Tuesday, November 21, 2017

Mga dayuhang sumasama sa armed groups tutugisin




TUTUGISIN na ng militar at pulisya sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao ang ilang tila mga banyaga  na sumasama umano sa mga armed lawless group.
Nabatid na sinabi ni  Joint Task Force Central spokesman at CMO Mindanao regiment commander Col. Gerry Besana na namataan umano ng mga sibilyan sa mga liblib na lugar sa Maguindanao at North Cotabato ang mga dayuhan na umano’y nakikitang sumasama sa mga masasamang armadong grupo.
Nasa kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang ilan sa mga ito ngunit patuloy pang inaalam ng pulisya at militar.
Marami ang naniniwala na mga miyembro ang mga ito teroristang Jemmaah Islamiyah at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na kaalyado ng BIFF, ASG at Maute terror group.
Nilinaw naman ni Besana na subject for investigation pa ang namataan ng mga sibilyan at hindi pa makompirma.
Gayunpaman, hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa Central Mindanao.


No comments:

Post a Comment