TINATAYANG aabot sa 25 ang sugatan matapos magbanggaan ang 3 bus
sa Quirino Highway sa Barangay San Francisco, Lunes ng gabi.
Dinala sa ospital ang mga
biktima, kabilang ang isang 8-taong gulang na pasahero habang ang mga driver ng
nagsalpukang Philtranco bus na sina Ricardo Petallo at Virgillio Aurellano Jr.
ay isinugod sa isang ospital sa Naga City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, sinubukang mag-overtake ng isang Philtranco
bus na galing Naga sa isang matarik at pakurbadang bahagi ng daan kaya bumangga
ito sa kasalubong na Philtranco bus mula sa Maynila.
Bumangga
rin ang kasunod na Elavil bus kaya humambalang sa daan ang tatlong malalaking
sasakyan.
Ngunit giit ni Nelson
Palmes, substitute driver ng Philtranco bus na galing Maynila, naunang bumunggo
sa kanilang likuran ang Elavil bus kaya't nagsalpukan ang magkasalubong na
Philtranco bus.
Haharap sa kasong reckless
imprudence resulting to physical injuries and damage to properties si Petallo,
ang drayber ng nagovertake na bus.
No comments:
Post a Comment