Wednesday, November 29, 2017

DOH nAkabantay sa panganib ng dengue vaccine



Inamin ng tagagawa ng unang dengue vaccine sa mundo na ang droga ay makasasama kung ituturok sa indibidyal na hindi pa nahawaan ng dengue.
Nalaman sa Sanofi Pasteur na ito ay may pagsusuri ng   long-term clinical trial data sa dengue vaccine na Dengvaxia.
Nabatid na ang Dengvaxia ay nagkakaloob ng proteksyong benepisyo laban sa    dengue fever sa mga nagkaroon na ng impeksyon.

At para sa hindi na na-infect dengue virus ay ilang kaso ng matinding sakit ang posibleng maranasan matapos ang bakuna severe disease could occur following vaccination sa kasunod na  subsequent dengue infection,
Agad na tiagubilinan ni Health Secretary Fransisco Duque ang   Dengue Technical and Management Committee na makipag-usap sa  expert panel upang madetermina ang susunod na aksyon.


Ang Pilipinas ay unang bansa sa Asya na nag-apruba ng bakuka para sa indibidwal edad 9 at 45 taong gulang noong Disyembre 2015.

KABUTE LABAN SA CLIMATE CHANGE





LAHAT ay hindi ligtas sa climate change. Lahat ng nasa kalikasan ay apektado nito.
Tinalakay ng isang propesor mula Cornell University sa Estados Unidos ang epekto ng climate change sa pagkain at kalusugan sa pagtitipon ng mga mananaliksik ay mga propesor mula sa iba’t ibang institusyon sa scientific conference sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Sinabi ni Dr. Khin Mar Cho ng Cornell University na ang lahat ay apektado dahil sa climate change kara dapat na gumawa ng hakbang.
Isa sa mga hakbang na isinusulong ng mga siyentipiko ay ang mushroom farming dahil madali itong iangkop sa climate change.
Mabilis din itong maparami at marami pang benepisyong pangkalusugan na nakatutulong umano para lumakas ang immune system.
Ilangn ang negosyante ang nagpapadami ng mushroom at ibinebenta na rin ang ibang produkto na kabute ang pangunahing sangkap.
Ang oyster mushroom soap ay makatutulong umano para lalong kuminis ang balat dahil may taglay na anti-aging at moisturizer ang kabute.
Meron ding mushroom bagoong at mushroom turmeric na akma sa mga diabetic.

Bukod sa mainam na kabuhayan, layon ng mga eksperto na isulong ang sustainability ng mushroom production bilang tugon sa climate change.

Sunday, November 26, 2017

INTRAMUROS, MANILA

Intramuros buildings endure time and natural calamities as they stand firm in this culture-enriched street


Wednesday, November 22, 2017

DAGDAG-SAHOD ng gov’t workers epektib sa Enero 2018



Tiyak na happy ang bagong taon ng mga empleyado ng pamahalaan.
Inianunsyo kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) ang magandang balitang bubungad sa mga kawani ng pamahalaan sa pagpasok ng 2018.
Sa balita ng DBM, asahan ang pagtataas sa sahod ng mga government workers sa pagpapatupad ng ikatlong tranche ng Salary Standardization Law of 2015.
Aabot sa P24 billion ang inilaan para sa government employees salary increase na nakapaloob sa 2018 proposed budget.
Nasa1.2 milyon na mga empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa third tranche ng salary hike.
Saklaw ng compensation increase ang mga nagtatrabaho sa Executive, Legislative at nasa Judiciary, gayundin ang mga state universities and colleges (SUCs).

Kabilang sa makikinabang rito si Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa kasalukuyang P222,270.00, magiging P298,083.00 na ang buwanang sahod mula January 2018.

Walang ‘foreign jihadists’ sa Maynila



SINIGURO ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ligtas sa banta ng mga terorista ang lungsod, pati ng mga umano’y foreign jihadists na ayon sa bali-balita ay nakapasok ng bansa kamakailan.

Gayunpaman, sinabi ni Estrada na pinanatili pa rin niyang nakaalerto ang buong pwersa ng Manila Police District (MPD) upang pangalagaan ang seguridad ng lungsod at ng 1.7 milyong residente nito.

