Wednesday, January 17, 2018

TOBOG-TOBOG

This is tobog -tobog,  a native merienda of Filipinos in rural areas. It is a sticked -rolled cassava cake,  in modern parlance.  The shredded cassava after being mashed up of the liquid component is mixed with milk or coconut milk and fresh coconut. Fried chicken until it turns brown.  So tempting and good for the palate and health in general 

Tuesday, January 16, 2018

SUPPORT THE BUZZ

We have come up to the point of facing odds in our quest and purpose to sustain good blogging.  Even without website, we try to see it that we write information,  entertainment and knowledge to our viewer.
Blogging is passion, anchored from commitment,  but still financial issue is a vital concern.
In view of these,  please bear with us if we are not able to post regularly but as soon as we fixed monetary woes,  rest assured you can read us every day.
We hope to get some sponsorship from our prospects to make our mission and vision fruitfully done.
Thank you for taking precious moment of your time being with us.

Sunday, January 14, 2018

THE BEAUTY AND FURY OF MAYON VOLCANO

Ang ganda ng Mayon Volcano kapag tahimik, ngunit pag nag-alburuto ay malaking perhuwisyo.  Matapos ang Ilang beses na pagbuga ng abo,  ang tinaguriang perfect cone na bulkan ay may posibilidad na pumutok, ayon sa ulat. Pinaalalahanan ang mga tao na  huwag Pumasok sa idineklarang 6km-radius permanent  danger zone.  



Monday, January 8, 2018

SAAN SILA PUPUNTA?

Mawawala ang tanawing ito kapag natuloy ang demolisyon ng PNR sa mga bahay at ibang istruktura sa lupang pag-aari ng gobyerno. Madi-displace ang mga pamilya na Ilang dekada nang nakatira malapit sa riles ng tren. 
Panibagong komunidad ang kanilang magiging pamayanan. Panibagong kapitbahay at mga tao ang pakikibagayan. 

SINO-SINO ANG SASAGASAAN NG TRAIN LAW?

Naaalarma ang mga mamamayan sa magiging epekto o bunga ng reporma sa buwis
Dahil sa pagtaas  ng buwis sa produkto ng petrolyo at kerosene ay tiyak na tataas ang mga bilihin ng mga basic good at serbisyo.
Mangangahulugan ito ng pagtitipid kaya bawas-bili ang mangyayari na magreresulta sa bawas benta ng mga negosyante.
Mababawasan ang demand ng mga produkto sa Mercado kaya apektado ang mga manufacturer na posibleng humantong sa bawas-trabahador.
SASAGASAAN ng TRAIN law ang mahihirap na walang tinatanggap na take-home pay tuwing kinsenas at katapusan.
Paano ang nagtitinda ng gulay at ulam sa bangketa? Ano ang mangyayari sa kita mg magtataho, padyak driver at iba pa na umaasa sa kikitain sa bawat araw na pagkayod?
Ngayon pa lang ay ramdam na ang dagdag pasanin ng mahihirap.
Kung madaragdagan man ang iuuwing suweldo ng manggagawa tuwing payday dahil wala na ang withholding tax ay hindi garantiya na sapat ang kanilang kikitain sa tumaas na gastos ng pamilya.
Ang kapiranggot na tax sa suweldo na naisalba ay kulang pa sa nadagdagan na gastos.
Ang hirap talaga kung ang hikahos ay lalong mababaon sa hirap at dusa.

