Masarap, masakit ang umibig.
Dalawa lang ito sa larawan at mukha ng pag-ibig na nagpapagalaw umano sa mundo.
Bakit nga ba ayaw ng iba na umibig kung ito ay bahagi ng buhay dahil mismo sa dikta ng puso?
Nauunahan sila ng takot dahil sa nakikita, nababasa at nai-share na hindi magandang kinahantungan ng pagbabakasakali.
Ang pagmamahal lalo sa opposite sex ay hamon ng walang katiyakan kaya naroon ang bakasakali. Hindi kasi natin nakikita ang mangyayari o hantungan pero may judgment na agad. Nauunahan ng negatibong pananaw kaya nababahiran ng takot ang pakikipagsapalaran.
Sabi nga, kailangang tawirin ang tulay upang makita at maranasan ang nasa kabila nito.
Representasyon ang tulay ng pagsubok at hadlang kaya sa takot na tawirin ito ay nawalan na tayo ng tsansang makamit kung ano ang kapalarang nakalaan.
Mananatili ang takot kapag hindi tayo nangahas. Kailangan natin ng tapang pero hindi nangangahulugan na nawala na ang ating takot.
Ang katapangan ay abilidad na suungin ang hadlang kahit nasa atin ang takot.
Hindi puro sarap ang magmahal ngunit hindi ito lipos ng dusa.
No comments:
Post a Comment