“In so far as Manila’s concerned,  we have no confirmation of sightings of foreigners who are suspected to be ISIS members,” pagtitiyak ni Estrada matapos ang pag-uulat ni MPD director Chief Supt. Joel Coronel.

Ayon kay Estrada, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng City Hall at lokal na pulisya sa mga lider ng tatlong Muslim communities sa Maynila – sa Quiapo, Sta. Mesa, at Baseco Compound.

May kasunduan ang lokal na pamahalaan sa mga religious at barangay leaders ng mga Muslim communities na ito kung saan agad nilang ire-report sa otoridad ang sinumang mga bagong salta na kahina-hinalang kilos sa kanilang mga komunidad.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Coronel na “secured and safe” ang Maynila.
“We are working closely, number one with our Muslim communities, especially in the Golden Mosque, Quiapo, and other communities, in Baseco  and Sta. Mesa,” ani Coronel.

“So far, we have no sightings. So far there’s no threat regarding this matter,” the dagdag pa niya.

Patuloy rin aniya ang pakikipagtulungan ng MPD sa NICA (National Intelligence Coordinating Agency),  ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines), at PNP-IG (Philippine National Police Intelligence Group).

Una nang naiulat na may 100 foreign jihadists ang nakapasok sa bansa matapos ang pagsasanay nila sa Indonesia.

Ayon sa ulat, nakapasok ang mga dayuhang teroristang ito sa kasagsagan ng digmaan sa Marawi upang tulungan ang kanilang mga kasamahan.

Tinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Major General Restituto Padilla ang balitang ito.

Aniya, walo lang at hindi 100 terorista ang kanilang minamatyagan matapos makalusot sa Mindanao at ngayo’y sumapi na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).  


For more news updates and public service announcements, please like and follow Mayor Estrada’s official Facebook fan page Manila Mayor Joseph Estrada https://www.facebook.com/mayorjosephestrada/

PAANO MASASALBAHAN ANG LANDSLIDE


TINATAWAG na pagguho o landslide ang pagbaba ng lupa, bato, burak at ipa pang bagay mula sa matas na lugar nang dahil sa gravity o batak ng natural na mageneto ng daigdig.
Ang mga lugar na may matatik na dalisdis at mahihinang uri ng bato at lupa sa dalisdis ay maaaring magkaroon ng landslide kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o kaya pagyanig mula sa lindol.
Inuuri ang mga landslide sa:
1.     Paggapang ng lupa o ‘creep’
2.     Pagsalagmak ng lupa o ‘slump’
3.     Pagdausdos ng bato o ‘slide’
4.     Pagkahulog ng bato o ‘rockfall’
5.     Pag-agos ng bato, lupa at ibang bagay o ‘debris flow’
6.     Pag-agos ng putik (mudflow)
ANG MGA SENYALES NG NAGBABADYANG LANDSLIDE
·        Bitak na lupa, kalsada at sahig
·        Nakatabingi mula sa kinatatayuan ang mga bakod, poste, punong-kahoy at pader.
·        Bumukol, nag-alon-alon o hagdan-hagdan na lupa
·        Baluktot o putol na mga tubo ng tubig na nakabaon sa lupa
·        Biglang pglabas ng tubig na parang bukal sa lupa
·        Paglabo ng tubig sa ilog
·        Nakahiwalay na pader, hagdan at iba pang dugtungang bahagi ng bahay
·        Mahirap buksan na mga pinto at bintana dahil wala na sa linya ang mga hamba
·        Malakas na ugong habang papalapit na ang langslide
Mapipigilan o mababawasan ang panganib ng landslidesa pamamagitan ng mga “structural mitigating measures” na naglalayong pakapitin, saluhin, bawasan, tapalan o iiwas ang mga material na madala ng landslide. Ngunit ang mga paraang ito ay may kamahalan at may limitasyon dito.

