Minsan ang pangarap ay nagiging masaklap. Realidad iyan sa buhay.
Hindi matanggap ni Miles ang nangyari sa buhay may asawa.
Hindi niya itinuring na biro ang naganap. Sa isang iglap, ang masayang mundo niya ay nauwi sa kalungkutan, sa desperasyon nang mawala ang kanyang asawa.
Dalawa ang naiwang anak sa kanya.
Masakit man ay kailangan niyang kumilos para sa kanyang mga anak
Isa na siyang solo parent na kailangang gampanan ang dalawang papel - maging ina at ama.
Itinuloy niya ang kanyang propesyon.
Mahirap ang unang desisyon
Saan niya ibibilin ang mga bata?
Ang ina pa rin niya ang sumaklolo sa kanya.
Hindi matitiis ng ina ang anak na nangangailangan ng suporta, tulong at pag-unawa.
Mahirap sa una. Kahit nasa poder ng kanyang ina ang dalawang bata ay hindi maalis sa kanya ang mag-alala ngunit kailangan niyang huwag masira sa trabaho para hindi mawala ang pagkakataong maitawid niya ang mga bata sa mapaghamong mundo.
Kapag wala sa trabaho ay bumabawi siya para gampanan ang pagiging magulang.
Nakikita niya ang produkto ng kanyang sakripisyo.
Nararamdaman niya na hindi siya mabibigo.
Tibay ng loob at pananalig sa Diyos ang kanyang sandigan kaya siya ay naging matapang.
Mag-asawa muli?
Hindi na ito iniisip ni Miles. Ayaw niyang sumugal at isakripisyo ang kaligayahan at kapanatagan ng buhay ng kanyang mga anak.
Masaya siya sa kanyang papel na ginagampanan. Masaya siya sa nararamdamang kaligayahan ng mga mahal niya.
Ito ang kuwento ni Miles, Isang solo parent.
No comments:
Post a Comment