HINDI humihinto ang pagpapatindi ng law enforcement operation ng militar sa
lalawigan ng Sulu upang mailigtas ang natitirang 16 kidnap victims na hawak pa
rin ngayon ng teroristang Abu Sayyaf sa mga bulubunduking bahagi ng Sulu.
Sa ulat, nabatid sa Western Mindanao Command
(WestMinCom), pito sa mga bihag ay mga banyaga at siyam naman ay mga Pinoy.
Hindi pa
umano kasali rito ang naiulat na panibagong pagdukot ng hinihinalang Abu Sayyaf
na nasa anim na mga sibilyan sa Barangay Latih sa munisipyo ng Patikul.
Matatandaang dinukot
ng nasa 15 armadong kalalakihan ang anim na mga biktima kabilang ang dalawang
menor de edad noong Martes ng gabi.
Kinilala sila na sina Jessy Trinidad, 55; Nene
Trinidad, 56; Lucy Hapole, 21; Alloh Trinidad, 22; Jun Hapole, 13 at ang pitong
taong gulang na si Nelson Hapole na halos magkakamag-anak lamang at mga
residente ng nasabing lugar.
Hindi pa direktang kinumpirma ng militar sa Sulu na isa na
namang insidente ng kidnapping ang nasabing pagdukot habang wala pang
hinihinging ransom money ang mga salarin.
Kamakailan ay narekober ng mga sundalo sa
kanilang operasyon sa lalawigan namang ng Tawi-Tawi ang apat na Vietnamese
kidnap victim kung saan isa sa kanila ay patay na.
Hindi rin nagpahayag ang militar kung may mga natitira pang bihag
na hawak ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.
No comments:
Post a Comment