Wednesday, November 22, 2017

Walang ‘foreign jihadists’ sa Maynila



SINIGURO ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ligtas sa banta ng mga terorista ang lungsod, pati ng mga umano’y foreign jihadists na ayon sa bali-balita ay nakapasok ng bansa kamakailan.

Gayunpaman, sinabi ni Estrada na pinanatili pa rin niyang nakaalerto ang buong pwersa ng Manila Police District (MPD) upang pangalagaan ang seguridad ng lungsod at ng 1.7 milyong residente nito.

“In so far as Manila’s concerned,  we have no confirmation of sightings of foreigners who are suspected to be ISIS members,” pagtitiyak ni Estrada matapos ang pag-uulat ni MPD director Chief Supt. Joel Coronel.

Ayon kay Estrada, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng City Hall at lokal na pulisya sa mga lider ng tatlong Muslim communities sa Maynila – sa Quiapo, Sta. Mesa, at Baseco Compound.

May kasunduan ang lokal na pamahalaan sa mga religious at barangay leaders ng mga Muslim communities na ito kung saan agad nilang ire-report sa otoridad ang sinumang mga bagong salta na kahina-hinalang kilos sa kanilang mga komunidad.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Coronel na “secured and safe” ang Maynila.
“We are working closely, number one with our Muslim communities, especially in the Golden Mosque, Quiapo, and other communities, in Baseco  and Sta. Mesa,” ani Coronel.

“So far, we have no sightings. So far there’s no threat regarding this matter,” the dagdag pa niya.

Patuloy rin aniya ang pakikipagtulungan ng MPD sa NICA (National Intelligence Coordinating Agency),  ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines), at PNP-IG (Philippine National Police Intelligence Group).

Una nang naiulat na may 100 foreign jihadists ang nakapasok sa bansa matapos ang pagsasanay nila sa Indonesia.

Ayon sa ulat, nakapasok ang mga dayuhang teroristang ito sa kasagsagan ng digmaan sa Marawi upang tulungan ang kanilang mga kasamahan.

Tinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Major General Restituto Padilla ang balitang ito.

Aniya, walo lang at hindi 100 terorista ang kanilang minamatyagan matapos makalusot sa Mindanao at ngayo’y sumapi na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).  


For more news updates and public service announcements, please like and follow Mayor Estrada’s official Facebook fan page Manila Mayor Joseph Estrada https://www.facebook.com/mayorjosephestrada/

No comments:

Post a Comment