Sabi nga, hindi gaano nakikita ang halaga ng buhay kung walang pagsubok na dinaraanan. Parte na ng buhay ang trials at kung paano ito tanggapin, bigyan ng solusyon at lagpasan ang nagbibigay ng higit na sense of appreciation at value ng life.
Wala raw sigla at kalatoy-latoy ang existence kung walang trials. Dito Nakikita ang hangaring makasalba at malagpasan ito at ito rin ang sukatan ng katatagan na kailangan ng Isang nilalang.
Faith resurrects, ika nga, at ang faith ay magiging malakas na siyang gustong paiiralin ng tao.
Ang pagsubok ay paraan ng Diyos upang purihin tayo sa kakayahan at kapasidad natin na malagpsan at batahin ang trials.
Pananalig ang sandata rin para lalo tumatag at lumaban kahit ga-bundok man ang problemang pasan.
Subalit may mahina na sumusuko agad.
Ngunit higit na nakakarami ang lumalaban at hindi nagpapadaig sa udyok ng kawalan ng pag-asa.
Sa mundo, marami ang umaasam ng magandang buhay at ang pagtahak sa pangarap ay may nakahambalang na hadlang na dapat maigkasan.
Naghahanap tayo ng contentment pero nasa atin din naman ang preskripsyon kung kuntento na tayo.
Likas sa iba ang maghangad pa ng higit at natural ito subalit sa iba, basta hindi sila nakabaluktot para mapagkasya ang kapos na kumot pag taglamig ay sapat na ito sa kanila. As long as na hindi bali ang likod at basta may mapagsaluhan sa hapag-kainan ay sapat na sa kanila.
Kanya-kanya tayo sa pag-areglo sa buhay at ibat ibang ang konklusyon natin sa contentment.
Kaya magkakaiba rin ang trato natin sa pagsubok.
No comments:
Post a Comment