Patapos na ang undas kaya nakatutok na ang madla sa papalapit nang pasko. Ramdam na ang tema ng kapaskuhan. Ang mga kanta, mga palamuti, parol at iba pang simbolo ng pinakanasayang selebrasyon ay nakabitin na sa hangin ngunit ano ang pangako ng pasko na umaasam?
Masaganang buhay, masayang samahan, magandang kalusugan ba lamang ang asam ng bawat isa?
Hindi magiging ganap na nararamdaman ang tunay na diwa ng pasko kung nakasentro lang ang atensyon sa nais makamit. Ang makuha lamang ang gusto ang mahalaga subalit hindi binibigyan ng puwang ang daan para makamit ang inaasam.
Nakimutan ang mga value at tunay na ekspresyon ng totoong kahulugan.
Isapuso ang diwa. Paiiralin ang puso at pagmamahal. Magpatawad at mapagpakumbaba.
Ibahagi ang ano mang bagay na labis na para sa salat at wala ay yaman nang biyaya.
Ang pangako ng Pasko ay hindi lang para sa sariling kasiyahan kundi para sa nais nating bigyan ng halaga at kaligayahan.
Ang Pasko ay para sa lahat. Para sa mga naniniwala ng panibagong pag-asa.
Hindi makakamtan ang pangako kung pinid ang puso.
No comments:
Post a Comment