Monday, November 20, 2017

Maynila, nagpapasaklolo sa MMDA, pulisya laban sa street dwellers


HIHILINGIN ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Police District (MPD) na magtalaga ng mga tauhan sa Roxas Boulevard at iba pang pangunahing mga lansangan sa lungsod upang itaboy ang mga nagkalat na street dwellers at mga illegal vendors.
Ngayong malapit na ang Kapaskuhan, sinabi ni Estrada na dumarami na naman ang mga taong lansangan sa Baywalk at sa mga parke at pasyalan, karamihan mga Badjao na nanghihingi ng limos at mga vendors.
Base sa Presidential Decree No. 1563 o Mendicancy Law of 1978, binigyang-diin ni Estrada na nais lang ng lungsod na pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng publiko at ng mga taong lansangan laban sa masasamang elemento at maging sa mga aksidente sa kalsada.
“To do this, we need the help of other agencies such as the MMDA to back up our city police force and social welfare unit,” pahayag ng alkalde matapos ang rekomendasyon ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Nanet Tanyag.
Ayon kay Estrada, malaki ang maitutulong ng presenya ng mga pulis at mga kawani ng MMDA sa pagtataboy sa mga taong kalye at mga illegal vendors, pati na rin sa mga holdaper at snatcher.
Paliwanag naman ni Tanyag, regular naman ang isinasagawa nilang
rescue at clearing operations ngunit marami pa ring matitigas ang ulo ang nagsisibalikan.
“We will recommend to MMDA chief (Danny) Lim and the MPD to deploy their personnel to drive away these street dwellers, beggars, and illegal vendors,” ani Tanyag.
“They just keep coming back but when they see uniformed policemen or MMDA operatives, they leave,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Tanyag, may ilang insidente na rin kung saan nabibiktima at naha-harass ng mga taong-kalye ang mga foreigners at turista sa Baywalk; ilan pa ay nanakawan ng cellphones at iba pang mahahalagang gamit.
Sa Roxas Boulevard lang aniya ay mga 50 mga taong-kalye na naglilibot, ang ilan ay may mga bitbit pang mga bata.
“It is illegal to beg, live on the streets, and sell illegally in the streets,” babala ni Tanyag.
 Tinutukoy niya ang Anti-Mendicancy na nagpaparusa sa mga “habitual mendicants” ng multa na mula P500 hanggang P1,000  o pagkakakulong ng mula dalawa hanggang apat na taon.
Pinaalalahanan din ni Tanyag ang publiko na hangga’t maaari ay huwag magbigay ng pera sa mga namamalimos.

For more news updates and public service announcements, please like and follow Mayor Estrada’s official Facebook fan page Manila Mayor Joseph Estrada https://www.facebook.com/mayorjosephestrada/

No comments:

Post a Comment