Tiyak na happy ang bagong taon ng mga empleyado
ng pamahalaan.
Inianunsyo kahapon ng Department of Budget and
Management (DBM) ang magandang balitang bubungad sa mga kawani ng pamahalaan sa
pagpasok ng 2018.
Sa balita ng DBM, asahan ang pagtataas sa sahod
ng mga government workers sa pagpapatupad ng ikatlong tranche ng Salary
Standardization Law of 2015.
Aabot sa P24 billion ang inilaan para sa government
employees salary increase na nakapaloob sa 2018 proposed budget.
Saklaw ng compensation
increase ang mga nagtatrabaho sa Executive, Legislative at nasa Judiciary,
gayundin ang mga state universities and colleges (SUCs).
Kabilang sa makikinabang
rito si Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa kasalukuyang P222,270.00, magiging
P298,083.00 na ang buwanang sahod mula January 2018.
No comments:
Post a Comment