Tuesday, September 5, 2017

ROSARYO NG SATANISTA KUMAKALAT

Pinag-iingat ng isang exorcist ang mga mananampalatayang Katoliko laban sa mga rosaryo at mga relihiyosong items na dinasalan at isinumpa aniya ng mga Satanista at ipinakakalat upang ligaligin ng masasamang espiritu ang mga taong magma-may-ari nito.
Ayon sa exorcist na si Fr. Ambrosio Nonato Legaspi, ang mga naturang rosaryo ay ipinamimigay ng mga “Illuminati” na aniya’y mga “Satanista”.
Ito'y dinasalan aniya ng mga taong gumawa nito at itinalaga para sa kasamaan upang ang sinomang gumamit ng mga ito ay sundan ng evil spirits.
“Kapanalig listeners, be careful as the rosaries you might be using could actually be infested or cursed,” ani Legaspi, sa panayam ng church-run Radio Veritas. “These were made not only to be simply given away but to deceive Catholics…so that evil spirits will haunt them.”
Ayon naman kay Diocese of Novaliches Office of Exorcism (Libera Nox) assistant case officer Philippe De Guzman, ang mga Satanic rosaries ay karaniwang gawa sa plastik at mayroong kakaibang simbolo na hindi kaagad mapapansin ng ating mga mata, tulad ng ahas na nakaikot sa krus, isang pentagram o di kaya’y sinag ng araw, na siyang insignia o simbolo ng Illuminati.
Kamakailan lamang aniya ay nakakumpiska sila ng ganitong uri ng rosaryo sa isang infestation case na hinawakan nila sa Libera Nox.
Mayroon na rin silang nakumpiskang mga katulad na rosaryo sa ilang infestation cases ngunit ang huling rosaryong kanilang nakumpiska ay kakaiba dahil lumilitaw na ito ang dahilan kung bakit nanirahan ang masamang espiritu sa silid ng isang kliyente nila, at nagdulot ng kaguluhan sa tahanan.
Minsan naman anila ay walang simbolo ang mga relihiyosong items, ngunit isinasailalim ang mga ito sa ritwal upang kapitan ng sumpa o masamang espiritu, bago ibigay sa ibang tao bilang regalo.
Kaugnay nito, nagbabala ang exorcist sa mga mananampalataya na maging mas maingat sa pagtanggap ng mga regalong religious items.
Pinayuhan din niya ang mga pari na bendisyunan ang mga religious items, alinsunod sa Catholic rituals at i-exorcise ang mga ito, lalo na kung ang mga may-ari nito ay nakararanas ng mga paranormal na pangyayari.
“Not just a blessing, these items should be exorcised. Not just an ordinary blessing where water is just sprinkled–as most priests commonly do–but to use the Catholic ritual…that would frighten the demon away,” ani Legaspi.
Giit pa ni Legaspi, ang simpleng pagwiwisik lamang ng holy water sa cursed o infested item ay hindi sapat upang itaboy ang masamang espiritu, lalo na at kung ang ritwal na inilagay dito ng mga Satanista ay isang major curse, na tumagal ng 30-minuto.
Hindi naman aniya kinakailangan ng mahabang pagbabasbas sa religious item at sa halip ay gawin lamang ang pagbebendisyon na inirerekomenda ng Simbahang Katoliko.
Hindi na rin aniya kinakailangan pa ng exorcist sa mga ganitong kaso dahil ang Book of Blessings ng Old Rite prayers ay maaari namang gawin ng kahit sinong pari para sa naturang layunin.
Nagbabala rin naman si Legaspi laban sa mga Masonic medals na kumakalat ngayon, na ang hitsura ay tila Our Lady of the Miraculous Medal, maliban na lamang sa compass, na insignia ng mga Mason, na nakalagay dito.
Ang mga Mason ay isang secret society of men, na kilala at idineklara ng Simbahang Katoliko, bilang anti-Christian at anti-Church.


No comments:

Post a Comment