UPANG maprotektahan
ang mga inspector mula sa tukso ng mga regalo mula sa mga business
establishment kapalit ng pabor, sinuspinde
ng Department of Labor and Employment
(DOLE) labor inspections sa panahon ng Christmas
season.
Inihayag ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod kahapon na
sususpindihin ng DOLE ang inspection ng business establishments
mula Disyembre 8 hanggang Enero 7, 2018.
Trabaho ng labor law compliance officers na suriin ang mga employers para sa posibleng paglabag sa labor rights at regulations, kabilang ang occupational
health standards, non-payment of salaries, at ang pinakamabigat na trabaho – contractualization.
Kapag nagsampa ang kawani ng reklamo sa
nasabing panahon, maoobliga ang DOLE na alamin ito.
Ang inspections sa basehan ng occupational health ay hindi
saklaw ng suspension, dahil ang paggawa ng mga paputok
para sa firecrackers holidays ay inaasahan.
No comments:
Post a Comment