Wednesday, November 21, 2018

KANYA-KANYANG ENTABLADO

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1935628023149441&id=100001067867321

BUHAY, MATAMIS. MINSAN MAASIM

TAMIS-ASIM NG BUHAY

Sabi nila ang buhay ay parang isang mangga.
Minsan maasim, minsan matamis.
Ang buhay na puno ng pagsubok, kasawian, ay maituturing na maasim habang ang buhay na puno ng saya at tagumpay ay matamis kaya nga merong expression na tamis ng tagumpay.
Masarap ang manggang hinog lalo na kung hindi hinog sa pilit. Ang linamnam at tamis ay talaga namang mapang-akit.
Ang manibalang naman ay naroon ang nag-aagaw na lasa ng asim at tamis.
Pero ang manggang maasim ay maaari ring sumarap kung ito ay isasawsaw sa bagoong. Minsan, toyo na may sili. Sa iba naman, asin lang perfect na ang manggang hilaw.
Tulad ng mangga, ang buhay na puno ng pagsubok at kabiguan ay maaari ring sumarap kung mayroon kang sawsawan na tatama sa iyong panlasa.
Hindi laging masaya at exciting ang buhay dahil kasama sa sangkap nito ang mga problema at bagabag na hatid sa pang-araw-araw na daloy nito.
Anoman ang sitwasyon sa kasalukuyan ito ay lilipas din. Kaya kung masaya, i-enjoy, sabi nga, cherish every moment. Para sakali at agad dumating ang panahon ng kalungkutan, may mga alaala kang paghuhugutan ng pag-asa.

KUTITAP NG PASKO

Dampa man sa panigin
O kubo kung ituring 
Sa simpleng gayak 
Na kumukuti-kutitap
Diwa ng pasko malalanghap
Rangya ay wala
Kinang ay sapat
Pasko di kompetisyon
Basta meron 
Wala nang kwestyon

Monday, November 12, 2018

IS SANTA CLAUS REAL?

Simbolo si Santa Claus na Christmas.
Isa nang kultura ng Kristiyanismo ang  tinatawag ding St Nicholas o Kris Kringle.
Pinaniniwalaan ng mga bata na sila ay bibigyan ng regalo tuwing Pasko kung sila ay magiging magiging mabait. 

Magsasabit sila ng medyas at naniniwalang paggising ay may laman ng itong regalo mula kay Santa. 
Ito ang kinagisnan nilang paniniwala ayon na rin sa ikinukuwento sa kanila ng mga nakatatanda. 
Magkasalungat ang pananaw ng mga tao kung dapat na panatilihin sa kamalayan ng mga bata na totoo si  Santa.
May pabor na iwagsi sa paniniwala ng bata na totoo si Santa. 
Si Santa at simbolo lang ng pagmamahal ng magulang at iba sa isang bata at ang isang paraan ng pagmamahal at ang pagbibigay ng regalo tuwing pasko. 
Habang musmos pa ay dapat umano na maunawaan na ng bata kung ano SINASALA Santa tuwing Christmas.
Sa isang banda,  naniniwala amg iba na huwag alisin sa mundo ng kamusmusan ang paniniwala dahil ibang magic ang hatid ng Christmas.
Hayaan na ang bata sa mundo ng pantasya dahil ito ang yugto ng pagkabata.
Malalagpasan din nila ang yugto nang walang pagsisisi kung bakit sa kanilang kamusmusan ay maniwala silang may Santa.
Ang dahilan, paniniwala at desisyon tungkol sa usaping Santa ay dapat respetuhin. 
Hangad lang natin na ipagdiwang ang pasko ayon sa nais nating direksyon at interpretasyon na sukatan ng lipos na ligaya.




Tuesday, October 9, 2018

WHERE HAVE ALL THE FLOWERS GONE?


Nasaan na ang natural na mga bulaklak na noon ay laman ng hardin ng mga Pinoy? 
Isa sa mga ito ang ADELFA. 
Ilang taon din bago ko nakita ang bulaklak na ito na bihira nang masilip sa bawat bakuran.
Sayang.
Hindi napipreserba ang tunay na atin. 
Maari nang sisihin and komersyalismo?
Isa nang malaking negosyo ang mga bulaklak na palamuti at adorno sa mga lugar na may okasyon.
Kahit sa altar,  maging sa kasal.
Binibigyan ng importansiya ang mga bulaklak na galing ang ugat sa ibang bansa.
Dahil sa kalakaran ng negosyo.

Monday, October 8, 2018

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=236792226976567&id=117215618934229

Tuesday, October 2, 2018

HANAP MO BA AY DYOWA?

ISA ka ba sa mga miyembro ng SMP o Samahan ng Malamig ang Pasko?
Ayon sa isang survey, kabilang ang buwan ng Disyembre sa mga mataas ang bilang ng mga nagkakadyowa o nag-aasawa.
Wala naman daw kinalaman sa lamig ng panahon tuwing magpapasko. Pero sa ilang napagtanungan ng The Buzzer Team, maraming single ang type magkadyowa sa ganitong panahon.
Mas ganado raw kasi silang magsimbang gabi.
Yong iba naman ay desperado lang talaga at gusto nang makahanap ng kanilang forever.
Ang mga taong ito ang madalas ay nahuhulog sa patibong ng masasamang loob.
Kaya naman ngayong palapit na naman ang panahon ng kapaskuhan, may babala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga taong naghahanap ng kanilang lifetime partner.
Ginawa ng pulisya ang babala matapos na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nalinlang  ng P600,000 ng taong inakala niyang kanyang 'forever'.
Paalala ng PNP sa publiko, partikular sa mga naghahanap ng lifetime partner sa Facebook at iba pang networking sites na mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa mga personalidad na nakilala lamang nila sa social media.
Kamakailan ay nabuwag ng mga operatiba ng PNP-CIDG ang isang online dating syndicate na ang huling biktima ay isang OFW  na nakunan ng P600,000  nang mahikayat na sumali sa online love matching scheme sa pagbabaka-sakaling magkaroon ng makakapareha sa buhay.
Ang biktima ay si Frederick, 23, isang OFW na nakilala sa Facebook ang isang alyas Angel, 20, ng Sampaloc, Manila pero ang ka-chat pala nito ay isang Angelika Miguel ng Sampaloc, Manila.
Isang ‘identity theft' ang pangyayari dahil ginamit lamang ng suspect ang account at mga larawan ni Angel upang makahanap ng mabibiktima.
Nagkaroon ng relasyon si Frederick at ang inakala niyang si Angel sa loob ng dalawang taon hanggang maengganyo siyang padalhan ito ng pera para makaipon sa kanilang pagpapakasal sa pag-aakalang tunay ang kanilang relasyon.
Ngunit matapos makapagbigay ng aabot sa P600,000 ay saka lang natuklasan ni frederick na sindikato pala ang kausap niya.
Nagpapanggap lang na magandang babae ang mga miyembro ng sindikato na gumagamit ng mga pekeng accounts at larawan.
"Actually yung  report on the romance scam, ito ay  increasing. Maraming nabibiktima rito. Some people believe that they are having a relationship with a foreigner and sometimes, it's too good to be true,”ayon sa isang opisyal ng pulisya.
Kaya naman paulit-ulit ang paalala ng PNP sa netizens na huwag ibigay ang mahahalagang impormasyon sa sinomang tao na hindi kakilala lalo na sa dating online dahil kadalasan ay scam ito.
Hindi rin dapat magbigay ng pera sa mga taong hindi lubos na kakilala at makabubuting magsagawa muna ng background checking  upang hindi maloko ng sindikato.
Naaresto na ang nanloko kay Frederick at patuloy na iniimbestigahan dahil sa posibilidad na marami na itong naloko. Pinaghahanap na rin ang iba pang kasamahan sa sindikato ng suspek.