MGA DAPAT GAWIN
Bago maganap ang landslide
·        Alamin at pagmasdan ang kondisyon ng kapaligiran at magtagan ang mga senyales ng landlslide
·        Makipag-ugnayan sa inyong barangay tungkol sa banta ng landslide sa inyong lugar na ipinagbigay-alam na ng DENR-MGB sa mga barangay at munisipyo sa pamamagitan ng barangay landslide threat edvisory, landslide assessment report at landslide hazard map
·        Laging alamin ang taya ng panahon na galling sa PAGASA na maaaring makuha sa radio, telebisyon at pahayagan
·        Kung ang inyong lugar ay may panganib sa landslide at nakararanas ng tuloy-tuloy  na pag-ulan,  humanda na sa paglikas sa lalong medaling panahon
·        Siguraduhing may nakahandang survival kit ang pamilya
·        Alamin ang pinakamabilis at ligtas na mga daan patungo sa pinakamalapit na evacuation center
·        Ipaalam sa lahat ng miyembro ng pamilya kung paano at saan magkita-kita kung sakaling magkahiwa-hiwalay
·        Tiyakin na may matatawagan o mahihingan ng tulong sa panahon ng kalamidad
·        Makilahok sa mga programa ng Barangay Disaster Risk Rduction and Management Committee (BDRRMC)
Habang may landslide
·        Kung nasa loob ng bahay o gusali at wala nang pagkakataong lumikas, manatili na lang sa loob at magtago sa ilalim ng matibay na kasangkapan kagaya ng mesa
·        Kung nasa loob ng bahay o gusali, mabilis na umiwas sa maaaring daanan ng landslide at magtago sa mataas at ligtas na lugar. Kung wala nang pagkakataong iwasan ang landslide, bumaluktot at bigyang proteksyon ang inyong ulo

Pagkatapos ng landslide
·        Iwasan muna ang mga lugar na nakaranas ng landslide dahil sa banta ng muling pagguho at biglaang pagbaha
·        Alamin kung may mga taong nawawala at ipagbigay-alam sa mga kinauukulan para masimulan ang search and rescue operations
·        Makibalita sa pinakahuling advisory at babala tungkol sa landslide
·        Ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang linya  ng kuryente at tubig
·        Kapag ligtas na sa landslide, alamin kung may sira ang pundasyon at iba pang bahagi ng bahay o gusali, at gawan ng nararapat na pagsasaayos


Maaaring alamin sa Department of Mines and Geosciences Bureau of Regional Office nito ang banta ng landslide sa inyong lugar. Magtanong ukol sa GEOHAZARD MAP (ang mapa na nagbibigay ng impormasyon sa lagay ng inyong lugar sa iba’t ibang uri ng geohazards tulad ng landslide)

Tuesday, November 21, 2017

25 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 BUS



TINATAYANG aabot sa 25 ang sugatan matapos magbanggaan ang 3 bus sa Quirino Highway sa Barangay San Francisco, Lunes ng gabi.
Dinala sa ospital ang mga biktima, kabilang ang isang 8-taong gulang na pasahero habang ang mga driver ng nagsalpukang Philtranco bus na sina Ricardo Petallo at Virgillio Aurellano Jr. ay isinugod sa isang ospital sa Naga City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, sinubukang mag-overtake ng isang Philtranco bus na galing Naga sa isang matarik at pakurbadang bahagi ng daan kaya bumangga ito sa kasalubong na Philtranco bus mula sa Maynila.
Bumangga rin ang kasunod na Elavil bus kaya humambalang sa daan ang tatlong malalaking sasakyan.
Ngunit giit ni Nelson Palmes, substitute driver ng Philtranco bus na galing Maynila, naunang bumunggo sa kanilang likuran ang Elavil bus kaya't nagsalpukan ang magkasalubong na Philtranco bus.
Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to properties si Petallo, ang drayber ng nagovertake na bus.

Mga dayuhang sumasama sa armed groups tutugisin




TUTUGISIN na ng militar at pulisya sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao ang ilang tila mga banyaga  na sumasama umano sa mga armed lawless group.
Nabatid na sinabi ni  Joint Task Force Central spokesman at CMO Mindanao regiment commander Col. Gerry Besana na namataan umano ng mga sibilyan sa mga liblib na lugar sa Maguindanao at North Cotabato ang mga dayuhan na umano’y nakikitang sumasama sa mga masasamang armadong grupo.
Nasa kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang ilan sa mga ito ngunit patuloy pang inaalam ng pulisya at militar.
Marami ang naniniwala na mga miyembro ang mga ito teroristang Jemmaah Islamiyah at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na kaalyado ng BIFF, ASG at Maute terror group.
Nilinaw naman ni Besana na subject for investigation pa ang namataan ng mga sibilyan at hindi pa makompirma.
Gayunpaman, hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa Central Mindanao.


