Tuesday, September 12, 2017

BAYANI KA, INAY

PATAY ang isang ginang makaraang malunod habang inililigtas ang kanyang mga anak mula sa mabilis na agos ng ilog sa Silang, Cavite.
Ayon kay Kathlyn Eusebio ng Silang Disaster Risk Reduction and Management Office, una nang iniulat na nawawala si Rossie Nasayao, residente ng Barangay Biluso, matapos tangayin ng tubig sa umapaw na ilog ang kanilang kubo.
Base sa salaysay ng ilang saksi, nang tumaas ang tubig sa ilog ay agad inilikas ng ginang ang mga anak na pawang menor de edad.
Ngunit habang pilit nitong tinatawid ang baha habang kalong ang huling anak na kanyang ililigtas ay lalong lumaki ang tubig kaya nahirapan ang ginang at sila ay natangay.
Sa kanyang natitirang lakas, pinilit ng ginang na maitulak ang anak sa nakalawit na sanga ng puno kung saan ito kumapit habang naghihintay ng saklolo.
Sa kasamaang palad, tuluyang naglaho ang ginang na tinangay ng baha.
Makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang bangkay nito sa bahagi na ng Barangay San Agustin 2.
Si Nasayao ay larawan ng isang tunay na ina na handang magsakripisyo para sa mga anak. Buhay man niya ang maging kapalit.

No comments:

Post a Comment