Monday, September 24, 2018

MAMA IS COMING HOME

MASAKIT sa isang ina na mawalay sa kanyang mga anak lalo na sa kanilang kamusmusan-ang panahon na higit nilang kailangan ang kalinga ng isang ina.
Pero sa panahon ngayon na laganap ang kahirapan, titiiisin ng isang magulang na mawalay sa kanyang mga anak kaysa makita silang nagugutom o nagkakasakit ngunit hindi niya maipagamot.Sa bayan ng Isabela sa Negros Occidental, isang ginang na tinukoy ng mga awtoridad sa alyas na Maureen (upang mapangalagaan ang kapakanan ng kanyang mga menor-de-edad pang anak) ang nangarap din ng maginhawang buhay para sa mga anak. Maliit ang kinikita ng kanyang asawa at wala itong ibang alam na paraan para umangat ang kanilang buhay kaya nagpasyang mangibang bayan ang ginang pero mapait ang karanasang sinapit sa kanyang pagbabalik.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya ng Isabela, nito lamang nakalipas na Biyernes umuwi si Maureen mula sa Middle East.
Diumano, tutol ang mister ni Maureen na si alyas Jessie sa kanyang pag-a-abroad. Duda kasi ito na matutulad ang misis sa iba na nang matapos ang kontrata ay hindi na umuwi dahil may bago nang karelasyon.

Pero dahil desidido si Maureen na baguhin ang takbo ng pamumuhay nila ay itinuloy nito ang desisyong umalis. Tutol man ang asawa.
Dahil sa hindi nila pagkakaintindihan ng mister, sa halip na dumiretso sa kanilang bahay ay sa bahay ng mga magulang siya tumuloy.
Nakarating kay Jessie ang balita na bumalik na sa bansa ang misis pero hindi ito umuwi sa kanila bagay na lalo niyang ipinagngitngit.
Kamakalawa, pinuntahan ni Maureen ang kanilang bahay para bisitahin ang mga anak at ibigay sa mga ito ang kanyang pasalubong.
Sinalubong siya ng galit na galit na mister kasunod ang malutong na sampal.
Nagtalo ang mga ito. Nagsumbatan.Sa isang iglap, may hawak nang patalim si Jessie.
Puno ng galit, hinanakit at selos, itinarak ni Jessie sa katawan ng asawa ang patalim.
Binawian ng buhay si Maureen bago pa madala ng mga nagmalasakit na kapitbahay sa ospital.
Ni hindi niya nagawang mayakap ang mga anak. O makumusta ang mga ito.
Ang pangarap na binuo niya sa dalawang taong pagpapakahirap sa ibang bayan ay hindi na niya mabibigyang katuparan.
Hindi na rin niya mapupunan ang mga pagkukulang sa mga anak. Lalaki silang wala nang ina at wala ring kakalingang ama dahil sa sandaling mahuli ito ng mga awtoridad ay lilitisin ito para pagbayaran ang nagawang krimen.

Friday, September 21, 2018

HOTDOG, PASIMUNO NG MANILA SOUND

Vctto

HOTDOG. PASIMUNO NG MANILA SOUND

Nagdedeliryo na noon ang musikang Pinoy dahil dinodomina ng banyagang musika ang lokal na music industry. 
Ang mga local artist ay bumaling sa imitasyon sa tono ng mga banyaga upang hindi mawala sa industriya.
Dito sumulpot ang bandang Hotdog at pinangunahan ang Manila Sound.
Isinilang ang Original Pilipino Music (OPM)  na kinalugdan ng mga Pinoy buhat sa lahat ng antas sa sosyedad.
Ang rebolusyong ginawa ng Hotdog ay presko at tunay na pumukaw sa damdamin at kamalayan ng mga Pinoy na tangkilikin ang sariling mga kanta.
Istilo ng Hotdog ang Taglish na lyrics at may salamangka itong gumayuma sa madla.
Taong 1972 nang mabuo ang Hotdog 
Naging patok ang banda na binuo noon ng magkapatid na Dennis at Rene Garcia,  Ella del Rosario,  Ramon Torralba,  Lorrie Ilustre, Jess Garcia at Roy Diaz de Rivera.
Ang ilan sa mga sumunod na miyembro ng pamosong Hotdog ay sina Zsa Zsa Padilla, Odette Quesada at Gina Montes.
Pumailanlang nang husto ang banda na nagbigay ng presko,  nakahahalinang liriko at  tumugon sa sentyimento ng mga Pinoy.
Ano ang mga awiting pinasikat ng Hotdog at kinagiliwan ng mga FIlipino? 

MANILA SOUND




Vctto

Tinawag itong pinakamaliwanag na bahagi ng panahon ng martial law kung saan nangibabaw ang takot ng mga tao.
Dekada 70  nang sumulpot ang bagong uri ng musika na tinawag na Manila Sound.
Hindi kumukupas ang mga kantang ito at hanggang ngayon ay kinagigiliwan ng music lover na hindi pa isinisilang nang umusbong ang mga kantang nanguna sa mga orihinal9 na Pinoy music.
Kabilang dito ang mga kantang folk, rock n roll,  kundiman,  jazz,  disco at funk.
Kabilang sa mga singer na naging parte at may malaking ambag sa Manila sound at ang bandang Hotdog, VST & Co.., Apo Hiking Society,  Cinderella,  Juan Dela Cruz band,  The Boyfriends, Rico Puno, Rey Valera, atbp. 
Ngunit ang Hotdog ang nagpasimuno at ngpasikat ng mga kantang Manila Sound.
Hindi natin makalilimutan ang "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay ko" na malaking hit noong 1970s.
Baguhan pa lang ang Hotdog nang panahong iyon ngunit kinanta nila ang Ikaw ang Miss Universe ng Buhay ko sa 1974 Miss Universe na ginanap sa bansa kung saan nagwagi ang Espanyol na si Amparo Munoz.

Sunday, September 2, 2018

EMPTY CHAIR

Empty chair doesn't mean lonelines.
In some cases,  we associate loneliness to a thing or mark bearing solitude and soliloquies.
A man or woman who preferrs to be alone is deemed branded as lonely.
That's the yardstick of loneliness maybe for some who associate happiness and joy with a always an in to the merriment.

TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN

Tangkilikin ang sariling atin.
Parte na lang ba ng kultura ang mga likas na gawa ng mga Pinoy na noon ay native products ang gamit?
Pansinin nyo. Ang mga sumbrerong buri na gamit ng mga bata sa pagpasok sa eskuwela ay makikita na lamang na suot ng magsasaka sa paglilinang ng lupain at taniman.
Sa mga kulturang aktibidad at kasayahan na lang ginagamit ang sumbrero bilang bahagi ng disenyo ng anyo ng isusuot.
Pang okasyon na lang.
Dekorasyon.
Hindi na mahalagang gamit o pandong sa init at ulan.

LOVE IS...

love is a scenic spot.
You hold and gasp your breath
when you take a shot

Kinikilig ang inlab at tingin niya sa daigdig ay paraiso ng walang kapantay na pagtampisaw sa kaligayahan
Ang simple at ordinaryo ay pantastik at ang feeling ay heaven.
Magandang landscape, makulay at nakamamanghang kalikasan na nasusulyapan ng mga matang kahit araw ay starry-eyed na mailalarawan.

Saturday, September 1, 2018

TOUCHING XMAS WISH NG ISANG BATA

Nakita ko ang bata na naglalaro ng eroplanong papel. 
Paghanga na may halong  awa ang naramdaman ko para sa kanya.
Minsan ay sumusulyap siya sa ibang bata na naglalaro ng gun toys.
Wala akong makitang inggit sa kanyang mga sulyap.
Tinanong ko siya kung masaya na siya sa laruang papel.
Madamdaming opo ang  kanyang tugon.