Labor inspections bawal sa Xmas SEASON



UPANG maprotektahan ang mga inspector mula sa tukso ng mga regalo mula sa mga   business establishment  kapalit ng pabor, sinuspinde ng  Department of Labor and Employment (DOLE)   labor inspections sa panahon ng Christmas season.
Inihayag ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod kahapon na sususpindihin ng   DOLE ang inspection ng business establishments mula Disyembre  8 hanggang Enero 7, 2018.
Trabaho ng labor law compliance officers na suriin ang mga  employers para sa posibleng paglabag sa  labor rights at regulations, kabilang ang occupational health standards, non-payment of salaries, at ang pinakamabigat na trabaho – contractualization.
Kapag nagsampa ang kawani ng reklamo sa nasabing panahon, maoobliga ang DOLE na alamin ito.
  

Ang inspections sa basehan ng occupational health ay hindi saklaw ng     suspension, dahil ang paggawa ng mga paputok para sa    firecrackers    holidays  ay inaasahan.

Monday, November 20, 2017

2018 NATIONAL BUDGET, PINAPASPASAN NG SENADO



Minamadali na ang pag-usad ng P3.7 trillion na 2018 national budget ngayong natapos na ang mga interpelasyon.
Noong nakalipas na lingo matapos ang pagiging punong-abala ng Pilipinas sa ASEAN leaders at related summits, agad itinuloy ang paghimay sa pambansang pondo.  
Pagkatapos ng pambansang pondo, inaasahang isusunod agad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Gayunman, para kay Sen. Sonny Anaga, ang makatotohanang talaorasan  para sa pagpasa ng TRAIN ay sa susunod na taon pa.

Maynila, nagpapasaklolo sa MMDA, pulisya laban sa street dwellers


HIHILINGIN ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Police District (MPD) na magtalaga ng mga tauhan sa Roxas Boulevard at iba pang pangunahing mga lansangan sa lungsod upang itaboy ang mga nagkalat na street dwellers at mga illegal vendors.
Ngayong malapit na ang Kapaskuhan, sinabi ni Estrada na dumarami na naman ang mga taong lansangan sa Baywalk at sa mga parke at pasyalan, karamihan mga Badjao na nanghihingi ng limos at mga vendors.
Base sa Presidential Decree No. 1563 o Mendicancy Law of 1978, binigyang-diin ni Estrada na nais lang ng lungsod na pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng publiko at ng mga taong lansangan laban sa masasamang elemento at maging sa mga aksidente sa kalsada.
“To do this, we need the help of other agencies such as the MMDA to back up our city police force and social welfare unit,” pahayag ng alkalde matapos ang rekomendasyon ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Nanet Tanyag.
Ayon kay Estrada, malaki ang maitutulong ng presenya ng mga pulis at mga kawani ng MMDA sa pagtataboy sa mga taong kalye at mga illegal vendors, pati na rin sa mga holdaper at snatcher.
Paliwanag naman ni Tanyag, regular naman ang isinasagawa nilang
rescue at clearing operations ngunit marami pa ring matitigas ang ulo ang nagsisibalikan.
“We will recommend to MMDA chief (Danny) Lim and the MPD to deploy their personnel to drive away these street dwellers, beggars, and illegal vendors,” ani Tanyag.
“They just keep coming back but when they see uniformed policemen or MMDA operatives, they leave,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Tanyag, may ilang insidente na rin kung saan nabibiktima at naha-harass ng mga taong-kalye ang mga foreigners at turista sa Baywalk; ilan pa ay nanakawan ng cellphones at iba pang mahahalagang gamit.
Sa Roxas Boulevard lang aniya ay mga 50 mga taong-kalye na naglilibot, ang ilan ay may mga bitbit pang mga bata.
“It is illegal to beg, live on the streets, and sell illegally in the streets,” babala ni Tanyag.
 Tinutukoy niya ang Anti-Mendicancy na nagpaparusa sa mga “habitual mendicants” ng multa na mula P500 hanggang P1,000  o pagkakakulong ng mula dalawa hanggang apat na taon.
Pinaalalahanan din ni Tanyag ang publiko na hangga’t maaari ay huwag magbigay ng pera sa mga namamalimos.

