Sa biyahe kailangan may barya ang pasahero.
Ito ay laan na pambayad sa CR. Sa bawat himpil ng sasakyan sa mga kainan ay kasama na rin ang pagihi at pagbabawas. Hindi libre ang paggamit ng CR sa mga kainan kaya obligadong dumukot ng barya para ihulog sa lata na nakalagay sa pinto ng comfort room.
Ang mga gustong mkatipid partikular ang mga lalaki ay sa tabitabi na lang umiihi.
Paano ang mga babae?
Dahil karaniwan nang mahal ang pagkain sa mga restaurant o karinderya, ang iba ay nagdadala ng sariling pagkain at sa loob na ng nakahimpil na bus nagsisikain. Kaya di maiwasan ang kalat lalo ng pinagbalutang plastic.
Mabenta ang cup noodles, kape at softdrinks pati na rin tubig.
Ang basyo ng tubig at iniiwan lang sa ilalim ng upuan o inihahagis sa lansangan.
Ang iba na hindi nakabili ng pagkain ay umaasa sa mga sumasampang tindero o naglalako kaya may iba pang kumikita sa byahero. Tiyaga, pagod at puyat ang puhunan ng mga tindero na bahagi rin ng mundo at saya ng lipad-lipad.
Ang eksena sa lipad-lipad tuwing peak season.
Abangan!
No comments:
Post a Comment