Huminto siya sa paglalaro at tila pinakikinggan ang tugtog sa radyo. Christmas song.
Lumamlam ang kanyang mga mata.
Naalala raw niya ang kanyang nanay at wish niya umuwi ito sa pasko.
Kasambahay sa Maynila ang kanyang ina habang trike driver ang kanyang ama.
Kulang ang kinikita as pamamasada kaya upang makatulong ay nagpasiya ang ina na mamasukan kahit mawalay sa kanyang mga anak.
Siya ang gumawa ng eroplanong papel na itinuro ng kanyang Kuya.
Bike daw ang gusto niyang bilhin sa kanya sa pasko ngunit kahit wala raw dala ang kanyang nanay ay hindi siya magtatampo dahil ang pinaka-wish niya ay makapiling nila ang kanilang ina at sama-sama silang pamilya sa pasko.
Nariyan naman daw si Santa Claus na kahit anong regalo ibigay sa kanya ay masaya na siya. 

THE MONTHS OF BER


Why do we put much emphasis on months ending with ber?
For some, these months revive their hope and faith to have better life.
Some are just plain believer that they'll have a different stride.
More reasons. So many dreams and interpretations.
Life should not be in consonance with calendar.
It's only a paper reminding us of days and must not be yardstick to what we must do.
Every day is a chance to grow, change and revival.
We are just being touched by the breeze and spirit.
But these months really have so much to give people a brighter side of life and escalate their joy.

Friday, August 31, 2018

SINO ANG PUMATAY SA CO-ACTOR NI COCO MARTIN?

SINO ang pumatay kay Arnold Corpuz?
Si Corpuz ang Kapamilya actor na natagpuang walang buhay at tadtad ng saksak sa bahay nito sa Silang, Cavite.
Ayon sa mga kaanak ng 38-anyos na aktor, noong Lunes pa nila hindi matawagan si Corpuz kaya Miyerkules ng gabi ay nagpasya silang pasukin na ang bahay nito sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite.
Nadatnan nilang tadtad ng saksak ang katawan ni Corpuz sa sala ng bahay.
Nakasuot lamang ito ng underwear at medyas.
Mag-isa umanong naninirahan sa nasabing bahay ang biktima pero madalas itong may bisita.
Ayon sa Cavite police, may natagpuan na tatlong baso at alak sa balkonahe ng bahay na indikasyon na mayroon itong mga kasama bago nangyari ang krimen.
Dito rin nadiskubreng nawawala ang dalawang cellphone at mga alahas ng biktima kaya maaaring pinagnakawan ito.
Si Corpuz ay gumanap na alkalde na nabiktima ng ambush sa “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Gumanap din ito sa Bagani at iba pang teleserye sa Kapamilya network.
Sa ngayon ay nangangapa pa ang mga awtoridad kung sino ang huling nakasama ng biktima bago ito natagpuang patay.
Sino nga ba ang pumatay kay Arnold Corpuz?

Thursday, August 30, 2018

AMOY PASKO NA

BER MONTHS: AMOY PASKO NA!

Naririnig ko na ang mga kantang pang Christmas.
Huling linggo pa lang ng buwan ng Agosto.
Sa tingin ko ay gusto nang itiklop ng iba ang pahina ng Agosto sa kalendaryo. Kung puwede lang hatakin ang mga huling araw ng buwan upang pumaibabaw na ang September.
Ibang antisipasyon at pananabik ang haplos ng ber months sa madla. Kakaiba.
Bakit sabik na inaabatan ang ber months?
Ang mga buwang ng September,  October,  November at December ang bumubuo ng ber months.
Ano nga ba ang hatid ng mga buwang ito para maging espesyal at mainit ang pagtanggap sa mga ito?
Unang pumapasok ang diwa ng Pasko kapag ber month na
Sinisindihan nito ang sigla at pambihirang nararamdaman ng mga tao.
Sabi nga amoy pasko na.
Ang pasko ang "the most wonderful time of the year."
Sa Pilipinas ang pinakamahabang pag-obserba ng maningning at makulay na okasyon. Basta ber month na, handa na ang karamihan sa anumang paghahanda na kinapapalooban ng paggawa ng mga dekorasyon na palamuti para lalong tumingkad ang diwa ng okasyon.
Tuwa,  saya at kasaganahan ba ang hatid ng ber months?
Sana. Wish ito ng halos lahat ngunit iba ang repleksyon ng realidad.
Kahit sa okasyon na dapat ay masaya at sagana ang lahat ay may mga nilalang na salat pa rin.
Iyan ang hayag na katotohanan.
Kung ang panukat lang sa kaligayahan ay ang pag-ibig at hindi ang materyal na bagay ay tiyak na marami ang salat sa pera na hindi makararanas ng blue Christmas.
Amoy pasko na!
Ano ang wish nyo?

Sunday, August 26, 2018

MALAS BA ANG BUWAN NG AGOSTO?

Iniuugnay ang Agosto sa kahirapan at ito umano ay malas na buwan.
Hindi ito ang buwan para magpundar ng negosyo, lumipat ng bahay, magpakasal at iba pang okasyon.
Tinatawag na ghost month ang August.
Ito ay paniniwala na ang mga kaluluwa ay pinapayagang makalabas sa impyerno para gumala sa ibaba - ang mundo.
Ginagambala umano ng mga kaluluwa ang mga tao kaya maraming kaugalian at sakripisyo ang pinaiiral at sinusunod ng mga nilalang na nabubuhay upang maiwasan ang masama o trahedyang inihahasik ng mga kaluluwa.
May tinatawag na ghost festival at ang mga nabubuhay ay nag-aalay ng pagkain at ang iba ay nagsusunog ng pera para sa sakripisyo nang makaiwas sa panliligalig ng mga kaluluwa.
Iwasan ang mga bagay tulad ng pagsusuot ng damit na may marka ng iyong pangalan 
Masama ring tapikin sa balikat ang kaibigan, hindi makabubuti sa matatanda at bata na lumabas sa gabi.
Para makontra ang masamang dulot ng panliligalig, ang mga tao ay may pangontrang dala tulad ng bigas, asin,  tubig at ibang metal na magtataboy sa malas.
Sa kaugaliang nakagisnan,  hindi paborable sa buwang ito ang magpakasal,  magdaos ng iba pang okasyon at bumiyahe nang malayo.
Ngunit ang mabuting tao ay hindi dapat mag-alala dahil ang kabutihan ang pinakamabisang panlaban sa banta ng mga kaluluwang nakalabas para gumala.
Hindi sa nais namin na kayo'y gambalain o takutin,  ngunit yaring ghost month ay nakababahala.