Sunday, January 7, 2018

14 NA 600-POUNDER NA BOMBA HINAHANAP PA SA MARAWI

BAWAL pa ring pumasok ang mga taga-Marawi City sa “ground zero”.
Ito’y dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nahahanap ang mga bombang hinulog ng F-50 fighter jets na hindi sumabog noong kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ISIS-Maute terror group.
Sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario na kahit gumagamit sila ng K-9 o mga police dog ay tatlo pa lang sa 17 na 600-pounder na bomba ang narekober sa patuloy na clearing operations sa 250 ektaryang main battle area.
Kaya aniya lubhang mapanganib kung magpupumilit pumasok ang mga residente sa dating war zone.
Sa kabilang dako, naniniwala naman sila na mahigit sa 1,000 exploded ammunitions ang na-retrieve ng mga sundalo.
Subalit, ang habol nilang makuha ay ang 17 rounds ng 600 pounders.
“And during our briefing last December 21, pinakita sa atin ng mga EOD experts kung papano iyong process nila. There was a 250 pounder pumasok sa ground, it penetrated slantly for about 5 meters and direct vertical distance about 4 meters. It will take them 2 days just to get that one round of 250 pounder,” ang pahayag ni Del Rosario.
Kaya nga, kinalampag nila ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Armed Forces of the Philippines upang mapabilis ang clearing ng unexploded devices.
BATID naman nila ang sentimyento ng mga residente na makabalik na sa kani-kanilang bahay sa Marawi.
Hindi rin lingid sa kanilang kaalaman ang ‘request’ ng mga residenteng ito na payagan silang makapunta sa kanilang bahay kahit isa hanggang 2 linggo matapos ang clearing operations.
Samatala, ipinanukala nito sa mga barangay at city officials na bumalangkas ng waiver para sa mga nais pamasok at kunin ang mga natirang gamit para malinaw na walang dapat panagutan ang gobyerno sakaling may masamang mangyari sa kanila.
 “I promised them that we will do that provided they will sign a waiver that if something will explode in the process of retrieving their personal belongings, it will not  be the responsibility of the government, of the AFP and the local government unit. I required them that to start preparing that waiver through the Barangay Captains and the city government,” ani Del Rosario.
Hanggang ngayon, humigit kumulang 3,500 pamilya na lumikas noong Mayo 2017 ang nananatili pa sa mga evacuation center.

NORTH AT SOUTH KOREA LEADERS MAGTATAGPO

POSIBLENG maging daan para mawala ang lamat sa relasyon at maging maayos ang samahan sa pagitan ng  North at South Korea na nakatakdang mag-usap sa Martes, Enero 9.

Bukod pa sa magiging daan din ito para sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon at buong Asia-Pacific.

Matatandaang, layunin ng pag-uusap ng dalawang bansa ang pagpapadala ni North Korean leader Kim Jong-un ng mga atleta sa Winter Olympics.

Una rito, kinumpirma ni South Korean Unification Ministry Spokesman Baik Tae-hyun na tinanggap ng North Korea ang alok nilang high level talks.

Nakatakdang mag-usap ang dalawang bansa sa border village ng Panmunjom na nasa pagitan ng dalawang bansa.

Umaasa naman si US President Donald Trump na magiging positibo ang resulta ng magaganap na usapan sa pagitan ng North Korea at South Korea.

Una rito, pumayag ang Pyongyang na magkaroon ng high-level talks sa Seoul para sa gaganaping Winter Olympics sa susunod na buwan.

Kasunod ito ng anunsyo ni North Korean leader Kim Jong-un na handa silang magpadala ng delegado na lalahok sa nasabing Palaro.

POSIBLENG  mabawasan ng naturang usapan ang namumuong tensyon sa Korean Peninsula.

Sa darating na Enero 9 itinakda ang pulong na isasagawa sa Panmunjom village na nasa hangganan ng dalawang Korea.

Nabatid na ito ang kauna-unahang high-level talks sa pagitan ng Pyongyang at Seoul simula noong 2015 pero hindi pa sigurado kung sino ang mga dadalo sa naturang pulong.

