TINATAWAG na
pagguho o landslide ang pagbaba ng lupa, bato, burak at ipa pang bagay mula sa
matas na lugar nang dahil sa gravity o batak ng natural na mageneto ng daigdig.
Ang mga
lugar na may matatik na dalisdis at mahihinang uri ng bato at lupa sa dalisdis
ay maaaring magkaroon ng landslide kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan
o kaya pagyanig mula sa lindol.
Inuuri ang
mga landslide sa:
1. Paggapang ng lupa o ‘creep’
2. Pagsalagmak ng lupa o ‘slump’
3. Pagdausdos ng bato o ‘slide’
4. Pagkahulog ng bato o ‘rockfall’
5. Pag-agos ng bato, lupa at ibang bagay
o ‘debris flow’
6. Pag-agos ng putik (mudflow)
ANG MGA
SENYALES NG NAGBABADYANG LANDSLIDE
·
Bitak
na lupa, kalsada at sahig
·
Nakatabingi
mula sa kinatatayuan ang mga bakod, poste, punong-kahoy at pader.
·
Bumukol,
nag-alon-alon o hagdan-hagdan na lupa
·
Baluktot
o putol na mga tubo ng tubig na nakabaon sa lupa
·
Biglang
pglabas ng tubig na parang bukal sa lupa
·
Paglabo
ng tubig sa ilog
·
Nakahiwalay
na pader, hagdan at iba pang dugtungang bahagi ng bahay
·
Mahirap
buksan na mga pinto at bintana dahil wala na sa linya ang mga hamba
·
Malakas
na ugong habang papalapit na ang langslide
Mapipigilan
o mababawasan ang panganib ng landslidesa pamamagitan ng mga “structural
mitigating measures” na naglalayong pakapitin, saluhin, bawasan, tapalan o
iiwas ang mga material na madala ng landslide. Ngunit ang mga paraang ito ay
may kamahalan at may limitasyon dito.
MGA DAPAT
GAWIN
Bago maganap
ang landslide
·
Alamin
at pagmasdan ang kondisyon ng kapaligiran at magtagan ang mga senyales ng
landlslide
·
Makipag-ugnayan
sa inyong barangay tungkol sa banta ng landslide sa inyong lugar na
ipinagbigay-alam na ng DENR-MGB sa mga barangay at munisipyo sa pamamagitan ng
barangay landslide threat edvisory, landslide assessment report at landslide
hazard map
·
Laging
alamin ang taya ng panahon na galling sa PAGASA na maaaring makuha sa radio,
telebisyon at pahayagan
·
Kung
ang inyong lugar ay may panganib sa landslide at nakararanas ng
tuloy-tuloy na pag-ulan, humanda na sa paglikas sa lalong medaling
panahon
·
Siguraduhing
may nakahandang survival kit ang pamilya
·
Alamin
ang pinakamabilis at ligtas na mga daan patungo sa pinakamalapit na evacuation
center
·
Ipaalam
sa lahat ng miyembro ng pamilya kung paano at saan magkita-kita kung sakaling
magkahiwa-hiwalay
·
Tiyakin
na may matatawagan o mahihingan ng tulong sa panahon ng kalamidad
·
Makilahok
sa mga programa ng Barangay Disaster Risk Rduction and Management Committee
(BDRRMC)
Habang may
landslide
·
Kung
nasa loob ng bahay o gusali at wala nang pagkakataong lumikas, manatili na lang
sa loob at magtago sa ilalim ng matibay na kasangkapan kagaya ng mesa
·
Kung
nasa loob ng bahay o gusali, mabilis na umiwas sa maaaring daanan ng landslide
at magtago sa mataas at ligtas na lugar. Kung wala nang pagkakataong iwasan ang
landslide, bumaluktot at bigyang proteksyon ang inyong ulo
Pagkatapos
ng landslide
·
Iwasan
muna ang mga lugar na nakaranas ng landslide dahil sa banta ng muling pagguho
at biglaang pagbaha
·
Alamin
kung may mga taong nawawala at ipagbigay-alam sa mga kinauukulan para masimulan
ang search and rescue operations
·
Makibalita
sa pinakahuling advisory at babala tungkol sa landslide
·
Ipaalam
sa mga kinauukulan ang mga nasirang linya
ng kuryente at tubig
·
Kapag
ligtas na sa landslide, alamin kung may sira ang pundasyon at iba pang bahagi
ng bahay o gusali, at gawan ng nararapat na pagsasaayos
Maaaring
alamin sa Department of Mines and Geosciences Bureau of Regional Office nito
ang banta ng landslide sa inyong lugar. Magtanong ukol sa GEOHAZARD MAP (ang
mapa na nagbibigay ng impormasyon sa lagay ng inyong lugar sa iba’t ibang uri
ng geohazards tulad ng landslide)
No comments:
Post a Comment