CELEBRITY SUICIDE KAHINDIK-HINDIK

NAKAGUGULAT.
Natagpuang patay ang alamat ng Hollywood na si Robin Williams sa kanyang tahanan sa California noong 2014. Hinihinalang nagpakamatay ang sikat na aktor.
Namatay siya bunga ng asphyxiation o kawalan ng hangin.
Nakagugulat,  Hindi kapani-paniwala dahil sikat at iniidolo ay nagwakas ang buhay sa trahedya.
Isa lang si Williams sa mga celebrities na kinitil and sariling buhay.
Marami ang nakisimpatiya, nalungkot at iba't iba pang emosyon na hinabi ng nakapangingilabot na katagang SUICIDE.
Sa edad na 27 anyos ay niyanig ang mundo ng musika nang barilin ni Kurt Cobain ang kanyang sarili.
Lead singer ng pamoso at kinahihibangang music group, ang pagpanaw ni Cobain ay nagpainit pa ng kanyang kasikatan ngunit may panghihinayang na sumapuso sa music lovers.
Sa sports, ang linebacker ng Kansas City Chiefs na si Jovan Belcher ay binaril at napatay ang kanyang kasintahan. Dala ang sasakyan ay nagtungo siya sa headquarter ng koponan at mismong sa harap ng kanyang coach at general manager ay binaril nito ang sarili.
Kahindik-hindik ang pangyayari. 
Sa lokal,  ang produkto ng talent search ng isang TV network ay bumaling din sa suicide para kitlin ang sariling buhay.
Ang 26 anyos na sa Tyrone Perez ay namatay sa loob ng kanyang sasakyan matapos magpatiwakal.
Ano ang mga dahilan? 
Kung ang mga ordinaryong tao ay lumalaban para mabuhay ay bakit ang mga sikat, hinahangaan at sagana sa pera at karangyaan ay sumuko at pinutol ang kinaiinggitan ng marami na magarbo at maningning na mundo?
Sa pagsasaliksik at pagkuha ng reaksyon, ang ilan sa mga naghihikayat ng pagpapatiwakal ay ang pagkabalisa, takot, droga at alcohol.
May kaugnayan o malaking kontribusyon din ang mental illness at ang tinatawag na major depressive disorder  (MDD).
Ang depresyon ay maaring bunga ng sobrang paghahangad na hindi maabot.
Ang katanyagan ay nagkakait sa celebrities ng sariling mundo na wala ang kinang.
Kailangan nilang ipakita sa mga tagahanga na sila ay bagay na hindi pangkaraniwan. 
Marupok sila sa pagsubok dahil hindi nila dapat ipakita ang kahinaan bilang pag-aari ng publiko.
Kapag nahirati sa kasikatan, ito ay nagsisilbing takot na sa kalaunan ay babagsak at nawawalan sila ng kinang. 
Dahil sa sobrang paghahangad at hindi makuntento sa narating, ang kabiguang matamo ang higit na inaasam ay nagdudulot ng stress na hahantong sa depresyon.
Maraming dahilan. Iba't iba ang kaso ng pagpapatiwakal at higit na mas marami ang reaksyon at emosyon na mababakas sa mga tagahanga.
Nakapanghihinayang. Nakalulungkot.  
Hindi kapani-paniwala at mahirap tanggapin.
Ngunit ang entablado ng celebrities ay puno ng saya,  ningning at drama, 
At ang wakas ng bawat palabas ay sorpresa at nakagugulat.

Tuesday, August 7, 2018

XANDER FORD NASAYANG ANG RETOKE

HINDI pa rin daw masaya si Xander Ford ngayong nagbago na ang kanyang hitsura.
Nasayang nga ba ang pagpaparetoke ng 21-anyos na binatang nagmula sa General Trias, Cavite?

Ang siste raw kasi, ayon mismo kay Xander, pangit pa rin ang tingin sa kanya ng marami. Kahit pinili niyang 'ilibing' si Marlou Arizala ay iyon pa rin daw ang nakikita ng iba.
Pilit niyang binubura si Marlou pero binubuhay pa rin ng mga tao lalo na ng kanyang mga detractor.

Hinaing ng binata, hindi pa rin nababago ang impression sa kanya ng publiko. Ang tingin pa rin daw sa kanya ay pangit at mayabang. Aminado naman ang binata na sumobra ang kanyang paggamit ng social media noon dahil halos buong buhay na niya ang inilantad niya kaya naman na-misinterpret siya ng publiko.
Masasabi ngang hindi effective ang transformation ni Xander dahil wala namang lumapit sa kanya at nag-offer ng mga project matapos ang panggulat niyang pagbabalik sa telebisyon.
Bongga ang paglitaw ni Xander Ford na talaga namang inabangan ng netizens pero ilang linggo lang yong pinag-usapan at agad ding humupa ang paghanga ng tao.

At dahil mistulang dinededma na siya sa showbizness, naisipan ng binata na bumalik na lang muna sa eskwela.
Tama naman, dapat talagang pagtuunan din niya ng pansin ang pag-aaral dahil ang showbiz ay hindi stable lalo na sa tulad niya na sumusubok pa lang ay tila nawawalan na ng kinang.
Balita namin ay mag-dance at voice lesson din si Xander bilang paghahanda raw sakaling magkaroon na siya ng project, TV man o pelikula.
Iyon ay kung may magkainteres pang bigyan siya ng project.
Kung meron mang higit na nanghihinayang sa hindi pagki-klik ng retoke ni Xander, iyon ay ang kanyang mga sponsor na naglaan ng pera at oras para mabago ang kanyang hitsura pero waley pala.

Saturday, August 4, 2018

CJ RAMOS, CHILD STAR NOON, ADIK NA NGAYON

NATATANDAAN pa ba ninyo ang makulit na batang si Budoy sa Ang TV Movie: The Adarna Adventure? O ang binatilyong si John John sa pelikulang Tanging Yaman?
Siya si CJ Ramos o Cromell John Ocampo Ramos na 31-anyos na ngayon.
Nitong Hulyo 31, taong ito, ginulat ni CJ Ramos ang kanyang mga fans nang bumalandra sa mga telebisyon ang kanyang mukha. Wala na ang bakas ng isang makulit at bibong bata o ang seryosong binatilyo na natunghayan nila noon sa telebisyon at pelikula.
Nakasuot ng dilaw na T-shirt at may posas na si CJ.
Ito ay makaraang maaresto siya ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa buy-bust operation sa Quezon City.
Nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ang aktor, alas-10:50 ng gabi sa Tandang Sora St., ilang minuto matapos niyang bumili ng isang sachet ng shabu kay Louvella Gilen, alyas “Jacky”, 36, ng Block 3 Morning Star Drive, Sanville Subdivision.
Agad sumailalim sa drug test at inquest proceedings sa Quezon City Prosecutors Office ang aktor at kanya umanong supplier at nagpositibo ang mga ito sa paggamit ng droga.
Si Gilen ang target ng police buy-bust operation na naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 marked money, habang dinakip naman si CJ matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Inamin umano ni CJ kay Chief Supt. Eleazar na nagsimula siyang magdroga sampung taon na ang nakararaan subalit, nagpaplano nang mamuhay ng normal bago muling natukso na bumili ng isang sachet.
Kabilang sa mga naging pelikula ng aktor ang Cuchera (2011) at Exchange (2012).
Ilang ulit din siyang naging nominado sa FAMAS bilang Best Child Performer, Best Child Actor at nagwagi sa kategoryang Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role ng Young Critics Circle Award sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte sa pelikulang Tanging Yaman taong 2000.
Walang direktang maisagot ang aktor kung bakit siya nagdodroga.
Tanging nasabi niya ay nagsisisi siya, pero huli na.
Si CJ at ang kanya umanong supplier ng shabu nang iharap sa mga mamamahayag sa tanggapan ng NCRPO.

Friday, July 27, 2018

KINALASAN NG GF

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=207005799976298&id=198352457508299

Thursday, July 26, 2018

NAGNAKAW NG SAPATOS NI GERALD ANDERSON BUGBOG-SARADO

BUGBOG ang inabot ng isang construction waorker matapos siyang mahuling nanloob sa bahay ng actor na si Gerald Anderson sa Quezon City.
Naharang ng mga tambay ang papatakas sanang si Mark Joseph Capalla, 22-anyos at hindi ito nilubayan ng bugbog hanggang dumating ang mga awtoridad.
Kwento ng personal assistant ng actor na si Jalil Laidan, alas-9 ng gabi nang pasukin ng suspek ang bahay ni Anderson sa Katipunan Extension, Vista Real Classica 1, Batasan Hills, QC.
Napansin umano ni Laidan si Capalla na nagkukubli sa tabi ng sasakyan ni Anderson kaya sinita nila ito ng kanyang kasama. Nagtatakbo si Capalla kaya hinabol nila hanggang makita sila ng ilang nakatambay sa lugar na humarang sa suspek kaya hindi na ito nakatakas.
Nabawi raw sa suspek ang mamahaling sapatos ni Anderson at ilang T-shirt ng mga staff nito.
Wala nang planong magdemanda pa si Anderson lalo pa't nabawi naman ang kanyang sapatos pero ang kanyang PA na si Laidan ay tuloy ang pagsasampa ng kasong Theft sa suspek.
Diumano, ang suspek ay anak ng dating katiwala ng aktor.

