Tuesday, September 5, 2017

HANEP SI AUNTIE

(Tunghayan ang maikling kwento ni Alfred, isang dental technician sa Switzerland)

SA bahay ng uncle ko ako nakatira nang mag-aral ako sa kolehiyo. Malayo kasi bahay namin sa kolehiyong pinasukan ko. Binata pa si Uncle Ryan noon pero matapos ang isang taon kong paninirahan sa kanya ay nagdala na siya ng live-in partner. 
Maganda si Auntie Liz. Matanda lang sakin ng apat (4) na taon. Disiotso ako at 22 siya. Si Uncle nun e 24. Si Uncle Ryan kasi ang bunso sa magkakapatid at panganay sa kanila ang aking father, so hindi magkalayo ang aming mga edad. In fact, barkada ang turing sa akin ni Uncle.
Sa una, asiwa ako ke Auntie Liz dahil parang mataray pero naging magiliw siya sa akin tulad ng tratong binibigay ng isang nakatatandang kapatid sa bunso.
Isang gabi ay nasilip ko ang mainit nilang tagpo, mismo sa kusina. Hindi nila namalayan ang aking pagdating kaya matapos ang ilang minutong paninilip ay lumabas muna ako. Hindi mapuknat sa aking isip ang nakita kong eksena. Umiinit ang pakiramdam ko at nag-aalburuto ang aking harapan.
Iyon ang nagsindi ng kakaibang pagnanasa ko sa ka-live-in ng aking uncle. Mainit ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mabibilog at makikinis niyang mga hita at siya ang kaulayaw ng aking pantasya habang nilalaro ko ang akin. 
Marubdob na ang aking paghahangad na matikman si Auntie Liz at dumating ang puntong iyon.
Kami lang ni Auntie sa bahay nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Day-off niya sa office at si Uncle ay nasa field work.
Tumagal ang ulan at pinasok na ang bahay ng tubig baha kaya magkatuwang kaming itinaas ang mga kagamitan. Nasusundan ko siya sa pag-akyat sa hagdanan at halos dumikit na sa aking mukha ang umbok niyang puwet. Bigla siyang nawalan ng balanse at nasalo ko siya.
Nasalat ko ang kanyang boobs at parang wala sa kanya ang sitwasyon. Tumingin siyang nakangiti at nagpasalamat. Gusto kong ituloy ang pagsalat na iyon nang makaakyat na kami sa itaas subalit naisip ko pa rin si Uncle. 
Giniginaw na kami dahil babad na rin mga paa namin sa tubig ngunit nangibabaw pa rin sa akin ang katinuan.
Naisip ko na hindi papayag si Auntie. Nakita ko pa rin ang kanyang pagiging faithful kay Uncle at ayokong alisin iyon sa kanya. Maaaring madarang ko siya subalit hindi ako ang dapat maging dahilan para masira ang relasyon na alam ko ay magtatagal.
Pinatunayan ko na kaya pa ring talunin ng tuwid na kaisipan ang baluktot na pagnanasa.
Subalit hindi ko maipangako kung hanggang saan ko kakayaning pangibabawin ang katinuan so nagdesisyon akong umalis sa bahay ni Uncle Ryan. Nag-board ako malapit sa kolehiyo hanggang maka-graduate ako. 
Paminsan-minsan ay pumapasyal ako kay Uncle at tinitiyak ko na naroon siya kapag napapasyal ako. Wala na ang aking pagnanasa kay Auntie Liz subalit hindi na ito dapat mabigyan ng puwang.
Minsan na akong naging mainit ngunit hindi naging marupok. Naituwid ko ang mali at nakita ang resulta - isang masaya at walang mantsang pagmamahalan. Sa December ay ikakasal na sina Uncle Ryan at Auntie Liz.
Mayroon na silang isang anak.
Ako naman ay narito na sa Switzerland at dahil halos kararating ko lang dito (Feb. 2017) ay tiyak na hindi ako makaa-attend sa kasal.
Best wishes na lang sa kanila.

No comments:

Post a Comment