Tuesday, September 12, 2017

'YAN ANG PINOY



HABANG humahagupit ang bagyong Maring at lubog sa baha ang maraming bahagi ng bansa, hindi pinalampas ng ilang residente ang pagkakataon para kumita. Ilang kalalakihan ang namataang nag-aabang sa bahagi ng Tullahan River sa boundary ng Valenzuela City ng mga maaari pang pakinabangang bagay na inaanod sa baha. Hindi maipagkakaila na ang Pinoy, kahit saan, kahit kailan, madiskarte. Iyon nga lang, may kaakibat na peligro ang kanilang ginagawa lalo na sa mga bata na posibleng mahulog sa tubig at matangay ng agos.

No comments:

Post a Comment