Sunday, May 13, 2018

MAG-INGAT SA ALOK NA TRABAHO SA CANADA

NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa alok na trabaho bilang mushroom pickers sa Canada.
Ayon sa DOLE, walang katotohanan na nangangailangan ang Canada ng 700 mushroom pickers, na may kapalit na kita na P150,000 kada buwan.
Sa kanyang ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Labor Attaché I-designate Celeste Marie Ramos ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Toronto na walang 700 job orders para maging mushroom pickers sa Canada.
Masyado rin aniyang malaki ang P150,000-P180,000 na monthly pay para sa isang typical mushroom picker, dahil ang ganitong uri ng trabaho ay karaniwang may minimum wage sa  Ontario at iba pang lalawigan.
Sinabi rin ni Ramos na karaniwan ring prayoridad ng Canadian government na mabigyan ng trabaho ang kanilang mga mamamayan, kaysa mga dayuhang manggagawa.
Pinaalalahanan din ng DOLE ang mga job seekers na maging maingat at kumpirmahin muna sa pamahalaan kung legal ang iniaalok sa kanilang trabaho bago ito tuluyang sunggaban upang hindi mabiktima ng illegal recruiters.

Sunday, April 22, 2018

MAHALAGA KUNG PAANO NAGMAHAL

Makakaya mo ang mawalay sa minamahal kahit pa sa matagal na panahon kung marami kang masasayang alaalang babaunin sa iyong pupuntahan. Sabi nga sa kanta,
'It's not how long we held each others hand
What matters is how well we loved each other'
Kaya naman habang kasama mo pa ang iyong mga mahal sa buhay ay samantalahin mo na at mag-ipon kayo ng maraming masasayang oras ng pagsasama.

PHIL. AMBASSADOR SA KUWAIT NAPIPINTONG MAPATALSIK

DELIKADONG mapatalsik sa Kuwait ang Philippine ambassador sa naturang bansa matapos mabuking ang ginagawa niyang pagtulong sa mga Pinay na makatakas mula sa malulupit na amo.
Ito ay matapos mag-viral ang video ni Philippine ambassador Renato Pedro Villa na nakikipagtulungan sa inaabusong Pinay.
Dahil sa kumalat na video, agad pinatawag ng Kuwait Foreign Ministry si Villa upang ibigay ang dalawang  diplomatic protest notes.
Diumano, may ilang miyembro ng parliament ng Kuwait ang humihiling ngayon na mapatalsik si Villa.
Inaasahan naman na lalo itong magpapalaki sa lamat sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait na kamakailan ay nagkainitan matapos pairalin ang total ban ng pagpapadala ng mga Pinoy na manggagawa sa nasabing bansa dahil na rin sa maraming kaso ng pang-aabuso roon partikular sa mga Pinay.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kaso ni Joanna Demafelis, ang Pinay maid na pinatay at iniwan sa freezer ng kanyang mga amo.

80K TRABAHO PARA SA MGA FILIPINO

HALOS 80,000 local at overseas job openings ang iaalok sa mga jobseekers sa isasagawang nationwide job at business fair,  na idaraos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Labor Day sa Mayo 1.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, posibleng madagdagan pa ang naturang bilang ng employment opportunities sa 53 sites na pagdarausan ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job at business fairs, na inorganisa ng kanilang tanggapan, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ng kalihim na ito ang pamamaraan ng gobyerno upang mabigyan ng pagkilala at parangal ang mga manggagawang Pinoy sa pagdiriwang ng Labor Day.
Nabatid na kabuuang 829 employers, na binubuo ng 666 local at 163 overseas employers, ang lalahok sa naturang job fair at magkakaloob ng may 78,675 local, overseas, at government jobs.  
Kabilang umano sa mga top local jobs na may pinakamaraming vacancy ay mga sundalo (AFP/PNP) –4,002; customer service representative – 1,470; production worker/factory worker – 1,443; mason (finishing/rough) – 1,385; call center agent – 1,306; production machine operator – 1,288; construction worker – 900; BJMP (government) – 889; service crew – 880; at karpintero (finishing/rough) – 708.
Para naman sa overseas employment, karamihan sa mga bakanteng trabaho ay nurses – 3,988; technician – 1,546; food and beverage staff – 689; engineers (mechanical, electrical, civil) – 344; production worker/ factory worker – 300; sales associate professional – 200; construction worker – 200; assistant head manager – 174; cook – 157; driver (general) – 150; at housekeeping attendant – 123.
Sa National Capital Region (NCR),  mayroong 18 job at business fair sites na matatagpuan sa Valenzuela Astrodome, Valenzuela City; SM Tunasan, Muntinlupa City; Taguig City; SM Bicutan; SM Sucat, Paranaque City; SM BF, Paranaque City; Robinsons, Las Pinas City; SM Center, Las Pinas City; SM Southmall, Las Pinas City; Pasig City (April 27); SM Marikina City (date to be determined); San Juan City (April 21); SM Megamall, Mandaluyong City; SM Manila, Manila City; SM San Lazaro, Manila City;  Cuneta Astrodome (May 10); Quezon City Hall grounds; at Fisher Mall, Quezon City (date to be determined).
Sa Luzon, ang mga TNK sites ay matatagpuan sa Baguio City National High School – Main Campus sa Cordillera Administrative Region; SM City Rosales, Pangasinan; Robinsons Ilocos Norte; Pangasinan PESO Compound, Lingayen in Region 1; Robinsons Mall, Santiago City, Isabela; SM City, Cauayan, Isabela; at SM Downtown Tuguegarao, Cagayan sa Region 2; Baler, Aurora; Balanga City, Bataan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Cabanatuan, Nueva Ecija; SM City Downtown, San Fernando, Pampanga; SM City Clark, Angeles City, Pampanga; SM City Pampanga; SM City Tarlac; at Harbor Point Mall, Subic, Zambales sa Region 3.
Mayroon ding job at business fair sites sa Calamba, Laguna (Region 4A); Bansud, Oriental Mindoro at SM Puerto Princesa City, Palawan (Region 4B); SM City Naga at Pacific Mall, Legazpi City (Region 5).
Ang mga jobseekers sa Visayas region ay maaari namang bumisita sa TNK sites sa Marymart, Iloilo City (Region 6); IC3 Pavillion, Cebu City (Region 7); at Tacloban Convention Center, at Ormoc City Hall, Tacloban City (Region 8) habang sa Mindanao, ang mga job fair sites ay nasa Zamboanga Economic Zone, Talisayan, Zamboanga City; KCC Mall, Zamboanga City; City Hall Lobby, Isabela City; Plaza Luz, Pagadian City; at Ipil Municipal Covered Court, Zamboanga Sibugay (Region 9); Limketkai Center, Cagayan de Oro City (Region 10); Gaisano Mall of Davao at SM City Davao (Region 11); SM City General Santos (Region 12); at Hotel OAZIS, Butuan City, Agusan del Norte (CARAGA).
Ang 2018 Araw ng Paggawa ay gugunitain sa ilalim ng temang ‘Pagpupugay sa Manggagawang Pilipino: Dangal ng lahi, kabalikat sa progresibong pagbabago.’