For more news updates and public service announcements, please like and follow Mayor Estrada’s official Facebook fan page Manila Mayor Joseph Estrada https://www.facebook.com/mayorjosephestrada/

Sunday, November 19, 2017

7 banyaga, 9 Pinoy bihag pa ng Sayyaf sa Sulu



HINDI humihinto ang pagpapatindi ng law enforcement operation ng militar sa lalawigan ng Sulu upang mailigtas ang natitirang 16 kidnap victims na hawak pa rin ngayon ng teroristang Abu Sayyaf sa mga bulubunduking bahagi ng Sulu.
Sa ulat, nabatid sa Western Mindanao Command (WestMinCom), pito sa mga bihag ay mga banyaga at  siyam naman ay mga Pinoy.
Hindi  pa umano kasali rito ang naiulat na panibagong pagdukot ng hinihinalang Abu Sayyaf na nasa anim na mga sibilyan sa Barangay Latih sa munisipyo ng Patikul.
Matatandaang   dinukot ng nasa 15 armadong kalalakihan ang anim na mga biktima kabilang ang dalawang menor de edad noong Martes ng gabi.
Kinilala sila na sina Jessy Trinidad, 55; Nene Trinidad, 56; Lucy Hapole, 21; Alloh Trinidad, 22; Jun Hapole, 13 at ang pitong taong gulang na si Nelson Hapole na halos magkakamag-anak lamang at mga residente ng nasabing lugar.
Hindi pa direktang kinumpirma ng militar sa Sulu na isa na namang insidente ng kidnapping ang nasabing pagdukot habang wala pang hinihinging ransom money ang mga salarin.
Kamakailan ay narekober ng mga sundalo sa kanilang operasyon sa lalawigan namang ng Tawi-Tawi ang apat na Vietnamese kidnap victim kung saan isa sa kanila ay patay na.

Hindi rin nagpahayag  ang militar kung may mga natitira pang bihag na hawak ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.

