Monday, September 25, 2017

NEW DAY

Bawat bato ng bagong umaga ay may ibang nangyayari na hindi katulad ng nagdaang araw kahit sabihin pang simple at pareho lang ang routine ng iyong existence.
Kaya nagiging boring ang buhay dahil 'yun at 'yun lagi ang nangyayari pero kung lalagyan ng ibang approach at pananaw ay maiwasan ang pagiging monotonous kaya ibang sigla at antisipasyon ang iwe-welcome natin pagsilang ng bagong araw.
Tayo naman ang nagbibigay ng kung ano ang mangyayari sa araw natin.
Bigyan ng bagong sahog at kahit simpleng bagay ay gawing espesyal dahil ang pagiging espesyal ay disposisyon at sariling interpretasyon lang. State of mind o relative.
Every day is a new day,  always a new beginning and hope.

No comments:

Post a Comment