Monday, April 16, 2018

SUICIDE NA NAMAN SA SM MALL

BINULABOG na naman ang isang sangay ng SM malls matapos tumalon sa kanyang kamatayan mula sa ikaapat na palapag ang hindi pa nakikilalang babae kahapon ng tanghali sa North Edsa, Quezon City.
Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo L. Eleazar, pasado alas-12:00 ng tanghali nang gulantangin ang mga tao sa paglagapak ng katawan ng babae sa SM North Annex building sa Barangay Sto. Cristo BB ng nasabing lungsod.
Ayon kay SPO1 Lorenzo Macaraeg ng QCPD Station 2, nakatanggap sila ng tawag mula kay Elyss Rodolfo Pa-nganiban, SM Supervisor Security Office at ini-report ang naturang insidente.
Isinugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival dahil na rin sa labis na pinsala sa ulo at katawan.
Ayon kay Panganiban, abala umano siya sa pagroronda nang makarinig nang tilian ng mga mallgoer at nang kanyang usisain kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito ay tumambad sa kanya ang duguang babae.
Nabatid sa ilang saksi, napansin nila na tila wala sa sarili ang babae at umiiyak habang palakad-lakad sa mall. Bigla na lamang umano itong tumalon na ikinabigla ng lahat.
Diumano, bago nagpatiwakal ay bumili pa ng plastic na upuan ang biktima na tinatayang 30-anyos pataas, na kanyang ginamit na tuntungan bago tumalon.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima upang maabisuhan ang pamilya nito.
Matatandaan na ilang linggo pa lamang ang nakararaan ay isang kostumer din sa nasabing sangay ng SM ang pinatay ng nakaalitang technician.
Si Geroldo Ramon Querijero, 56, ay pinagsasaksak ng suspek na si Leo Laab, head technician ng PC Home Service Center na nasa 5th Floor ng SM City Annex Bldg., North Avenue, EDSA.
Nagtalo umano ang dalawa nang ipagpilitan ng biktima na kunin ang ipinagawang lap-top sa kabila na hindi nito dala ang kanyang resibo. Nang bumalik sa shop si Querijiro makalipas ang ilang oras at dala na ang kanyang resibo ay muli silang nagtalo ni Laab at doon na siya nito pinagsasaksak.
Ang patalim ay binili umano ni Laab sa kitchenware section sa loob ng SM bilang paghahanda matapos siyang bantaan na babalikan ng kostumer. Patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad si Laab.
Buwan naman ng Oktubre noong isang taon nang mag-suicide din ang isang babae sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
Dakong alas-3:15 ng hapon nang tumalon mula sa ikalimang palapag ng Building­ B ng Megamall ang babae at bumulusok sa basement.
Bago ito, may nakapansin din umano sa biktima na tila balisa habang naglalakad-lakad sa mall.
Noong Pebrero 14, 2016 ay isa ring malagim na trahedya ang nangyari sa SM Mega-mall nang tumalon mula sa Building B ang isa ring babae.
Nag-viral sa social media ang pagsu-suicide ng babae na nangyari sa mismong Valentine’s Day.

Sunday, April 8, 2018

LIBONG OFWs MAY AIDS

UMAABOT na sa 5,537 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawahan na ng HIV. Ito ang dahilan kung bakit naaalarma si ACTS-OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III dahil ang 5,537 ay kumakatawan sa 11% ng kabuuang 52,280 na kaso ng may HIV-AIDS sa listahan ng Department of Health’s National HIV/AIDS Registry na naitala nitong Pebrero 28 lamang. "This is very unfortunate, because if we look at the median age of these OFWs – at 32 to 34 years old – they are actually at the top of their lives in terms of potential workforce productivity," ani Bertiz. Nito lang aniyang nagdaang Enero hanggang Pebrero ng taong ito ay naitala ang 140 OFW na nagpositibo sa HIV kung saan 129 dito ay lalaki at 11 ay babae. Batay sa ulat ng DOH, ang pagkahawa ng nasabing bilang ng OFW ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Dahil dito, kinalampag ng kongresista ang Department of Labor and Employment na magpakalat ng mga impormasyon ukol sa HIV/AIDS awareness at kung paano ito maiiwasan. Giniit ng mambabatas na makababawas sa paglaganap ng sakit ang mga impormasyon ukol dito dahil ito ang magsisilbing gabay upang makaiwas sa impeksyon ang mga OFW na bantad sa iba't ibang kultura lalo na ang pakikipagtalik sa higit iisang partner. Lalo na aniya ang mga Filipino sailor na sa bawat pagdaong sa iba't ibang pier sa buong mundo ay malaki ang posibilidad na makahanap ng mga babaeng partner na may HIV. Sa kabuuang 5,537 OFWs sa HIV/AIDS registry ng gobyerno lumalabas na 86% rito o 4,763 ay mga lalaki. Ang nakalulungkot aniya ay hindi na ngayon matukoy kung ilan sa mga ito ang dying o maaaring bed ridden na dahil walang track mortality ang DOH dito. Bukod aniya sa nakatalang 52,280 na kabuuang bilang ng may HIV-AIDS ay nasa 2,511 ang namatay at noong nakaraang taon ay may 41 Pinoy ang namamatay buwan-buwan dahil sa nabanggit na sakit.

Monday, April 2, 2018

LARONG KALYE, DI NAWAWALA

TUMBANG PRESO. Nilalaro pa rin ng mga bata ang tumbang preso. Ito ay indikasyon na hindi nawawala ang lalong kinagisnan ng mga nakatatanda at ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Tinatawag ding tumba lata, ang tumbang preso ay tradisyonal na laro ng mga bata na ginagawa sa lansangan o sa maluwag na bakuran Karaniwan nang nakikita ang mga bata na pinatutumba ang nakatayang lata gamit ang tsinelas.

TUMBANG PRESO

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=153606441961813&id=117215618934229
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=154265565229234&id=117215618934229

TAIWAN WITH LOVE

TAIWAN WITH LOVE Sabi nila, There is only one happiness in this life, to love and be loved.. At wala raw mali sa taong umiibig. Pero paano kung ang pag-ibig ay hinahadlangan dahil may dugong sa inyo'y nag-uugnay? Ganito ang kwento ng isa nating Kabayan na minsan ay umibig nang tapat... sa kanyang pinsan. May angking ganda kaya maraming manliligaw si Trixie. Pero sa dami ng lalaking nag-alok sa kanya ng pag-ibig, ang pinsan niyang si Tonton ang nagpatibok ng kanyang puso. Kapwa 20-anyos ang magpinsan kaya sigurado sila na pag-ibig nga ang kanilang nararamdaman sa isa't isa at hindi pagmamahal ng isang magkadugo lang. Masidhi ang kanilang pag-iibigan ngunit hindi nila mailantad dahil tiyak na uusigin sila ng kanilang pamilya. Tumagal ng mahigit isang taon ang kanilang relasyon bago sila nabisto nang mahuli sila ng isa nilang pinsan na lumabas sa motel. Matinding takot ang naramdaman ni Trixie sa pagkakabulgar ng kanilang lihim pero nagpakatatag sila at hinarap ang galit ng kani-kanilang magulang. At tulad ng inaasahan, pilit silang pinaghiwalay ni Tonton. Ikinulong si Trixie ng mga magulang at hindi pinapayagang lumabas nang walang kasama. Si Tonton naman ay isinama ng isang tiyuhin sa probinsya. Noong una ay parang hindi kakayanin ni Trixie ang mga pangyayari. Nanamlay ito at nawalan ng gana sa maraming bagay. Katunayan, bumagsak ang kanyang katawan. Anomang pilit ng mga kapatid na libangin ito ay nawawalan ng saysay dahil mas pinipili ng dalaga ang magkulong sa kwarto. Mahiga. Magtulog-tulugan. Lumuha. Lumipas ang isang taon nang walang anomang komunikasyon sina Tonton at Trixie. Ni hindi rin naman binabanggit sa kanilang bahay ang pangalan ni Tonton. Masakit pero as time goes by, nababawasan ang kirot. At dumating din ang puntong naisip ni Trixie na hanggang doon lang talaga ang kanilang relasyon ni Tonton. Hindi lang ang kanilang pamilya at mga kamag-anak ang hahadlang kundi maging ang lipunan. Sa ating tradisyon, hindi pwedeng maging mag-asawa ang magpinsan. Habang unti-unting tinatanggap ni Trixie ang kanilang kapalaran ni Tonton, dumating ang isang oportunidad. Niyaya siya ng kanyang ate na mag-apply bilang factory worker sa Taiwan. Makalipas ang may anim na buwang pag-aasikaso ng requirements, nakarating sa Taiwan si Trixie. Dalawang taon ang kanyang kontrata. Sa loob ng mga panahong iyon, umaasa siyang ganap nang maghihilom ang sugat na nilikha ng kanilang kapusukan ng pinsang si Tonton.