SEGURIDAD TINALAKAY SA ASEAN MAYORS' MEETING


NAGKAISA ang mga gubernador at alkalde ng ASEAN capital cities na magtulungan laban sa radikalisasyon at violent extremism sa rehiyon matapos ang madugong pagkubkob ng mga ISIS-inspired militants sa Marawi City kamakailan.
Sa isinagawang 5th Meeting of Governors/Mayors of ASEAN Capital Cities na pinangunahan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada”, masusing tinalakay ng mga lokal na opisyal mula sa 10 member-states ng ASEAN ang isyu ng seguridad, ayon kay Universidad de Manila (UDM) President Ernest Maceda.
Bilang kinatawan ni Estrada sa isang araw na summit na ginanap sa Ayuntamiento De Manila sa Intramuros nitong Biyernes, sinabi ni Maceda na tinalakay ng mga lokal na opisyal ang kani-kanilang kaalaman at karanasan sa seguridad at kontra-terorismo.
“Security was the first thing in our agenda because as you all know, Mayor Estrada’s top priority is peace and order…so the mayors and governors discussed how we could improve it among the capital cities,” pahayag ni Maceda sa isang panayam.
“We discussed best practices and there were suggestions on how we could integrate our security measures,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Maceda, tinalakay ng mga lokal na opisyal ang isyu ng Marawi sa nasabing pagpupulong at nagbigay ng mga suhestisyon sa pagpapalakas ng pulisya at militar at maging ng komunidad sa paglaban sa banta ng terorismo.
“Although it was a national problem on our part, they suggested we should strengthen police and military visibility, and tap the communities so that they will be empowered to prevent terrorist activities in their neighborhood,” ani Maceda.
Sa Singapore aniya ay may programang “COP” o Citizens-on-Patrol kung saan sinasanay ang mga residente na maging aktibo sa pagre-report ng mga kahina-hinalang gawain o indibidwal.
Sa lungsod ng Maynila, pinapatupad ng lokal na pamahalaan, sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Community Support Program (CSP) na naglalayong ihanda ang mga barangay sa paglaban sa anumang uri ng banta.
Dating tinatawag na Peace and Development Outreach Program, ang CSP ay isang inisyatibo na naglalayong magtatag ng mga “conflict-resilient” na komunidad na handang sugpuin o labanan ang anumang uri ng banta sa seguridad at kaligtasan, pati na rin ang mga kalamidad.
Ayon kay Maceda, ang pagho-host ng Maynila ng 5th Meeting of Governors /Mayors of ASEAN Capital Cities ay nagresulta ng pagkakaroon ng mas malakas pang ugnayan ng mga ASEAN capitals.
Bukod sa seguridad, tinalakay din ang mga isyu ng turismo, liveable and sustainable communities, at governance and linkages.
“There are areas of connectivity that national governments cannot reach, hence, the need for our local governments to come together,” ani Maceda. Kino-quote niya ang una nang pahayag ni Indonesian President Joko Widodo na nag-organisa ng kauna-unahang Meeting of Governors /Mayors of ASEAN Capital Cities noong siya ay gubernador pa ng Jakarta mula 2012 hanggang 2014.
Ang tema ng 5th Meeting of Governors /Mayors of ASEAN Capital Cities ay “Bridging Capital Cities for Stronger ASEAN.”
Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal ng ASEAN capital cities tulad nina Mayor Low Yen Ling ng South West District, Singapore na kasalukuyang chairman ng
Mayors’ Committee; Ridzuan Bin Haji Ahmad, chairman ng Kuala Belait at Seria Municipal Board ng Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam; Mayor Myo Aung ng  Nay Pyi Taw, Myanmar; Deputy Governor of Bangkok Wanvilai Promlakano; Vientiane Vice Governor Keophilavanh Aphaylath; at Vice Chairman ng Hanoi People’s Committee na si Nguyen Doan Toan, at iba pa.

Tuesday, November 7, 2017

BALATKAYO

Pinakamasakit sa damdamin ang malaman na huwad ang pagmamahal na pinakita ng taong buong puso at buhay ang inialay mo.
Ito ay pinakalundo ng pagkukunyari at pinakasagad na balatkayo.
May dahilan ang lahat subalit hindi katanggap-tanggap ang reason na minahal ka na may pagkukunyari.
Sinamantala ang pagmamahal. Ipinagkanulo ang wagas na pag-ibig at ginawang tanga ang nagmahal.
Masakit. Masaklap.
Kaya paano makaka-move on ang pinaasa, nilinlang at tahimik na pinagtatawanan.
Maghiganti?  Tapusin and buhay? Burahin ang pagtitiwala at isara nang tuluyan ang puso sa darating pang pag-ibig.
Masarap na masakit ang umibig. Para itong laro na may natatalo.
But life goes on as love still resurrects inside one's breast.
Time heals the wound ngunit hindi mawawala ang alaala ng kung paano nasaktan.

Monday, November 6, 2017

NASA TABI ANG KALIGAYAHAN

Kailangan pa bang laktawin ang hindi masukat na distansya upang makita ang pangarap na lugar?
Dapat bang gumastos nang malaki upang makaapak sa malayong lugar na umaalis nang husto kapag nakikita ang larawan sa mga magazine at iba pang babasahin?
Iyan ang ilan sa mga tanong na hinugot sa mga napapansin nating realidad ng paghanap ng kasiyahan kaloob ng mga lugar o tanawin na iba ang karisma.
Kung lilimihin, nasa ating lugar ang magagandang lugar ngunit ang likas na instinct ng tao ang umuudyok upang galugarin ang ibang kapaligiran upang mabatid na there's no place like home. Adbenturuso ang tao kaya walang masama sa paghahanap nila ng magbibigay  ng ibang kasiyahan hatid ng discovery.
Kaso nga lang, higit na napapasyalan ng iba ang malalayong lugar ngunit hindi nalilibot ang kinagisnang kapaligiran.
That's life kasi.
We keep on wandering only to end up feeling tired and exhausted.

