LAHAT ay hindi ligtas sa
climate change. Lahat ng nasa kalikasan ay apektado nito.
Tinalakay ng isang
propesor mula Cornell University sa Estados Unidos ang epekto ng climate change
sa pagkain at kalusugan sa pagtitipon ng mga mananaliksik ay mga propesor mula
sa iba’t ibang institusyon sa scientific conference sa Science City of Muñoz,
Nueva Ecija.
Sinabi ni Dr. Khin Mar
Cho ng Cornell University na ang lahat ay apektado dahil sa climate change kara
dapat na gumawa ng hakbang.
Isa sa mga hakbang na
isinusulong ng mga siyentipiko ay ang mushroom farming dahil madali itong
iangkop sa climate change.
Mabilis din itong
maparami at marami pang benepisyong pangkalusugan na nakatutulong umano para
lumakas ang immune system.
Ilangn ang negosyante ang
nagpapadami ng mushroom at ibinebenta na rin ang ibang produkto na kabute ang
pangunahing sangkap.
Ang oyster mushroom soap
ay makatutulong umano para lalong kuminis ang balat dahil may taglay na
anti-aging at moisturizer ang kabute.
Meron ding mushroom
bagoong at mushroom turmeric na akma sa mga diabetic.
Bukod sa mainam na
kabuhayan, layon ng mga eksperto na isulong ang sustainability ng mushroom
production bilang tugon sa climate change.
No comments:
Post a Comment