayamanan sa Pawikan Cave na ipinangalan sa hugis pagong na mga bato sa gitna ng kuweba.
Matarik ang tatahakin patungo sa kuweba, na ang loob ay nasisinagan ng mga lagusan na ilang daang talampakan ang taas.
Ang isa pang atraksyon ng Islas de Gigantes ay ang Tanke Lagoon, isang tubig alat na pool. Nakatago ito mula sa labas ng mataas na pormasyon ng mga bato at mataas na batong apog na mga talampas.

Thursday, January 31, 2019
Subscribe to:
Posts (Atom)