Friday, November 3, 2017

TANDAAN SA PAGTANDA

Sa ating pagtanda ay matatanto natin na ang pagsusuot ng mamahalin at murang relo ay pareho lang nagdidikta ng oras.
Kahit mura ang ating wallet ay wala itong pinagkaiba sa mamahalin dahil pareho lang ang gamit nito – lagayan ng prra.
Hindi rin mahalaga ang presyo ng alak dahil labis na paginom kahit anong klase ng alak ay nakalalasing at nagkakaroon ng hangover.
Ang kaligayahan ay hindi rin nasusukat sa halaga ng salapi. Hindi mapasusubalian na ang nakahiga sa salapi ay nababalot din ng kalungkutan.

Ang tunay na panloob na kaligayahan ay hindi nanggagaling sa materyal na bagay.
Matatanto natin na kung tayp ay may mga kaibigan, kapatid at pamilya na nakakausap, kasama sa halakhakan at kasabay na nakikinig sa magandang tugtugin, ito ay ang tunay na kalaigayahan.

ANIM NA HINDI MAIKAKAILANG KATOTOHANAN NG BUHAY

1.  Huwag turuan ang mga anak na maging mayaman. Ang tunay na edukasyon ay ang maging masaya sila. Kapag lumaki ang mga ito, malalaman nila ang halaga ng mga bagay, hindi ang presyo.
2.  Ang pinakagandang mga kataga: “Kainin   mo ang pagkatin bilang iyong gamot dahil kung hindi ay kakainin mo ang gamot bilang iyong pagkain”.
3.  Hindi ka iiwanan ng taong nagmamahal sa iyo sapagkat kahit  marami ang dahilan na pawawalaan ay tiyak na matatagpuan niya ang isang dahilan upang manatili para sa iyo.
4.  Malaki ang kaibahan sa pagitan ng human being at sa pagiging human.
5.  Mahal ka na nang ikaw ay isilang. Mamahalin ka kapag ikaw ay yumao. Sa pagitan nito, kailangan ikaw ang mamahala.
6.  Kung gusto mong matulin ang paglalakad, mag-isa kang maglakad. Ngunit kung nais mong malayo ang marating sa paglalakad, sumama ka sa iba.




ANIM NA PINAKAMAGALING NA DOKTOR   SA MUNDO
1 Sunlight
2. Rest
3. Exercise
4. Diet
5. Self Confidence at
6. Kaibigan at pamilya


Panatilihin ang mga ito sa lahat ng yugto ng buhay at tamasahin ang malusog na buhay.  Habang tayo ay tumatanda, nababawasan din ang mga bagay na tila karapat-dapat na mga bagay na naghihintay sa atin.

Wednesday, November 1, 2017

PANGAKO NG PASKO

Patapos na ang undas kaya nakatutok na ang madla sa papalapit nang pasko. Ramdam na ang tema ng kapaskuhan.  Ang mga kanta, mga palamuti, parol at iba pang simbolo ng pinakanasayang selebrasyon ay nakabitin na sa hangin ngunit ano ang pangako ng pasko na umaasam?
Masaganang buhay,  masayang samahan, magandang kalusugan ba lamang ang asam ng bawat isa?
Hindi magiging ganap na nararamdaman ang tunay na diwa ng pasko kung nakasentro lang ang atensyon sa nais makamit. Ang makuha lamang ang gusto ang mahalaga subalit hindi binibigyan ng puwang ang daan para makamit ang inaasam.
Nakimutan ang mga value at tunay na ekspresyon ng totoong kahulugan.
Isapuso ang diwa. Paiiralin ang puso at pagmamahal. Magpatawad at mapagpakumbaba.
Ibahagi ang ano mang bagay na labis na para sa salat at wala ay yaman nang biyaya.
Ang pangako ng Pasko ay hindi lang para sa sariling kasiyahan kundi para sa nais nating bigyan ng halaga at kaligayahan.
Ang Pasko ay para sa lahat. Para sa mga naniniwala ng panibagong pag-asa.
Hindi makakamtan ang pangako kung pinid ang puso.