Kailangan bang suportahan ang nakakita na ng liwanag at katotohanan o higit na pagtuunan ng pansin ang nagsisimula pa lamang mamulat at nararapat na bigyan ng gabay?
Dumarating ang sandali na namumulat ang tao sa tunay na kaganapan ngunit nasa linya ng guhit kung ano ang tama o mali.
Dito umusbong ang diskurso dahil may sariling interpretasyon ang bawat isa kaya hindi mawari kung ano ang totoo o katotohanan.
Ang iba ay mulat na habang di rin mabibilang ang ayaw pang tanggapin ang katotohanan dahil sa tinatawag na pride at sobrang ego.
Dito hindi na kailangang suportahan ang matagal nang nakakita ng liwanag at katotohanan .
Kailangang gabayan ang nilalang na ngayon pa lang namulat at nakakita ng liwanag upang hindi maudlot ang pagbangon.
May tsansa na ang bagong namulat maging bulag uli kung hindi tatanggapin at bibigyan ng gabay. Mangangapa sila kung hahayaang tuklasin ang mga nakapaloob sa katotohanang nakita na nila.
Pagtanggap ang kailangan. Hindi na akma ang ipamukha sa kanila ang pagkakamali dahil sa panahong hindi sila panig sa katotohanan ay nasa isipan nila na sila ay tama.
Gabayan natin ang bagong mulat sa liwanag at ang matagal nang gising ay nararapat na umakay sa mga bago na nagsisimula pang makita ang liwanag.
Hindi ipinagkakait ang liwanag upang marami ang tumapak sa daan patungo sa katotohanan.
No comments:
Post a Comment