EMPLOYMENT PERMIT SA MGA DAYUHAN

Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong patakaran sa pagbibigay ng employment permit sa mga foreign national.
Sa Department Order No. 186, Series of 2017, na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, noong Nobyembre 16 at nagkabisa simula nitong nakaraang Disyembre 9, ang mga foreign national ay kinakailangan munang kumuha ng Certificate of Exclusion sa Regional Office ng DOLE, na sumasakop sa lugar na kanilang pagtatrabahuhan, para hindi na sila hanapan pa ng Alien Employment Permit.
Nakasaad pa sa kautusan na ang lahat ng foreign nationals na naglalayong magtrabaho sa Pilipinas ay kinakailangang mag-aplay ng AEP, isa sa mga kinakailangang dokumento para sa pagbibigay ng work visa.
Gayunpaman, ang mga foreign national na hindi na kailangang kumuha ng AEP ay ang mga kasapi ng governing board na may karapatang bumoto at hindi nakasasagabal sa pangangasiwa ng korporasyon o sa pang-araw-araw na operasyon ng negosyo; Presidente at Treasurer, na bahagi ng pagmamay-ari ng kompanya; at iyong nagbibigay ng consultancy service na walang employer sa Pilipinas.
Hindi rin kasama sa pagkuha ng AEP ang: intra corporate transferee na siyang manager, executive, o specialist; empleyado ng Foreign Service supplier na may hindi bababa sa isang taon na tuloy-tuloy na pagtatrabaho bago siya na-deploy sa isang branch, subsidiary, affiliate o representative office sa Pilipinas; contractual service supplier na siyang manager, executive, o specialist at empleyado ng foreign service supplier na walang commercial presence sa Pilipinas; at representative ng Foreign Principal/Employer na nakatalaga sa Office of Licensed Manning Agency (OLMA) alinsunod sa batas, patakaran at regulasyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ang isang foreign national na nagnanais na mabigyan ng certificate of exclusion ay kinakailangang magsumite ng liham sa DOLE Regional Director na sumasakop sa lugar na kanyang pagtatrabahuhan; balidong business/Mayor’s permit ng kompanyang naka-base sa Pilipinas; at kopya ng passport na may balidong visa.
Maaaring hingan ng karagdagang dokumento ang foreign national na nag-aaplay ng certificate of exclusion.
Para sa President, Treasurer, at Members of Governing Boards (hindi kabilang ang nakatala sa Foreign Investment Negative List), dapat silang mag-sumite ng certified true copy ng updated General Information Sheet kung saan makikita ang pangalan at posisyon ng foreign national; sertipikasyon na ang humihiling na foreign national ay miyembro ng governing board at may voting rights lamang, at hindi namamagitan sa pangangasiwa at operasyon ng negosyo, at walang intensiyon na magtrabaho; at Certificate of Election ng Board Secretary.
Para sa intra-corporate transferees, kinakailangan silang mag-sumite ng Contract of Employment mula sa originating company, kasama ang proof of salary, at Second Agreement.  
Samantala, ang contractual service suppliers ay kailangang mag-sumite ng Contract of Employment mula sa origin company, kasama ang proof of salary, at service contract sa pagitan ng Philippine-based company at ng foreign company.  
Para sa mga consultant, kailangang isumite ang service contract sa pagitan ng Philippine-based company at ng consultant o foreign consulting company; habang ang representatives ng Foreign Principal/Employer na nakatalaga sa OLMA, ay kailangang mag-sumite ng Letter of Acknowledgement mula sa POEA.
Ang certificate of exclusion ay dapat bayaran sa halagang P500 kada apikasyon at kailangang ma-isyu ng DOLE Regional Office sa loob ng dalawang araw matapos matanggap ang kumpletong dokumento at bayad. 

LABOR-ONLY CONTRACTING TINATRABAHO NG DOLE

Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakakapuntos na ang  pamahalaan sa kampanya upang matigil ang iligal na labor-only contracting at iba pang uri ng ipinagbabawal na pangongontrata.
Sa year-end report ni Labor Secretary Silvestre Bello III, iniulat nito na may 125,352 na manggagawa na ang nasa regular employment status, kabilang rito ang mga mareregular hanggang matapos ang taon.
“Matatapos natin ang taong ito na mas maraming manggagawa ang magkakaroon ng seguridad sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng mas pinalakas na labor inspection at voluntary regularization ng mga nakikiisang establisimyento,” wika ni Bello.
Ayon sa kalihim, 40,903 manggagawa ang naregular sa pamamagitan ng mga labor assessments, at 27,144 pa ang inaasahang mareregular kasunod ng mga inilabas na Compliance Orders habang 8,697 na manggagawa ang nasiguro na ang kanilang regular employment status sa pamamagitan ng voluntary regularization at  48,286 iba pa ang inaasahang madaragdag sa bilang na ito sa pagtatapos ng taon.
Samantala, 81,445 business establishment sa bansa na may 3.2 milyong manggagawa ang nainspeksyon na ng mga Labor Laws Compliance Officers (LLCOs) upang matiyak ang kanilang pagsunod sa labor laws at standards.

