Monday, September 25, 2017

SINO ANG MAS MAHALAGA?

Sa paghihiwalay, sino ang mas mahalaga, ang umaalis o ang maiiwan?
Ito ang mahirap bigyan ng tugon o sagot dahil iba ang persepsyon sa emosyon.
May kanya-kanya tayong saloobin kaya hindi pareho ang paniniwala.
Mabigat sa loob ang iwanan ang mahal sa buhay ngunit mahirap sa dibdib ang mararanasan ng iiwanan.
Kailangan dito ang ultimate sacrifice para sa kung ano ang intensyon ng paghihiwalay.
Ang separation ay pansamantala ngunit nagiging matagal ito sa iba.
Meaning uri. Iba't iba ang senaryo ngunit kaba, pangamba at takot ang kapwa nasa isipan ng bawat partido.
Trust.
Iyan ang kailangan.
Minsan, absence makes a heart grow fonder  ngunit ang malayong relasyon ay nasisingitan ng pangit na katotohanan.
It's a gamble.
Nevertheless, think that separation is not parting ways. Magpapatatag ito ng relasyon na sinusubok ang tatag.
Who really matters most in the event of separation,  the one leaving or the one left behind?

No comments:

Post a Comment