TO SIR WITH LOVE

TO SIR WITH LOVE A friend of mine related to me her high school life. She was 15 when she fell in love with her teacher who happened to be the boyfriend of her older sister. She really showed her affection for her teacher who told her it was not love. Her sister did not flare up. Her older sister would console her, saying it was infatuation, a teen's crush. My friend never gave up. One day the fiance of her teacher announced his resignation from the school. My friend was shocked. She knew the reason. Her sister and her teacher broke up. She did not exert effort to know the truth. Deep in her heart was a celebration. But she never succeeded. Her teacher left for another place. After two years, she met her former teacher who was teaching in the college she was enrolled in. The feeling was still in her heart. But she confined it to herself. She just waited for a chance. But she, again, was never been given the chance to prove her love. She wanted to give up hope until one day the man invited her to a talk. She was very excited and anticipated for a rosy and happy moment. "I have known you to be a nice fine girl and now a sweet lady, but I want you to finish your course. I know what it is your heart would change. You're still at the emotional stage. You will love a boy of your age. I am again committed to your sister and we're planning to tie the knot in less than a year," her former teacher told her while holding her arms. My friend realized that the man was correct. And my friend finally set the love in her heart, for the sake of her sister's happiness. Love is sacrifice. Love is giving for the welfare of one beloved.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=154433395212451&id=117215618934229

KUWENTO MO, IKUWENTO KO

Maraming kuwento. Iba't ibang kapalarang ngunit iisa ang hangarin: mabigyan ng magandang buhay ang mahal sa buhay.
Ang mga kuwento ng mga OFW ay kuwento ng lahat. Salamin sila ng buhay na nangangarap, nagsusumikap at nagbabakasakali.
Ang bawat salaysay ay guhit ng kapalaran, ano man ang naging tuldok
Nais namin bigyan ng makakayanan naming komplimentaryo ang hinabi nyong buhay
Gusto namin, sa aming munting paraan ay mailarawan ang pagpupunyagi nyo.
Para sa inyo ang espasyong ito.
Maari nyong ipadala o ipost ang mga kuwento nyo sa pahinang ito.
Hindi pa lamang sa mga OFW ang paanyayang ito.
Welcome po lahat ng Pinoy na Ibahagi ang kanilang kuwento,  masaya man o malungkot
Maraming salamat .

Saturday, March 31, 2018

SACRIFICE ONE TO HAVE THE OTHER

No man is an island, goes a saying.

I believe in this saying without even trying to give a dash of words.

In a society, communicating with others is essential to one's social activities and life's enhancement.

But when the right is taken, a certain individual is somehow partially crippled not only in executing actions of thought.

I myself is baffled by how people reassert their dominance and  impose there being an oligarch.

Little is left for people to enjoy.

When someone wants to put action or have authority to dominate and guide, one should strive to gain the position. One has no right to do without proving the status to made so.

I believe, we have to sacrifice some privilege in order to have some right.

It's not a winner-take-all case of having one in full command.

Social responsibility doesn't mean being good to others. It implies respect and care for what other can give or show without being ridiculed.

I myself is disgusted, frustrated and demoralized when I see people doing things that are beyond the norm of the society. But they are being noticed an put into iconic place.

But a simple man doing good but not being glamorized is just put into corner.

The reality of life!

But the reality should not be taken as reason for people to perpetuate wrong doing.

It's baloney.

It's ridiculous.

Thursday, March 22, 2018

SIMBAHAN MAY PAALALA SA MGA MAGPEPENITENSYA

Hindi na kinakailangan pa ng mga Katoliko na saktan ang sarili o magpapako sa Krus tuwing panahon ng Mahal na Araw upang ipakita na nagsisisi sila sa kanilang mga kasalanan.
Ito ang ipinaalala kahapon ni  Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga mananampalataya kaugnay ng nalalapit na paggunita sa Mahal na Araw.
Ayon kay Secillano, hindi hinihiling ng Simbahang Katoliko sa mga mananampalataya na magpenitensya sa pamamagitan nang pananakit sa sarili at pagpapapako sa Krus para mapatawad sila sa kanilang kasalanan.
Sinabi ng pari na nagawa na ni Hesukristo ang pagpapakasakit sa krus para tubusin tayo mula sa kasalanan at hindi na ito kailangan pang ulitin ng tao.
Paalala pa niya, ang mas mahalaga ay mangumpisal ang mga mananampalataya kung talagang nais nilang pagsisisihan nang taos-puso ang kanilang mga kasalanan at pagkakamali.
Dapat din aniyang manalangin, magnilay at magbalik-loob sa Panginoon sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.
Una nang sinabi ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko na ang katawan ng tao ay sagrado at hindi dapat na abusuhin at saktan.
Ikinalulungkot rin nila na ang pagpapapako at pananakit ng mga tao sa kanilang katawan tuwing Kuwaresma ay nagiging commercial o naging negosyo na dahil naging tourist attraction ito.

Sunday, March 11, 2018

80 PORSIYENTO NASA WATCHLIST

Tinatayang 80 porsiyento sa mga miyembro ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office ang nasa watchlist ng Counter Intelligence Task Force dahil umano sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Gayunman, nilinaw ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde na maaari pang tumaas o bumaba ang nasabing bilang, depende sa magiging resulta ng isinasagawa ngayong pagsisiyasat.
"Nagpapatuloy pa sa ngayon ang ating validation and prosecution efforts ... na bahagi sa kampanya sa paglilinis ng hanay ng ating mga pulis," ani Albayalde.
Nauna nang inihayag ni Albayalde na batay sa paunang imbestigasyon, may mga pulis sa Metro Manila ang pinaniniwalaang sabit sa extortion, kidnap for ransom at illegal drugs.
Sinabi pa ng heneral na sa 29,222 tauhan ng NCRPO, karamihan sa mga nasa watchlist ay may ranggong Police Officer 1 (PO1) at nakatalaga sa Manila Police District, Quezon City Police District (QCPD) at Southern Police District.
"Meron tayong listahan nito, meron tayong watch list dito kaya ito pinaigting natin 'yung counterintelligence operations para ma-weed out pa natin itong mga sinasabing gumagawa pa ng hindi maganda. Sila ang dahilan kaya nadadawit 'yung nakakarami sa amin sa kapulisan," dagdag nito.
Kasabay nito, binanggit pa ni Albayalde na masusi na nilang mino-monitor ang isang pulis na may ranggong PO1 na nagawang makapasok sa PNP kahit may nakabinbin itong kasong kriminal.

LIFESTYLE CHECK SA MGA PARI

Hinimok ng isang Catholic bishop sa kanyang mga kapwa pari na sumailalim sa lifestyle check, kasabay ng paalala na maging tapat sila sa kanilang misyon bilang “alter Christus,” o panibagong Kristo, sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng Episcopal Commission on Seminaries ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), layunin ng hakbang na malaman kung nananatiling tapat ang mga pari sa kanilang misyon.
Paliwanag ng obispo, dapat hayaan ng mga pari na suriin ang kanilang day-to-day activities at kung ilang oras ginagampanan ang responsilibidad, gayundin ang kanilang mga finances at pag-aaring gadgets o kagamitan.
Dapat din aniyang alamin kung paano nakikisalamuha ang mga pari bilang parte ng pagiging saksi ng buhay at gawa ng Diyos.
Kamakailan, may 120 mga pari ang nagtipon sa Maryhill School of Theology sa Quezon City, sa idinaos na National Discernment of Priests on their Prophetic Role na inorganisa ng National Clergy Discernment Group.