3 KINGS



Dinumog ng mga bata ang parada ng '3 Hari' mula sa Adamson Church hanggang T.M. Kalaw. Tuwing unang Linggo ng taon ay ginugunita ng mga Kristiyano ang pagdalaw ng tatlong haring mago sa bagong silang na si Jesus na nag-alay ng kani-kanilang regalo.

PISTA NG ITIM NA NAZARENO

Hindi isinasantabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administra-tion (PAGASA) ang posibilidad na ulanin ang “Traslacion” ng Poong Itim na Nazareno sa Martes.
Ayon kay Robb Gile ng PAGASA, asahan nang magiging maulap ang himpapawid subalit maaaring maranasan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na epekto ng hanging Amihan.
"Posibleng maging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan so generally, medyo maganda naman ang ating panahon by that time. Ngunit, posible ang mga light to moderate rains dahil sa amihan," ani Gile.
Patuloy aniyang umiiral ang Amihan sa dulong Hilagang Luzon na magdudulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands. Bahagya ring apektado ng Amihan ang Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley na makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Idinagdag pa ni Gile na may mataas na tiyansa ng pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol, Eastern Visayas, Caraga at Davao dahil sa Easterlies o hanging mula sa silangan.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng landslide at pagbaha.





Halos 100,000 deboto ang lumahok sa prusisyon ng replica ng Jesus Nazareno at 400 replica ng poon sa mga kalye ng Quezon Blvd., C.M. Recto, Loyola, San Sebastian, Hidalgo, Arligui at Carlos Palanca pabalik ng Villalobos patungo ng Plaza Miranda patungo ng simbahan ng Minor Basilica sa Quiapo.


Saturday, January 6, 2018

THE BEAUTY OF SIMPLE LIVING

BEAUTIFUL DAY.  A simple scene of tranquility in rural setting

BUILDING IN GRAND RESPLENDENT

An edifice in Intramuros,  Manila illuminates at night in constant reminder of how a century-old building takes an uplift from the modern theme.

PANSIT, PAMPAHABA NG BUHAY

Pinaniniwalaan na ang pansit na inihahanda tuwing birthday ay magpapalawig sa buhay ng birthday celebrator. Bukod pa sa ito ay Masarap,  menos pa sa gastos. 

BALIKBAYAN TINODAS SA DAVAO

Patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem ang Overseas Filipino Worker (OFW) na kauuwi pa lamang sa Mati City, Davao Oriental.
Hindi na umabot nang buhay bagama't naisugod pa sa ospital si Junifer Paredes na sinalakay ng mga suspek habang nasa Martinez Subdivision sa Dahican dakong alas-singko kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Chief Insp. Andrea dela Cerna, tagapagsalita ng Southern Mindanao police, lulan ng kanyang kotse ang biktima nang sabayan ng riding in tandem at ilang beses na pinagbabaril.
Agad tumakas ang mga salarin matapos ang krimen. Narekober mula sa lugar ng krimen ang ilang basyo ng kalibre .45 pistola.
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng pagpaslang sa biktima na nagtatrabaho bilang inhinyero sa Saudi Arabia.

Wednesday, January 3, 2018

FOR YOU

The buzzer will post intends to post info on readers' querries as part of its campaign in helping readers find job and knowledge on how to deal with labor rules. In not a short time we'll endorse products to guide you in marketing,  management and purchases.
This is our own way of complimenting our readers who take time viewing our contents.
Thank you very much for being with us.
Rains dampen the spirit of hope as we welcome New Year in simple gesture