Tuesday, March 6, 2018

GRANDMA KNOWS BEST

Grandmother knows best. This is a new touchstone in giving care to children whose mother can't do the responsibility because of excusable reasons.
Instead of hiring maid to attend to children while mothers are working, grandmother usually offers her genuine love and care.
It also reaffirms the cultural description of Filipinos as closely-knit family.
It's fun and adorable to see grandma and grandchild having a walk.

Wednesday, February 14, 2018

THE WORLD STILL GREEN

The world is still green.  Explore the rural areas and you'll be filled with sights to grasp. Man has the prime duty to protect which God has endowed.
Nature, the best habitat of men, needs care,  protection and love for its ability to survive and spare from vanishing.
We are concern with climate change but we don't give a hand to avoid and combat the effects.
Only we can save our environ and it should not be done tomorrow.  It has to be now.

Tuesday, February 6, 2018

OREGANO, LUNAS SA UBO

Madaling tumubo ang oregano, Isang medicinal plant na matatagpuan sa mga lalawigan. Isa rin itong ornamental plant na nagbibigay dagdag ganda sa hardin. Sa mga walang bakanteng lupa dahil okupado na ng bahay ang buong maliit na lote, Karaniwan makikita ang oregano sa paso na puwedeng nakabitin lang.
Bilang medicinal plant, ito ay mabisang lunas sa ubo. Ibalot lang sa dahon ng saging ang sapat na bilang ng dahon ng oregano at ilagay ito sa ibabaw ng sinaing na iniinhin.
Matapos mainit ay pigain ang katas at inamin na parang syrup. Marami na ang sumubok at nakita ang tunay na epekto ng oregano.

Friday, February 2, 2018

Wednesday, January 17, 2018

TOBOG-TOBOG

This is tobog -tobog,  a native merienda of Filipinos in rural areas. It is a sticked -rolled cassava cake,  in modern parlance.  The shredded cassava after being mashed up of the liquid component is mixed with milk or coconut milk and fresh coconut. Fried chicken until it turns brown.  So tempting and good for the palate and health in general 

Tuesday, January 16, 2018

SUPPORT THE BUZZ

We have come up to the point of facing odds in our quest and purpose to sustain good blogging.  Even without website, we try to see it that we write information,  entertainment and knowledge to our viewer.
Blogging is passion, anchored from commitment,  but still financial issue is a vital concern.
In view of these,  please bear with us if we are not able to post regularly but as soon as we fixed monetary woes,  rest assured you can read us every day.
We hope to get some sponsorship from our prospects to make our mission and vision fruitfully done.
Thank you for taking precious moment of your time being with us.

Sunday, January 14, 2018

THE BEAUTY AND FURY OF MAYON VOLCANO

Ang ganda ng Mayon Volcano kapag tahimik, ngunit pag nag-alburuto ay malaking perhuwisyo.  Matapos ang Ilang beses na pagbuga ng abo,  ang tinaguriang perfect cone na bulkan ay may posibilidad na pumutok, ayon sa ulat. Pinaalalahanan ang mga tao na  huwag Pumasok sa idineklarang 6km-radius permanent  danger zone.  



Monday, January 8, 2018

SAAN SILA PUPUNTA?

Mawawala ang tanawing ito kapag natuloy ang demolisyon ng PNR sa mga bahay at ibang istruktura sa lupang pag-aari ng gobyerno. Madi-displace ang mga pamilya na Ilang dekada nang nakatira malapit sa riles ng tren. 
Panibagong komunidad ang kanilang magiging pamayanan. Panibagong kapitbahay at mga tao ang pakikibagayan. 

SINO-SINO ANG SASAGASAAN NG TRAIN LAW?

Naaalarma ang mga mamamayan sa magiging epekto o bunga ng reporma sa buwis
Dahil sa pagtaas  ng buwis sa produkto ng petrolyo at kerosene ay tiyak na tataas ang mga bilihin ng mga basic good at serbisyo.
Mangangahulugan ito ng pagtitipid kaya bawas-bili ang mangyayari na magreresulta sa bawas benta ng mga negosyante.
Mababawasan ang demand ng mga produkto sa Mercado kaya apektado ang mga manufacturer na posibleng humantong sa bawas-trabahador.
SASAGASAAN ng TRAIN law ang mahihirap na walang tinatanggap na take-home pay tuwing kinsenas at katapusan.
Paano ang nagtitinda ng gulay at ulam sa bangketa? Ano ang mangyayari sa kita mg magtataho, padyak driver at iba pa na umaasa sa kikitain sa bawat araw na pagkayod?
Ngayon pa lang ay ramdam na ang dagdag pasanin ng mahihirap.
Kung madaragdagan man ang iuuwing suweldo ng manggagawa tuwing payday dahil wala na ang withholding tax ay hindi garantiya na sapat ang kanilang kikitain sa tumaas na gastos ng pamilya.
Ang kapiranggot na tax sa suweldo na naisalba ay kulang pa sa nadagdagan na gastos.
Ang hirap talaga kung ang hikahos ay lalong mababaon sa hirap at dusa.

Sunday, January 7, 2018

14 NA 600-POUNDER NA BOMBA HINAHANAP PA SA MARAWI

BAWAL pa ring pumasok ang mga taga-Marawi City sa “ground zero”.
Ito’y dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nahahanap ang mga bombang hinulog ng F-50 fighter jets na hindi sumabog noong kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ISIS-Maute terror group.
Sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario na kahit gumagamit sila ng K-9 o mga police dog ay tatlo pa lang sa 17 na 600-pounder na bomba ang narekober sa patuloy na clearing operations sa 250 ektaryang main battle area.
Kaya aniya lubhang mapanganib kung magpupumilit pumasok ang mga residente sa dating war zone.
Sa kabilang dako, naniniwala naman sila na mahigit sa 1,000 exploded ammunitions ang na-retrieve ng mga sundalo.
Subalit, ang habol nilang makuha ay ang 17 rounds ng 600 pounders.
“And during our briefing last December 21, pinakita sa atin ng mga EOD experts kung papano iyong process nila. There was a 250 pounder pumasok sa ground, it penetrated slantly for about 5 meters and direct vertical distance about 4 meters. It will take them 2 days just to get that one round of 250 pounder,” ang pahayag ni Del Rosario.
Kaya nga, kinalampag nila ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Armed Forces of the Philippines upang mapabilis ang clearing ng unexploded devices.
BATID naman nila ang sentimyento ng mga residente na makabalik na sa kani-kanilang bahay sa Marawi.
Hindi rin lingid sa kanilang kaalaman ang ‘request’ ng mga residenteng ito na payagan silang makapunta sa kanilang bahay kahit isa hanggang 2 linggo matapos ang clearing operations.
Samatala, ipinanukala nito sa mga barangay at city officials na bumalangkas ng waiver para sa mga nais pamasok at kunin ang mga natirang gamit para malinaw na walang dapat panagutan ang gobyerno sakaling may masamang mangyari sa kanila.
 “I promised them that we will do that provided they will sign a waiver that if something will explode in the process of retrieving their personal belongings, it will not  be the responsibility of the government, of the AFP and the local government unit. I required them that to start preparing that waiver through the Barangay Captains and the city government,” ani Del Rosario.
Hanggang ngayon, humigit kumulang 3,500 pamilya na lumikas noong Mayo 2017 ang nananatili pa sa mga evacuation center.